NAPALUNOK si Zach. Aaminin niya, he began to love looking at her. Para bang kinakabisa niya ang bawat bahagi ng kabuuan ng dalagang kaharap. Lorelle was indeed beautiful. At mientras ito tinititigan ay lalo pang tumitingkad ang ganda.
At kapag ganitong tila lumalaban sa kanya ng titigan ang dalaga ay parang lalo pa siyang nabibighani dito. She was looking at him as if she was mesmerized at him. Sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata, parang mayroong isang puwersa na lalo pang nag-uugnay sa kanila.
He felt a thud on his chest. He knew what that meant. Isang matinding atraksyon. He liked her—no, he wanted her. Sa mga sandaling iyon, tanging ang dalagang kaharap ang pumupuno sa sistema niya.
And she wasn’t just beautiful. She had a class. Just one look at her and he knew she was rich and well-mannered. At hindi ipinangangalandakan ni Lorelle ang katayuang iyon. Even her jewelries were minimal bagaman alam din niya na hindi basta-basta ang halaga niyon. At kung tutuusin, dapat lang na maging pabolosa ang dalaga sa pagsusuot ng alahas sapagkat negosyo nito iyon. But she remained simple yet classy and elegant.
Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nitong nakahawak sa kubyertos. Gusto niyang magtaka na simple mang singsing ay walang nakasuot sa magagandang daliring iyon.
Naalala niya ang singsing na nasa jacket niya.
Without much thinking, inilabas niya iyon mula sa breast pocket. “Lorelle,” bigkas niya.
“What?” tila nagulat ang dalaga. At nadagdagan pa iyon ng pagtataka nang bumaba ang tingin nito sa cajeta.
“Hindi ko pa rin ito naibibigay sa kanya,” he said casually at tinanggal ang singsing sa pagkakabaon nito sa foam.
Muli siyang sumulyap sa bakantengdaliri ng dalaga.
NAPALUNOK si Lorelle. Nasa mga kamay na ngayon ni Zach ang singsing at sa itsura ay mukhang ibibigay sa kanya. Ano ang gagawin niya roon? At higit pa roon, bakit naman ibinibigay sa kanya? Parang may ipo-ipong bumulaga sa kanya. She couldn’t think. At marahil ay hindi rin siya makakurap man lang. Ang dibdib niya ay napuno ng kung anu-anong antisipasyon.
Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Bakit ba pinaunlakan pa niya ang dinner invitation. Malakas naman ang pakiramdam niyang hindi basta dinner lang iyon. Kahit ilang beses niyang pinagalitan ang sarili at sabihan na huwag siyang mag-assume basta-basta, iba pa rin ang pakiramdam niya.
There was something in the air between them.
Hindi man niya kayang hulaan ang nararamdaman ni Zach pero paano niya ipapaliwanag ang tensyon na namamagitan sa kanila?
Don’t tell me he’s going to propose to me? That’s crazy! panic ng utak niya. Pero mas higit na ang ideyang iyon ang dahilan kaya halos mataranta na siya sa kinauupuan. She felt uneasy. Ang kapirasong pagkain na inilulon niya ay parang bumara ngayon sa kanyang lalamunan.
That was too much for an assumption. Isang kahibangan na mag-ilusyong aalukin siya nito ng kasal. He had a fiancee. At isang katotohan iyon na hindi niya dapat na makalimutan.
Walang kibong kinuha ni Zach ang kamay niya at isinuot doon ang singsing.
And she was trembling. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Ni hindi niya magawang bawiin sa binata ang kamay niya. At marahil ay nahalata rin iyon ng binata kaya nginitian siya nito. And that smile was devilishly charming. Huwag itong magkakamali na magpahayag sa kanya ng kasal at malamang na umoo na siya bago siya mag-isip pa. Why, in her subconsciousness she was dreaming of him proposing marriage to her noong panahong pinagpupuyatan niya ang singsing na iyon!
But that was insanely impossible to happen! He had a fiancee, ulit niya sa isip.
“Bagay na bagay sa daliri mo,” he said softly.
Se swallowed again. Ano na ba itong mga nangyayari? At nang hindi pa rin siya makagawa ng ginhawa ay umaabot siya ng inumin at dinala iyon sa mga labi.
“Won’t you say something?” he coaxed.
Napaawang ang mga labi niya. She willed her mind to think. At bagaman sa nakaraang sandali ay parang nawalan siya ng sariling pag-iisip, sinikap niyang mapanghawakan gahibla mang katinuan na maaabot niya.
Parang noon lang siya nagkaroon ng lakas at binawi kay Zach ang kamay. Hindi niya gustong magtagal sa mga daliri niya ang singsing na iyon kaya mabilis niya iyong hinugot. Still, she put the ring on the table with utmost care.
“Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ito,” wika niya sa tinig na pinapanatiling matatag. She was confused at maging ang tono niya ay nagpapahalata sa nararamdaman niyang iyon.
Maagap na inabot uli ni Zach ang kamay niya, this time he even pressed her hand gently at saka muli iyong isinuot sa kanya. “Huwag mo munang tanggalin. At least, not yet.”
Napailing-iling siya. “Bakit?”
“Bagay sa daliri mo. Honestly speaking, I didn’t imagine how that ring would look on my fiancée’s finger. Pero ngayong nakita ko sa iyo, para bang ekslusibo lang sa iyo ang disenyong iyan.”
“I… I personally designed this. Kahit saang catalogue ka tumingin, wala kang makikitang ganito.”
He nodded. “It really looks so perfect on you.” At pagkuwa ay dumeretso ng tingin sa kanya. “Lorelle, hayaan mo muna sa daliri mo. Kahit sa buong gabi man lang na ito.”
She sighed wearily. “D-do you know I could make rings with the same design na hindi naman aabot ang halaga na kagaya nito?” wika niya na sinadyang ibaling sa mas magaang paksa ang usapan nila. Hindi niya gustong matuon sa nararamdaman niya ang kanyang atensyon. Kapag iyon ang pinag-isipan niya, baka nga nasisiraan na siya ng bait at isiping sa kanya mismo nais ibigay ng binata ang singsing na iyon.
“Gagamit ka ng mas mumurahing bato? Russian diamond halimbawa?”
“Or cubic zirconia. Madaming ibang materyales na puwedeng gamitin. Pwede ring colored stones,” sagot niya. Nasisiyahan siya na pinatulan naman ni Zach ang pagliliko niya ng paksa. “You gave me the idea kung gaano kaganda ang singsing na ito. Maybe I will mass-produce this design. Baka ito na ang maging classic engagement ring mula ngayon. I can even make some variation.”
“But I’m sure, that ring will never look more perfect unless you are the one wearing it,” puno ng katiyakan na wika nito.