“She’s… fine! Bellona is fine but I don’t understand. She’s still in a critical condition. Anong nangyayari sa kanya, Garreth?” Hindi ko man nasasagot ang tanong niya ay bigla na lamang lumitaw ang kawal ni Ginoong Peridon sa kanyang silid at sapilitan kaming inilayo kay Bellona. Ilang sandali ay dumating din si Ginoong Peridon, ang isa niyang kawal ay binuhat si Bellona at basta na lang silang lumisan. “Ano ang nangyayari? Bakit nila kinuha si Bellona!?” pasigaw kong tanong. Humihikbi si Deianira sa bisig ni Zemone na kakarating lang. “Answer me, anong gagawin niyo sa kanya?” tanong ko sa kawal na nakahawak sa aking braso. “Aalamin ni Ginoong Peridon kung isa saang antas siya nagmula at kung anong uri siya ng bampira. Ito ay para sa kapakanan ng lahat, ibabalik namin siya sa oras na

