UNANG araw na lalabas kami sa Atiera upang gawin ang aming tungkulin bilang membro ng Infernal League – ang maghatid ng mensahe sa ipang kaharian. Bawat isa sa amin ay may dalang supot na siyang naglalaman ng aming kagamitan; punyal, mga gamot, kapirasong damit at iba pang gamit na makakatulong kung sakali man na malagay kami sa alanganin. Madilim pa ang buong paligid ngunit narito na kaming dalawa ni Deianira sa labas ng tahanan ni Myer upang daanan siya, nang sa gayon ay sabay na kaming magtungo sa Astranius. Nakailang katok na si Deianira ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Halos mamaos na rin ako sa kakasigaw ngunit walang lumalabas. “Mukhang mahimbing ang kanilang tulog sapagkat walang sumasagot,” ani ni Deianira. Inayos niya ang pagkakatali ng kanyang buhok at pinagpag ang al

