4

532 Words
TRAVIZ’s POV Nakaluto na ako ng pandesal. Iniipon ko muna na makaluto ako nang marami bago ko buksan ang bakery. Nagdadala rin muna ako ng pandesal sa bahay ni Ate na karugtong lang nitong bakery. Pagkatapos ay magbibihis na ako. “Good morn –“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil ang nandito sa dining area ay ang kaklase ng pamangkin ko. Inirapan kaagad ako nito. Wala naman akong ginagwa pa sa kaniya. “ito na ang inyong almusal. Kainin na ninyo ang aking bagong lutong pandesalsal.” Sabi ko. “Bastos!” mahina niyang sambit. Nagpalinga-linga ako. Baka may ibang tao rito na hindi ko napansin na pumasok. “Nasaan?” “Bastos ka! Pati pagkain binabastos mo.” “Anong ginawa kong pambabastos sa pagkain?” “Anong sinabi mo kanina ng ilapag mo ang supot?” “Itong mga pandesalsal?” “Ang bastos mo talaga. Hindi ka ba napapagod sa pagiging bastos mo?” “Anong bastos? Mabubusog ka nga rito. Isa lang ang isusubo mo busog na busog ka na.” sagot ko sa kanya. “Hindi kaya ikaw ang bastos? O baka gusto mong?” muli akong nagpalinga-linga. “Bastos ka talaga! Dapat ikinulong ka na kagabi.” “Gusto mo akong makulong? Puwede naman. Tara muna sa kuwarto ko, magkulong muna tayo, saka mo ako ipakulong. Bigyan mo ako ng dahilan para makulong nga ako. Tingnan natin kung worth it na makulong ba talaga ako.” Tumayo siya na umuusok ang ilong. Nagpapadyak pa siya. Ako pa ba ang sasabihan niyang bastos? Kung alam kang niya na pila-pila ang mga babaeng gustong magpabastos sa akin. Lumabas na rin ako ng dining area. Kailangan ko na magbihis dahil tanghali na. Marami na sigurado ang nag-aabang ng paninda ko sa may panaderya. Hindi ko na siya nakita paglabas ko. Pag-akyat ko naman sa second floor, nakasara ang kuwarto niya. Natatawa ako. Bakit ang cute niyang pagmasdan lalo na kapag nagagalit siya? Akala naman niya ay hahabulin ko siya. Ang daming babae sa may labas ng panaderya. Puwede akong mamili roon at tuwang-tuwa pa sila. Pero wala naman akong type talaga. Ginagawa ko lang iyon para maging mabili ang mga paninda kong tinapay. Pagdating ko sa bakery ko, isa-isa kong inalis ang harang. “Ayan na si Traviz! Sana mainit pa ang kaniyang pandesalsal.” Ang lakas nilang mag-usap-usap. Kahit nasa loob pa ako naririnig ko na sila. “Good morning, Traviz! Nag-iinit pa ba ang pandesalsal mo?” nagpa-cute pa ito. Kung maririnig ni Crystal, mas bastos pa ang mga salitang maririnig niya rito. Mahirap siyang mapunta rito, baka lahat sabihan niyang bastos, “Siyempre, mainit na mainit pa. Kaya mo bang isubo ang mahaba kong pandesalsal?” “Sisiw,” sabi ng isa na hindi ko alam bakit na lang halos tult0k na lang ng kaniyang dibdib ang natatakpan. Mukhang hindi naman tunay. “Mainit pa ‘yan. Baka mapaso ka.” ngumisi ako habang inaabot ang tinapay. “Sanay na kami sa init mo, Traviz,” sagot ng isa. Napailing ako. “Sige tingnan natin.” Kung nandito si Crystal, siguradong iirapan niya silang lahat, at hindi ko alam kung matatawa ako… o maiinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD