MAGANDANG-MAGANDA si Lorelle sa layered chiffon gown na personal na design ni Julianne para sa kanya. It had lace edges on the neckline at lumikha iyon ng magandang pattern patungo sa likod na malalim ang ukab. Walang makakapagsabi na walang pang tatlong buwan buhat nang manganak siya. Tight-fitting ang gown at maging mga dalaga ay kaiinggitan ang magandang hubog ng kanyang katawan. “Nagpa-lipo ka?” tanong sa kanya ni Ysabelle habang naglalagay ito ng finishing touches sa make-up niya. “Hindi, nag-exercise lang,” sagot naman niya. “Saka nu’ng nakita ko iyang gown na dinrowing ni Julianne para sa akin, nagpa-sexy talaga ako. Aba, sayang naman ang design kung puro bulges ko ang makikita. Baka magbago ng isip si Zach at hindi na ako pakasalan.” “I don’t think so,” sabad ng tinig na kilalan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


