PAGPASOK ko sa loob ng kubo ay agad kong hinanap ang aking punyal. Ang punyal na binili namin sa isang Labhai. Ang alam ko ay hawak ko iyon bago ako mawalan ng malay nang malaman kong namatay si Eloira. Subali’t kahit anong hanap ko sa buong kabayahan ay hindi ko ito matagpuan. Nakapagtatakang bigla itong nawala na parang bula. Marahas kong binuksan ang silid ni Eloira at sinuri ang bawat sulok, ngunit hindi punyal ang aking natagpuan, kundi ang isang singsing na parang susi. Gawa ito sa perlas at tanso, at mayroong nakaukit na salita ngunit hindi ko ito maunawaan. Sa tabi ng singsing ay may maliit na kahon, kasing laki ng aking palad. Binuksan ko ito at aking nakita ang isang gintong papel at tulad ng singsing ay mayroong mga nakaukit na letra. “Bellona, tapos ka na ba? Kailangan na n

