MAAGA kaming sinundo ni Garreth at Zemone dahil kailangan naming makipagkita kay Ginoong Peridon sapagkat may mahalagang bagay ito na nais ipaalam sa aming apat. Hindi ko batid kung bakit ako nasama, hindi naman ako opisyal na mag-aaral ng Astranius. Bago kami tuluyang umalis ay tiniyak ni Deianira na maayos ang aming kasuotan. Pinahiram niya sa akin ang itim niyang bestida na hanggang talampakan ang haba, mas maliit ako kesa kay Deianira kaya medyo maluwag ang bestida, ngunit kita pa rin ang hubog ng aking katawan. Si Deianira rin ang nag ayos ng aking buhok, tinali niya ito saka nilagyan ng kaunting palamuti na gawa sa perlas. Nilagyan niya ng kulay ang aking labi bago ipasuot sa akin ang asul na balabal. May malaking salamin sa kanyang silid kaya tiningnan ko ang aking itsura. Nakar

