Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon ang naging trato sa akin ng Reyna. Kahit si Garreth ay nagtataka ngunit hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Maging ang ilan sa kanyang mga tauhan ay nagtataka rin, marahil ay ito ang unang pagkakataon na nakita nilang ganito ang Reyna ng kaharian ng Rubian. Ang mga ngiti sa labi niya ay hindi maalis habang nakatitig sa akin. Hindi niya rin nilubayan ang aking tabi. Lagi siyang nasa aking tabi subali’t walang salitang namutawi sa kanyang labi. Ramdam ko ang tuwa niya at nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Ang mga tubig sa Rubian ay kumikinang at naging payapa, iyon ay dahil matiwasay ang isipan ng kanilang reyna. “Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap. Kaming tatlo ay babalik na sa Centro upang ibalita kay Ginoong Peridon ang nangyari,”

