“ITO BA ang apo ko?” sabik na wika ni Patricia del Rosario. “Kamukhang-kamukha mo, Zach!” Nasa buong anyo nito ang karangyaan pero nang ngumiti sa kanya ay agad ding napalagay ang loob niya. “Look, hija, itong-ito ang itsura ni Zach nung baby pa siya.” “Eight pounds iyan, ‘Ma,” proud namang sabi ni Zach. “Di parang ikaw nga,” anito. Ilang sandali ring natuon ang atensyon nito sa sanggol bago ganap na nakipagkilala kay Martina. Si Darius del Rosario, ang ama ni Zach ay mainit siyang kinumusta. “Saan kayo tutuloy niyan paglabas ninyo sa ospital,” kaswal na tanong nito. Bigla siyang napatingin kay Zach. Nagulat din ito pero mabilis ding sumagot. “Kina Lorelle muna, Pa. Mainam nga iyon, malapit sila ng baby sa doktor nila dito.” “Naku! Mapapadalas ang biyahe namin dito kung ganoon,” anan

