Ikasiyam na Kabanata: Reyna Selena

2633 Words

“SINUNDAN niyo kami?” tanong ni Deianira sa dalawang binata. Napangiwi sila at nahihiyang hinawakan ang batok saka sabay na umiwas ng tingin. Sinuklay ko ang aking daliri sa magulong buhok ko upang kahit paano'y maging maayos tingnan. Walang imik na lumapit ako sa dalawa upang kunin ang aking punyal. Walang silang kaalam-alam na kanina ko pa nararamdaman ang kanilang presensya, ni hindi man lang sila natutong ikubli ito. “Hindi kasi kami mapalagay, lalo na't kapwa kayong babae,” sabi ni Zemone. Bigla ay nakaramdam ako ng inis sa kanyang sinabi. Hindi dahil babae kami ay kailangan na namin ng lalaki na laging nariyan upang iligtas kami sa oras ng panganib. Walang imik na iniwan ko silang tatlo at piniling mangaso ng mag-isa, sila na ang bahala kay Deianira. Kaya ko naman ang aking sari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD