Ika Labintatlong Kabanata: Huwad

2248 Words

PAKIRAMDAM ko ay sobrang dami ng nagbago simula nang lisanin namin ni Eloira ang Gaero. Ngayong nagbalik na ako ay nakaramdam ako ng kapayapaan, sapagkat batid kong hindi ako hahabulin ng mga putting bampira sa mundo ng mga tao at hindi na rin malalagay sa panganib ang buhay ng mga naging kaibigan ko sa Atiera. Nais kong dito mamuhay, malayo sa lugar kung saan walang kasiguraduhan kung ako ay mabubuhay o hindi. Batid kong sa mga oras na ito ay hinahanap na nila ako, subali’t alam ko rin na hindi sila makakalabas sa Gaero dahil hindi nila alam kung saan ang daan. Sana lamang ay hindi nila matunton ang kinaroroonan ko. Binalikan ko ang dati naming tirahan ni Eloira sa gitna ng kagubatan subali’t nakita kong may gumagamit na nito. May nakikita akong mga bata na naglalaro sa kubo at nagtat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD