REYNA, iyan ang salitang gumugulo sa aking isipan sa buong gabi. Halos hindi na ako makatulog. Bakit ako tinawag na reyna ni Malory? Isa lang akong mababang uri ng bampira, na walang alam kung ano ang pinagmulan. Ni hindi ko alam kung saang kaharian ako talagang nabibilang. Hindi ko nagawang magtanong sa diwata sapagkat bigla siyang nawala. Iwinaksi ko sa isipan ko ang bagay na iyon at tinuon ang pansin sa kasama kong si Deianira. Siya ang nasa harapan ko at tahimik na naglalakad. Nabalik na ang kanyang alaala. Ang buong akala ko'y mababalik sa dati ang lahat, subali't mas naging magulo. Hindi na kinakausap ni Deianira si Zemone, kahit na anong subok ng huli ay nauuwi lang sa wala. Dahil hindi malapitan ni Zemone si Deianira ay ganoon din si Garreth. Sapagkat ipinasundo siya ng kanyang

