“ZACH! PARE!” Nilingon ni Zach ang tumawag. At napangiti nang maluwang nang makilala ito. Ang lalaking matalik niyang kaibigan noong college at parang kapitbahay na rin dahil magkatabing subdivision lang naman ang kinatitirikan ng bahay nila. “Ryan! Kumusta?” Nagtapikan sila sa balikat. Ngumisi si Ryan. “Eto, magiging tatay na naman! Mabuti nakita kita. Dito ka lang pala sa Rockwell gumagala. Dalawang beses na kitang tinawagan, wala ka raw sa bahay, sabi ng mama mo. Sa office naman, wala ka rin daw. Ang cell phone mo, naka-set sa voicemail. Hindi ka ma-reach, Zach. Busy sa babae o nagtatago sa babae?” “Nope. Kailan ka ba tumawag? Dalawang linggo akong wala sa bansa. I went to Kuala Lumpur tapos tumuloy ako sa Singapore. These past few months mas madalas ako sa abroad kaysa dito sa atin,

