3

1322 Words
TRAVIZ’s POV Paglabas ko ng banyo, narinig ko na may umiiyak. May iba pang boses na nagsasalita. Dahil sa ayos ko, dumiretso muna ako sa kuwarto ko para magbihis. “Sino kaya iyong umiiyak?” tanong ko pa bago ako lumabas ng kuwarto. Pumunta ako kung saan nanggagaling ang mga boses. Isang kuwarto lang ang pagitan namin at nakabukas ang pinto kaya nakita ko agad kung sino ang nasa loob. Nandoon sa may kama ang aking pamangkin at pati ang aking Ate. “Sasampahan ko po siya ng kaso. Nanilip po siya. Wala pa akong karanasan at naging boyfriend kaya dapat lang siyang managot.” Sabi ng babaeng umiiyak. Siya ang babaeng pumasok sa aking kuwarto. Nagtago ako. Hindi ako nagpakita. Dahan-dahan akong bumalik sa aking silid. Kailangan maunahan ko siya. Bakit niya ako kakasuhan? Wala akong ginawang masama sa kaniya. Hinanap ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko kanina. Ginagamit ko lang naman ang cellphone ko kapag may kailangang tawagan. Ngayon, kailangan ko ang tulong ni Roman. Pulis-pulisan ang isang iyon kaya puwede na para lumusot ako. Siya ang kanang kamay ng hepe kaya puwedeng-puwede siya ang pumunta rito. Oras na rin ng kaniyang pahinga kaya puwede ko na siya maistorbo. Ayaw kong magkaroon ako ng kaso. Hindi rin puwede na basta na lang ako paratangan ng babaeng iyon. Sino ba kasi siya? Malalaman ko rin kapag dumating na si Roman. Nag-dial na ako. Nag-ring. Sinundan pa ng isang ring. “Sagutin mo Roman.” Nagsasalita pa ako habang naghihintay ng may sasagot sa kabilang linya. Natapos ang pag-ring pero walang Roman na sumagot. Inulit kong muli. Hindi ako puwedeng sumuko. Kailangan ko siya ngayon. “H-hello!” tila humihingal pa siyang sumagot sa kabilang linya. “Bro, kailangan ko ang tulong mo. Puwede ka bang magsuot ng uniform ng pulis?” “Ha? Anong sinasabi mo, Traviz? Anong nangyari sa ‘yo?” “Habang naliligo ako, may biglang pumasok sa banyo na isang maganda at seksing babae –“ “Wow, anong ginawa mo? Kinana mo?” “Hindi mo kasi muna ako patapusin. Wala akong ginawa sa kaniya. Siya ang pumasok at naghubad kahit nandoon ako. May sabon pa nga ako sa katawan. Ngayon umiiyak doon at kakasuhan daw ako. Tulungan mo ako, bro.” “Istorbo ka naman, bro. Ang sarap ng kain ko rito. Sige pupunta ako riyan pagkatapos nito,” sabi niya. Hindi na niya nagawa pang magpaalam nang magsalita ang babae. Matinik talaga ang isang iyon pagdating sa chicks. Pumirmi muna ako sa kuwarto ko. Mamaya na lang ako lalabas kapag dumating na si Roman. May kumatok sa aking pintuan. “Sino ‘yan?” “Traviz, puwede ka bang makausap?” boses ni Ate. Patay. Ito na si Ate. Nasaan na ba ‘yang si Roman? “Ate, bakit po?” tanong ko sa kaniya na hindi ko binubuksan ang pinto. “Buksan mo ang pinto para magkaintindihan tayo. Mahirap na pareho tayong sisigaw.” Muli kong tinawagan si Roman. Nandito na ang Ate ko. “Papunta na ako d’yan,” sagot sa akin at pinatayan pa ako ng telepono. Puwede ko na sigurong papasukin si Ate. Parating na naman si Roman. “Bakit ‘te?” patay malisya kong tanong sa kaniya. “Umiiyak si Crystal,” umpisa ni Ate. Crystal pala ang pangalan niya. Okay na rin, Bagay sa hitsura niya. “Ha? Sino siya?” tanong ko. Hindi ko naman talaga kilala ang babaeng sinasabi niya. “Kaklase ni Elsie. Kasama ng pamangkin mo na magbabakasyon sana rito. Kaya lang ay –“ hindi natuloy ni Ate ang pagsasalita dahil sa pagtawag ng katulong dito. “Ma’am, may naghahanap po kay Sir Traviz. Nakapang-police po.” Nandyan na ang kaibigan ko. “Ha? May police na agad, kinakusap pa namin si Crystal at baka nabibigla lang.” “Patuluyin mo.” Ako ang sumagot. Lumabas ako sa aking silid, mayroon na akong back-up. “Ate, sa ibaba na lang tayo mag-usap. Tutal ang gusto noong Crystal na sinasabi mo ay kasuhan niya ako. Doon na lang tayo sa baba mag-usap-usap sa kanang kamay ni Hepe.” Naiwan si Ate na nakatunganga at ako naman ay dire-diretso lang sa paglalakad para puntahan si Roman. Nasabi ko na kay Roman ang pangyayari bago pa bumaba ang mga Ate ko. “Siya iyon! Mamang pulis, ikulong po ninyo siya! Bastos ang lalaking iyan!” sigaw ng babaeng kaibigan ng pamangkin ko. “Huminahon ka muna Miss. Pag-usapan natin. Hindi puwede ang basta-basta hulihin siya unless ni-r**e ka niya. Na-r**e ka ba? Anong ginawa niya sa ‘yo?” tiningnan pa ako nitong si Roman mula ulo hanggang paa. Parang papaniwalaan pa niya ang nagwawalang babaeng ito. Ngayon ko lang siya napagmasdan. May hitsura pala siya este maganda pala siya. Lahat naman may hitsura nga pala. Mayroon lang pangit at maganda. Biglang umiyak si Crystal. “Hindi nga po. Ay hindi po. Binosohan lang po niya ako.” “Bro, kung kinana mo pala ‘to, walang iyakan. Ibang ingay ang maririnig lang dito sa bahay.” Bulong ni Roman. Siniko ko nga siya. “Paano mo nasabing binosohan ka?” “Nasa loob po siya ng banyo ng hindi ko alam. Naghubad na ako pero siya walang ginagawa.” “Bro, sabi ko sa ‘yo. Kung ako ‘yan, hindi puwedeng walang gagawin.” Lintek, itong kaibigan ko. Si gatong pa. “Alam mong nandoon siya?” tanong ni Roman sa babae. “Noong nakahubad na po ako. Pagharap ko sa shower room, saka ko lang siya nakita.” “Ibig sabihin ikaw ang namboso, at hindi si Mr. Zamora.” “Hulihin po ninyo siya. Paano na ako? Kapag nalaman nilang nakitaan na ako.” “Alam mo, Miss. Baligtad. Ikaw ang namboso sa akin dahil nandoon na ako. Hindi nila sana malalaman ang nangyari kung hindi ka nag-over-acting. Ako dapat ang magreklamo at hindi ikaw!” Umiyak na naman siya nang ubod lakas. Nagkatinginan kaming lahat. “Okay, okay. Para matapos na ang isyung ito. Mr. Zamora, sumama ka sa akin.” Inilabas ni Roman ang dala niyang posas. “Ano ‘yan? Bakit mo ako lalagyan niyan?” tanong ko kay Roman. Imbes na sagutin ako ay may sinabi pa siya. “Inaaresto kita. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in court. May karapatan ka ring kumuha ng abogado.” Agad niyang ikinabit ang posas sa isa kong kamay at ang isa sa kaniya. “Miss, ito na. Naposasan ko na siya. Dadalhin ko na siya.” “Crystal, bawiin mo ang sinabi mo. Kawawa naman si Angkol Traviz.” Sabi ng pamangkin ko. Tumigil na sa pag-iyak si Crystal. “Kasi bro, sa susunod kapag nakitaan mo, idiretso mo na. Baka naman type ka.” Bulong ni Roman. “Huwag na po ninyo siyang ikulong, Mamang Pulis. Okay na po ako. Baka kumalat pa po ang nangyari. Pasensiya na po sa abala. Pasensya na po sa inyong lahat.” Biglang tumakbo at umakyat siyang muli. Sinundan naman ni Elsie at ni Ate. Naiwan kaming dalawa ni Roman. “Case close agad.” “Aba, alisin mo na ito. Parang gusto mo pa akong tuluyan.” “Ano pa nga ba? Inistorbo mo ang ginagawa ko kanina.” “Susian mo na ito. Babawi na lang ako sa ‘yo.” “Ano bang nakita mo?” “Ako pa talaga ang tinanong mo. Para kang inosente sa ganoong bagay. Alisin mo na at umuwi ka na.” “One week supply ito ng pan de himod. Pati na rin ang latest mong tinapay. Baka naman siya ang modelo mo sa pan de svso.” “Sige. Pakuha mo na lang kung hindi ka makakadaan dito.” “Ayos! Makakatikim din ng libre.” Agad niyang kinalas na ang posas. Laruan lang pala ang dala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD