ISANG malaking karatula ang bumungad sa aming paningin nang makapasok kami sa Wayhem. Nakasulat doon ang pangalan ng bayan pati ang pangalan ng namumuno sa lupaing ito, si Ginoong Wellis. Isang dambuhalang nilalang na iisa lang ang mata, may hawak siyang malaking palakol at ang taas ay nasa pitong talampakan. Siya rin ang nagbukas ng tarangkahan upang papasukin kaming apat. Maayos ang kanyang pakikitungo sa amin at napagtanto kong isa siyang malambing na nilalang, taliwas sa kanyang panlabas na anyo na nakakatakot. "Maaari kayong tumuloy sa aking tahanan sa loob ng ilang araw habang ginagawa ninyo ang inyong misyon," sabi ni Wellis. Binuksan niya ang pinto ng isang malaking bahay na gawa sa bato. Mainit niya kaming tinanggap sa kanyang pamamahay at binigyan ng makakain at nang maiinom.

