TWO WEEKS later. “Hija, si Zach ito, hindi ba?” wika kay Lorelle ng kanyang ina nang nasa breakfast nook sila. “Ikakasal na pala siya sa iba?” May disappointment sa tono nito. Muntik nang lumigwak ang juice na dapat ay dadalhin niya sa mga labi. Sinikap niyang huwag manginig ang kamay nang ibaba iyon sa platito. “May announcement ng engagement?” kunwa ay hindi apektadong wika niya. “Hayan at nasa diyaryo.” Ipinasa sa kanya ang diyaryo. “Hmm, akala ko pa naman, siya na ang magiging manugang ko.” Mas matimbang ang lungkot kesa dismaya sa boses nito. “Ma…” parang alo niya dito. “Sabi ko naman sa inyo, eh. Engagement ring nga ang binili sa akin noong tao. At hindi lang basta-bastang engagement ring, remember?” Napapalatak ang kanyang ina. “Bakit ang aga-aga ay sumulpot iyon dito pagkatapo

