TINAKBO ko ang aming pagitan ngunit pumagitna si Deianira saka ako tinulak pabalik sa aming kinatatayuan. Bahagya kong pinilig ang aking ulo upang silipin si Eloira, nanatili siya sa kanyang pwesto at nakatitig lang sa akin subali’t walang emosyon ang kanyang mga mata. Nakikiusap na tumingin ako sa pulang mata ni Deianira ngunit umiling siya. “Patay na ang iyong ina, Bellona. Maaaring isa lang itong bitag upang saktan ka,” bulong niya. Halos maiyak na ako sapagkat nais kong yakapin si Eloira at hindi ko alintana kung kapahamakan man ang dala niya. “Patawad,” sambit ko. Malakas kong tinulak si Deianira palayo at tumakbo patungo kay Eloira upang yakapin siya. Nang magdikit ang aming katawan ay muli kong naramdaman ang init ng kanyang yakap at ang pagmamahal niya. “Bella.” Tuluyan akong n

