chapter four

1003 Words
"Huwag kang papasok! Diyan ka lang!" utos ni Belinda sa binata. Pero wala itong nagawa noong patuloy pa rin siyang sinundan ng binata hanggang sa makapasok ito ng kaniyang silid. "Bakit ba lahat na lang pinakikialaman ako? Pati ikaw! Pakialmero ka at um-iepal pa!" galit at naiinis na wika ni Belinda. "Tanggapin mo na lang na sa ayaw at gusto mo. Ikakasal tayo at magiging asawa mo na ako. Dahil iyon ang kagustuhan ng ama mo," wika naman ng binata. "Ayoko! At kahit na anong sabihin ni Dad. Lalo ka na, hinding-hindi ako susunod sa kagustuhan niyo," saad ni Belinda. "At sino 'yong gusto mo? Iyong lalaki na iyon?" tanong naman ni Alex. "Oo, at mas gugustuhin ko pa siya kaysa sa iyo!" madiin na wika ng dalaga. "Akala mo siguro hindi ko alam na hindi kayo magkasintahan," malaman na wika ni Alex. "Ano'ng hindi kami magkasintahan? Wala kang alam, at para sabihin ko sa iyo. Buntis ako at siya ang ama," aniya naman ni Belinda at talagang pinanindigan na ang pagpapanggap. "Ano'ng sabi mo?!" galit at hindi maipintang mukha ni Alex. "Uulitin ko, buntis ako at si Marco ang ama," wika muli nito. "Nababaliw ka na ba, Belinda? Talaga bang gagawa ka ng kuwento para lang hindi matuloy ang kasal natin?" wika pa ni Alex. "Hindi ako nagsisinungaling! Ito ang PT ko," wika naman ng dalaga at kinuha ang pregnancy test na may dalawang guhit upang ipakita sa binata. "Hindi mo ako maluluko, Belinda. Dahil mula noong elementary ka pa at hanggang ngayon pinasusunda ka ng ama mo ng palihim, alam niya kung sino ang kasama mo, oh, ano ang ginagawa mo. Kaya kung maaari. Huwag ng matigas ang ulo mo. Para maging mabait ako sa iyo at payagan kitang lumabas," aniya ng binata. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo! Tandaan mo 'yan!" inis na inis na wika ng dalaga at padabog itong sumampa sa kaniyang kama niya habang nakabusangot. Upang mahiga at nagtalukbong ng kumot. "Kahit na ano'ng gawin mo, wala ka ng magagawa. Kaya tanggapin mo na lang," saad naman ni Alex at kumuha ito ng upuan doon ay umupo siya at binantayan si Belinda. "Ayoko! Ayoko!" paulit-ulit na wika nito. Hanggang sa hindi na ito nagsalita at na nahimik na. Maya maya pa ay nakatulog na ang dalaga sa kaiiyak. At dahil sa likot nitong matulog ay natanggal ang kumot nito sa katawan at nahulog din ang unan nito na kaniyang niyayakap. Doon ay dahan-dahan na pinulot ni Alex ang unan na nahulog sa kama at iniligay iyon sa tabi ng dalaga. Kinuha rin nito ang kumot at iniayos na ikinumot kay Belinda. Kaya hindi niya maiwasang bahagyang mahagip ang napaka inosenteng mukha ng dalaga. Hanggang sa nakita iyon ng ama ni Belinda. "Maganda ba ang anak ko, Alexander?" tanong nito sa binata na nakangiti. Bigla tuloy nahiya ang binata at agad na inilipat ang tingin sa kung saan. Hindi naman agad nakapagsalita ang binata dahil nahiya ito na nakita siyang pinagmamasdan ang mukha ni Belinda. "Kahit hindi mo sabihin, alam ko ang mga tingin mo sa aking anak," makahulugan naman na wika ni Eduardo. "Pasinsya na po kayo. Wala naman po akong ibig sabihin sa mga titig ko sa kaniya. Saka po, alam ko po ang katungkulan ko at kung saan ako lulugar. Kung ano man po ang dahilan niyo kung bakit niyo ako gustong makasal sa anak niyo. Ginagalang ko po iyon. Hindi naman po porque magiging asawa ko na siya, or asawa na balang araw, sasamantalahin ko na iyon o gagawan siya ng hindi maganda. Asahan niyo po na naroon pa rin ang paggalang ko sa kaniya," makahulugan at galing sa puso na saad naman ng binata. "Kaya nga ikaw ang napili ko. Alam mo naman spoiled ang anak ko, lahat nakukuha niya. Alam ko rin na hindi mo siya pababayaan at alam ko na alam mong mapapasunod mo siya, kahit pa matigas ang ulo niya," wika ng ginoo habang pinagmamasdan ang anak nitong natutulog. Napatingin si Alex sa kaniyang boss dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. "Asahan niyo po na hindi ko masisira ang tiwalang binigay niyo. At hinding-hindi ko po pababayan si Belinda, oh, iiwan. Kahit na buhay ko pa ang maging kapalit," wika naman ng binata. "Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa 'yo. Magiging panatag talaga ako na ikaw ang mapapangasawa ng unica hija ko. Higit sa lahat, alam ko na may isang salita ka," wika ni Eduardo at dinampian nito ng isang palad niya ang balikat ni Alex. "Kulang pa po 'yon sa mga tinulong niyo sa akin at kung hindi po dahil sa inyo. Baka wala na rin po ako sa mundong ito," saad naman ni Alexander. "Matagal ko ng gustong magkaroon ng anak na lalaki. At parang anak na rin ang turing ko sa iyo. Kaya sanayin mo ng tawagin akong Dad," wika ng ginoo na nakangiti sa kaniya. Hindi naman agad nakapagsalita si Alex dahil sa hiya. At ang isa pa ay may gumugulo sa isipan nito. "Mabuti pa ay dito ka na matulog. At sabayan mo na rin akong kumain. Siya nga pala huwag mong hayaan na may lalaking lalapit kay Belinda. Lalo na iyong Marco na iyon." "Opo," mabilis naman na saad ng binata at sabay na silang lumabas ng silid upang magtungo sa hapagkainan. Doon ay sabay silang dalawang kumain. Matapos kumain ay nagpaalam na si Eduardo na matutulog. "Alex, doon ka na rin matulog sa silid ni Belinda. Baka matakasan tayo niyan mahirap na," utos nito. "Opo, huwag po kayong mag-alala. Kung kinakailangan na dilat ang mata ko biente kuwatro oras. Ay gagawin ko, makasiguro lang na hindi niya tayo matatakasan," wika naman ni Alex. "Sige na, mauna na ako." Paalam ng ginoo at nagtungo na ito sa kaniyang silid. Bumalik naman si Alex sa silid ng dalaga. Ngunit nagpunta muna ito sa terrace upang magpahangin. Mula sa terrace ay nakikita ng binata ang dalagang mahimbing na natutulog. Kaya hindi niya ito maiwasang pagmasdan. Hanggang sa bumuga siya ng hangin at tumalikod na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD