bc

Armistice: Fangs and Venoms

book_age16+
179
FOLLOW
1K
READ
adventure
warrior
twisted
mystery
genius
vampire
magical world
supernatural
special ability
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

In a world called Ulthein, there are some creatures living peacefully, not until a leech-like creature showed up and brought chaos.

The vampires who has a special power, gathered to come up with a plan to conquer the darkness.

The war between the Red Vampires and White Vampires ignited. A battle against their own blood and betrayal of their own kind. The bloodbath that will end the chaos, her sacrifice and the end of their existence.

The wielder of sword and a diety will lead the troops for victory.

chap-preview
Free preview
Panimula
Nakakahumaling pagmasdan ang kampilan na kumikinang dahil sa sinag ng puting buwan. Nakakabighani ang natatangi nitong ganda subali’t may kulang at hindi siya nasisiyahan sapagkat nawawala ang tatlong makapangyarihan na perlas. Tatlong perlas na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Kapangyarihan ng pagkawasak, paghilom at imortalidad. Kapag nabuo ang tatlong perlas ay magagamit ang kampilan upang magtungo sa iba’t ibang panahon na iyong nanaisin. Pinipigilan niya ang sariling hawakan ang kampilan sa kadahilanang nababalot ito ng kakaibang uri ng kuryente, sa oras na tumama iyon sa balat niya’y agad siyang mapapaslang. “Narito kang muli sa ipinagbabawal na silid. Mapalad ka dahil walang nakahuli sa iyo. Halina ka na't lumisan na tayo. Bago pa may makakita sa atin.” Marahan siyang umikot upang harapin ang nilalang na kumausap sa kanya. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa kanyang manipis at mapulang labi kasabay ang pagbabago ng kanyang wangis. “Walang sinuman ang magdududa sa aking pagkakakilanlan. Hayaan mo muna akong magnilay-nilay sa silid na ito habang hindi pa sumisikat ang araw.” “Kung iyan ang iyong nais, subali’t sikapin mong walang makakita sayo. Maghihintay ako sa kakahuyan.” Akmang aalis ang binatang kasama niya nang kanya itong pigilan. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit gusto kong makuha ang kampilan na ito?” “Bukod sa nais mong maging mas makapangyarihan ay wala na akong makitang ibang dahilan.” Muli siyang napangiti sa tinuran ng kapatid. Mas malalim pa ang rason kung bakit nais niyang makuha ang bagay na ito, lalo na ang mga perlas. Subali’t nangako siya sa sariling hindi niya isisiwalat sa kung sinuman ang kanyang mga binabalak. Makakasira lamang sila. “Iyon lamang, maari mo na akong iwan.” Nang tuluyan siyang mapag-isa'y saka niya binago ang kanyang wangis, napatingala siya sa buwan at makikita ang pagkislap ng mata niyang natatamaan ng liwanag. Ang ngiti sa kanyang labi ay napalis, at napuno ng galit at paghihinagpis ang kanyang puso habang muling binabalikan ang rason kung bakit niya ito nais gawin. “Kung kinakailangan kong magpanggap bilang isa sa kanila ay gagawin ko. Makuha lamang ang aking minimithi!” Kinuyom niya ang kanyang mga palad at nilisan ang silid bago pa man sumapit ang umaga. Nagtagpo sila ng kanyang kapatid sa kakahuyan at sabay na naglaho pabalik sa kanilang tirahan. Habang naglalakad papasok sa kanyang silid, nag-iisip na siya ng gagawin niyang hakbang upang isakatuparan ang kanyang nais. HININTAY kong lumipas ang ilang taon. Pinag-aralan ko kung paano sila mamuhay at gumalaw hanggang sa tuluyan kong makopya ang kanilang kinaugalian. Pagsapit ng ika-apat na kabilugan ng buwan, mag-isa akong sumugod sa kanilang bayan. Lahat sila ay aking pinaslang hanggang sa walang matira, iyon ang pag-aakala ko subali’t nagkamali ako. May isang babaeng paslit na nagtatago sa ilalim ng sira-sirang higaan, hilam ng luha ang kanyang pisngi at namumula ang mga mata niya sa sobrang pagluha. Marahan akong umupo sa sahig upang magtapat ang aming paningin. “Pahiran mo ang iyong luha, bata. Ayokong makitang mahina ka.” “Huwag niyo po akong saktan,” mahinang pakiusap niya. “Hindi kita sasaktan kung ituturing mo ako bilang iyong ina.” Kumislap ang takot sa bilugan niyang mata na kasing itim ng buwan ngunit pumayag din siya sa aking kagustuhan. Marahan siyang gumapang paalis sa kanyang kinaruruonan at hinawakan ang nakalahad kong kamay. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa akin ngunit sapat na iyon nang sa gayon ay masiyahan ako. Dinala ko siya sa aming tahanan, kita ko pa ang pagkamangha sa mata niya habang pinagmamasdan ang malawak na lupain at makukulay na mga bulaklak. “Sino ang batang iyan, Alex?” nagtatakang tanong ng aking kapatid na si Eri, hindi ko siya pinansin bagkus siya ay aking tinalikuran habang kalong pa rin ang bata. “Huwag mo siyang tatakutin. Siya ang aking magiging anak.” Mabilis niyang itinaas ang palad upang patahimikin ang kapatid sa tangka nitong pagtutol sa kanyang nais. “At, hindi ko nais marinig ang iyong pagtutol.” Humakbang ako palapit kay Eri at marahang inilapit ang labi sa tenga ng huli. “Magagamit ko siya sa aking nais,” bulong ko at tinapik ang mukha ni Eri bago ipasok ang bata sa aking silid. “Ito ang iyong magiging silid, tatabi ka sa akin at ito na rin ang magsisilbi mong tahanan. Bibigyan din kita ng pangalang nababagay sayo.” Nakatingala lang ang bata sa akin, nakatitig sa aking mukha habang ako’y nagsasalita. “Eloira, 'yan ang magiging pangalan mo.” Lumipas muli ang ilang taon, lumaking magandang dalaga si Eloira ngunit mapanganib ang taglay na kakayahan. Habang siya'y nagsasanay kasama si Eri, bigla siyang ipinatawag ng ina-inahan. May taglay siyang kakayahan na maglaho kaya iyon ang kanyang ginamit. Pumasok siya sa isang tagong silid ngunit nagulat matapos makita ang nakakahilakbot na wangis ni Alex. “Bibigyan kita ng isang kautusan na dapat mong gawin. Lulusob si Eri sa bayan upang kunin ang espesyal na perlas, nais kong kunin mo ang magiging biktima niya at dalhin mo sa lugar ng mga tao, sa lugar na tinatawag na Gaero. Alagaan mo siyang mabuti at huwag mong hahayaang makabalik sa lugar na ito. Naiintindihan mo ba.” “Masusunod, ina.” “Lumisan ka at huwag mo akong bibiguin.” ••• TATLONG kababaihan, kasama ang nag-iisang lalaki sa grupo ang nasa madilim na parte ng kagubatan. Nasa taas sila ng matatayog na puno, naghahanap ng tamang pagkakataon upang hulihin ang natutulog na hayop. Ikatlong kabilugan ng buwan at sa panahong ito malakas ang kanilang taglay na kakayahan. Bawat isa'y nakasuot ng itim na balabal na siyang nagtatago ng kanilang pagkakakilanlan. “Ihanda niyo ang inyong mga sandata. Tayo'y lulusob pagkalipas nang ilang minuto.” Sabay silang napatingin sa babaeng nakasuot ng kulay pilak na balabal, siya lamang ang naiiba sa kanila sapagkat siya ang unang nilalang na nilikha ng dyosa. Ang dyosang kanilang sinasamba na siyang higit na makapangyarihan sa kanilang lahat. Agad nilang sinunod ang kanyang utos, siya ang nagsisilbi nilang pinuno at lahat ng kanyang utos ay kanilang sinusunod. Ngunit bago pa man sila tuluyang tumalon pababa ay nagkaroon ang kasamahan nila ng isang pangit na pangitain. Hinarap niya ang babaeng nakasuot ng pilak na balabal at hinawakan ang kanyang palad. “Bumalik ka sa Volcier! Hindi ka maaaring sumama sapagkat manganganib ang iyong buhay.” Walang kulay ang kanyang mga mata habang nagbibigay babala sa kasamahan. Nanginginig ang kanyang mga palad dahil sa takot na baka magkatotoo ang nakikita niya sa hinaharap. “Hindi ko kayo maaaring iwan sa lugar na ito. Mapanganib!” pagtutol niyang may halong pagmamatigas. “Mas lalong mapanganib kapag nanatili ka sa aming tabi, Bellona. Huwag kang mag-alala at titiyakin naming ligtas kaming makakabalik sa Volcier.” “Kung sa gayon ay maiwan ko na kayo. Ingatan niyo ang inyong mga sarili dahil hindi ko nais na kayo ay malagay sa kapahamakan.” MABILIS akong tumatakbo palayo sa mga puting bampira na siyang humahabol sa akin. Puting mga bampira o mas kilala sa tawag na Venous. Sila ang mga nilalang na siyang kumikitil sa buhay ng mga inosenteng tao at aming mga kauri. Hindi ko batid kung ano ang pakay nila sa akin, ngunit natitiyak kong ako’y kanilang papaslangin sa oras na maabutan nila ako. Mas binilisan ko ang pagtakbo habang hinihilom ang malaking hiwa sa tiyan ko, dulot ng matalim nilang mga kuko na may halong lason. Maririnig sa buong kagubatan ang nakakahilakbot nilang mga ungol, ang nagbabaga nilang mga mata ay nagsisilbing liwanag sa madilim na kapaligiran at ang kanilang mga wangis ay lubhang nakakapanindig balahibo. Hindi ko alam kung saan ako tutungo, sa unahan ko’y makikita ang malaking harang na gawa sa tubig at apoy. Sa oras na tumama iyon sa aking balat, ako’y mawawalan ng buhay. Napatingala ako sa mga nagtataasang puno at walang pagdadalawang isip akong umakyat. Tumalon-talon ako sa mga sanga ng puno, pabalik sa gitna ng gubat at inaatake ang bawat Venous na sumasalubong sa akin. Gamit ang punyal na gawa sa espesyal na kahoy, sinasaksak ko ang kanilang dibdib. Subali’t wala itong epekto sa kanila, mas lalo lamang silang lumalakas sa tuwing matatamaan ng sinag ng buwan. Hindi ko matatalo ang libo-libong mga Venous gamit lamang ang kakayahan ko sa pakikipaglaban. Kailangan ko silang sunugin o kaya’y alisin ang kanilang mga puso ngunit imposible iyon. Sa oras na lapitan ko ang isa sa kanila, huhulihin nila ako at gigilitan ng leeg. Kung sana ay mas binilisan ko ang pagbalik sa Volcier, hindi sana mangyayari ito. “Dakpin ang babaeng 'yan at kunin ang perlas ng imortalidad na sa kanyang pangangalaga!” sigaw ng isang nilalang. Sa tingin ko’y siya ang pinuno ng mga Venous. Sapagkat iba ang kanyang wangis, kulay puti ang kanyang balahibo at hindi kulay itim, mayroon siyang sungay ngunit iisa lang iyon at kulay pula. Hindi sinasadyang mabitiwan ko ang punyal, nagtangka akong kunin iyon subali’t papalapit na ang isa sa kanila. Hinanda ko ang aking sarili na muling tumakbo ngunit nahawakan niya ang aking braso. Basta niya lamang akong hinila at itapon sa isa niyang kasamahan. Nasalo niya ako ngunit tumama ang ulo ko sa malaking puno at panandaliang umikot ang aking paningin dahil sa lakas ng pagkakatama ko. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkahilo ay bigla akong kinuha ng kanilang pinuno, binalibag sa lupa at inapakan ang aking dibdib, sinipa-sipa niya hanggang sa maubo ako. “Ibigay mo sa 'kin ang perlas.” Inilahad niya ang palad sa harap ko subali’t dinuraan ko ang kamay niya kaya nakatanggap ako ng malakas na sampal. “Walang kwenta! Itali ang babaeng ito! Hanapin ang perlas sa kanyang kasuotan at kung wala ang bagay na iyon ay paslangin siya!” Sinimulan nila akong kapkapan. Pilit akong kumakawala ngunit hindi ako makatakas hanggang sa tuluyan akong sakmalin ng isa sa kanila. Ramdam ko ang pagbaon ng kanyang ngipin sa aking balat hanggang sa tuluyan akong manghina. Nag-iinit ang aking katawan habang sinisipsip nila ang aking dugo, ako’y naliliyo at nasusuka. Hanggang sa marinig ko ang isa sa kanilang tumawa matapos akong saksakin gamit ang sarili kong punyal, pinasok niya ang kanyang kamay sa aking sugat at may kinuha. “Natagpuan ko na ang perlas ng imortalidad. Narito, mahal na hari.” Hindi ko batid kung ano ang nangyayari sa aking paligid, ang tanging nais ko lang sa mga oras na ito'y makatakas at iligtas ang aking sarili mula sa tiyak na kapahamakan. Isa-isa nilang nilisan ang kagubatan at tanging siya lamang ang natitira. Sapantaha ko’y may hinihintay siya at hindi nga ako nagkamali. May namuong itim na usok sa harapan niya, kasabay ng kanyang pagbabagong anyo. “Alex, nakuha ko na ang isa sa mga perlas. Dalawa na lang ang ating hahanapin upang maisakatupan ang iyong balak,” malumanay niyang pagsasalita. Hindi ko matingnan ng maayos ang kanilang wangis dahil sa nanlalabo kong paningin. Subali’t naririnig ko ang kanilang usapan. “Bakit buhay pa ang babaeng iyan, Eri? Paslangin mo siya upang walang makaalam.” “Masusunod, Alex. Hintayin mo ako sa ating tahanan.” Ramdam kong umangat ang aking katawan sa ere ngunit mabilis din akong tumama sa lupa matapos niya akong ihagis, ramdam ko ang pagtusok ng matulis na kahoy sa aking dibdib. Nalalasahan ko ang sarili kong dugo hanggang sa tuluyang mawala ang aking pandinig, sinubukan kong muling imulat ang mata ko sa huling pagkakataon at ang huli kong nakita ay ang lalaking may malaking balat sa braso. TULAD ng utos ni Alex, umalis si Eloira sa kanilang tahanan at tinahak ang madilim na kagubatan. Dahil sa natatangi niyang kakayahan ay mabilis niyang natunton ang kinaruruonan ng nilalang na tinutukoy ng ina. Nadatnan niya ang duguang babaeng nakahandusay sa lupa at hindi na gumagalaw. Natitiyak niyang wala na itong hininga ngunit upang makasiguro ay hinawakan niya ang dibdib nito, dumadaloy pa ang dugo sa kanyang katawan subali’t ilang oras na lang ang kanyang itatagal. Walang pag-aatubiling binuhat niya ang dalaga at dinala sa Gaero—lugar kung saan namumuhay ang mga tao, doon sa sira-sirang kubong nasa gitna ng kakahuyan. Nagdadalawang-isip siya kung gagamutin ang babae o hahayaang mamatay na lamang, ngunit nanaig ang kabutihan ng kanyang puso kaya ginawa niya ang lahat ng makakaya upang iligtas ang babae. Pansamantala siyang umalis upang maghanap ng iba’t ibang uri ng halaman na magagamit niya bilang lunas. Habang abala siya sa ginagawa ay biglang nagising ang babae sa kubong tinuluyan nila. Marahil ay kanya itong nakutuban kaya mabilis siyang bumalik at naabutan itong nagtatangkang umalis sa kanyang hinihigaang papag. “S-sino ka?!” “Huminahon ka, binibini. Hindi kita sasaktan. Isa akong mabuting nilalang.” Dagli siyang naniwala kaya natahimik siya at tiningnan ang kaharap na babae. “Mabuti pa'y inumin mo itong gamot upang tuluyang maghilom ang iyong sugat.” Inabot niya ang maliit na mangkok at ininom ang pulang likidong laman nito. Nakatitig lang si Eloira sa kanya at namamangha sa taglay niyang kagandahan. “Maaari mo bang sabihin sa akin ang iyong pangalan?” Sandaling katahimikan ang pumailanlang sa pagitan nilang dalawa hanggang sa tuluyang niyang maibuka ang bibig at bitawan ang salitang nasa isipan niya. “Wala akong maalala.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.4K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.1K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.3K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook