Unang takas ng dalaga

1024 Words
KINABUKASAN ay nagising si Belinda dahil sa lakas ng hilik na kaniyang naririnig. Agad itong tumayo ng nakasimangot at tinungo ang pinanggalingan ng hilik. Hanggang sa nakita nito ang binata. 'Napaingay mong lalaki ka," naiinis na wika nito at kumuha ito ng isang unan. Doon ay walang pagdadalawang isip nitong inihagis ang uman sa mukha ni Alexander. Na siya namang ikinagulat at balikwas ng bangon ni Alex. "Anak ng tokwa!" nakasimangot na saad ng binata. "Ikaw! Dito ka pa talaga natulog sa silid ko. Ang kapal mo talaga!" maangas na wiak ni Belinda sa binata. "Ano namang masama? Hindi magtatagal ikakasal na tayo at matutulog din tayo sa iisang silid. Saka ang Daddy mo mismo ang nagsabi sa akin na dito ako matulog," paliwanag naman nito. "Ano bang pinakain mo sa Daddy ko? Bakit gustong-gusto ka niya? Saka puwede ba huwag kang umasta na kala mo kung kapamilya ka namin! At iyang kasal na 'yan. Hinding-hindi iyan matutuloy!" madiin na wika ng dalaga. "Bakit? Dahil tatakas ka? Itatakas ka ng Marco na iyon? Takot lang niya. Hindi na babalik 'yon," mapang-asar na wika ni Alex. "Huwag ka ng umasa pang matatakasan mo ako," pahabol pa na wika ng binata. "Iyon ang akala mo," makahulugan namang saad ng dalaga at naglakad na ito. "Saan ka pupunta?" agad na tanong ni Alex. "Sa banyo. Bakit, sasama ka?" balik naman na tanong ni Belinda at nakataas pa ang kilay nito. "Hindi," sagot naman ng binata at inilipat ang tingin sa iba. Agad naman na pumasok si Belinda ng banyo at nagdala ito ng tuwalya. Ngunit nasa bulsa nito ang kaniyang cellphone. At muling bumukas ng pintuan ng banyo at sa paglabas nito ay nakatapis na lang ng tuwalya ang dalaga. "Matagal ka pa ba?" tanong ni Alex sa dalaga na nakatalikod. Ngunit rinig nito ang yapak at ang pagbukas ng pintuan ng banyo. "Malamang, maliligo ako 'di ba? Kaya malamang dalawang oras ako sa banyo. At huwag mong susubukang humarap at baka masabihan kitang manyakis, kung hindi naman sisigaw ako," saad ng dalaga at kinuha nito ang kaniyang bag ng pasimple. Walang nagawa ang binata kung hindi ang manatiling nakatalikod. At ang dalaga naman ay nakangiti dahil nakuha nito ang kaniyang bag at dalawang kumot. 'Makakatakas na ako yes!" saad pa ng dalaga sa kaniyang isipan. Agad din itong pumasok sa loob ng banyo. Mabilis na kumilos si Belinda. Agad itong nagsuot ng t-shirt at pantalon. Binuksan din niya ang bintana ng banyo nang dahan-dahan. At mabilis na itinali ang kumot sa bakal upang may paghawakan siya pababa. Binuksan niya ang shower at ini-lock ang pintuan. Maya maya pa ay dahan-dahan itong lumabas ng bintana at humawak sa kumot na kaniyang pinagbuhol-buhol. Upang makababa siya. Makalipas ang ang biente minutos ay nasa baba na siya ng pagod. Doon ay tuwang-tuwang siya. Dahan-dahan din itong sumilip sa paligid at kaniyang dadaanan. Nang makitang wala ang mga bodyguard ng kaniyang ama ay mabilis itong naglakad at tumawid sa kabilang kanto. Mabilis din itong tumakbo hanggang sa makarating siya ng high way. "Ang tatanga nila. Lalo na si Alex at natakasan ko silang lahat," tuwang-tuwa saad ng dalaga habang naglalakad ito. Sa kaniyang paglalakad sa kalsada ay sakto na may paparating na taxi. Kaya agad niya itong pinara. "Para!" wika pa nito at habang isinisenyas ang isang kamay nito. Huminto naman ang taxi sa kaniyang harapan. Kaya agad itong sumakay sa loob. Agad din na nagmaneho ang driver. Habang nasa sasakyan si Belinda ay kinuha nito ang kaniyang cellphone sa loob ng bag na kaniyang dala. At agad na tinawagan si Myra. "Oy! Kumusta ka? Kumusta kayo ng Daddy mo? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan nito sa kabilang linya. "Ayon, kinulong ako at bawal lumabas. Pero syempre matalino ako. Kaya nakatakas ako," natutuwang saad ni Belinda. "Hala ka! Bakit ka tumakas? Nasaan ka ngayon?" nag-aalang tanong ni Myra. "Nakasakay ako ngayon sa taxi. Mamaya ko na ipapaliwanag lahat magkita na lang tayo. Pero hindi ako puwede diyan sa inyo. Kasi alam ni Dad na pupunta ako diyan sa inyo. Kaya magkita na lang tayo sa hotel," saad ni Belinda. "Okay sige. Text mo ang address mo at pupuntahan kita agad," wika naman ni Myra at naputol na ang linya. "Ma'am, saan po kayo? Tanong naman ng driver. Napaisip naman si Belinda kung saan ito pupunta. Dahil kung pupunta siya o mananatili sa mga hotel na pagmamay-ari nila ay alam nitong mahahanap siya. "Kuya, taga saan po kayo?" balik na tanong ni Belinda sa driver. "Ha? Bakit mo naman tinatanong?" nagtatakang tanong ng lalaki. "Ahm, nagtatago kasi ako, eh. Kasi ipapakasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Kaya lumayas ako sa amin. Saka wala akong mapupuntahan. Maliban sa kabigan ko, kaso kapag doon ako pumunta. Mahahanap ako agad ng ama ko. May malapit ba na hotel sa tinitirahan niyo. Oh, kahit boarding house lang na maliit?" tanong ng dalagang na nilalakasan na ang loob. "Naku, Miss! Hindi ka puwede roon sa amin. Itsura mo pa lang. Mukha kang yayamanin. Baka mamaya ma-hostage ka pa. Saka magulo roon squatter area," saad naman ng lalaki. "Dudoblehin ko ang bayad ko sa iyo. Hindi naman ako maarte. Kailangan ko lang talaga ng matitirahan pansamantala. Aalis din ako agad," saad ni Belinda. "Sige, pero pagpasinsyahan mo na ang lugar namin. Tapos ihahanap kita agad ng lugar na magiging kumportble ka," saad naman ng lalaki. "Salamat," agad na saad ni Belinda. Makalipas ang halos dalawang oras na biyahe ay nakarating na sila. Bago bumaba ng taxi si Belinda ay nag text muna ito kay Myra. Kung nasaan siya. Agad din nitong ibinigay ang bayad niya sa lalaki. Binigyan niya ng two thousand five hundred pesos ang driver. Kaya nahiya tuloy ang lalaki sa dalaga. "Ang laki nito. Hindi ko ito matatanggap," saad ng lalaki at kinuha lamang ang five hundred pesos at ibinabalik ang natira sa dalaga. "Kulang pa iyan at wala ng libre ngayon. Kaya tanggapin mo na. Isipin mo na lang bayad ko iyan sa pagtulong mo sa akin," nakangiting saad ng dalaga. "Salamat, Ma'am," nahihiyang saad naman ng lalaki at pinagbuksan nito ng pintuan ng sasakyan ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD