Part 10

1291 Words

“ARE YOU cold?” masuyong tanong ni Zach kay Lorelle. Nasa upper deck sila ng yate, magkatabing nakatayo sa may railing at nakamasid sa Manila bay na tinatanglawan ng liwanag na mula sa iba’t ibang yateng nakahimpil sa bahaging iyon. “Hindi naman,” nakangiting sagot sa kanya ng dalaga. “Pero parang mas malamig nga ang simoy ng hangin kaysa sa nagdaang araw. Napansin ko, maalon din ang dagat.” “Malamang ay may paparating na bagyo,” kaswal na sagot niya. “Kung nagbigay nga lang ng clearance ang coast guard, gusto ko sanang dalhin ka sa Bataan.” “Malayo iyon.” “Malapit lang. In fact, hindi mo nga siguro mamamalayan kung inumpisahan itong paandarin habang kumakain tayo kanina. Pero mahirap kalaban ang panahon. At hindi naman ito kagaya ng ibang barko na handang makipaglaban sa bagyo.” “Is

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD