NGAYONG araw ay magsisimula ang aming paglalakbay upang hanapin ang mga makapangyarihang perlas. Isang buwan lang ang ibinigay sa amin ni Ginoong Peridon. Sa loob ng isang buwan ay dapat naming hanapin ang mga perlas at maibigay sa kanya. Kailangan din naming hanapin ang mga bampirang may kakaibang uri ng kapangyarihan. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa Astranius na kami at hinihintay na dumating si Zemone — na hindi pa raw nagigising hanggang sa ngayon, ayon kay Garreth. Magkatabi kaming nakaupo ni Deianira sa dahon na nilatag ni Garreth sa lupa. Nakayakap sa braso si Deianira habang ilang ulit na humihikab at nagrereklamo na masakit ang ulo niya. Tumikhim si Garreth upang kunin ang atensyon ko, mula sa pagmamasid ng mga kwago sa taas ng puno ay binaling ko ang tingin sa kanya. Bin

