“A BOY,” Zach whispered. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya. Sa nagdaang ilang oras, samu’t saring emosyon ang sumalakay sa dibdib niya. At akala niya ay hindi na siya matitinag ng pangyayaring ito ngayon pero nagkamali siya. This was such a life-changing experience for him. At oo nga’t lalaki siya, pero pakiramdam niya ay nangalog muli ang tuhod niya nang lumapit sa kanya ang doktora. Dala nito ang sanggol na malakas na umiyak at inilagay sa bisig niya. “Special delivery!” masayang sabi nito. “Here’s your angel.” “Oh, God!” he groaned. Nanginginig siya. May ilang sandali na nangamba siyang maihulog niya ang munting nilalang sa bisig niya. Tears flowed down his cheeks at hindi siya nahiya. He kissed the baby’s head gently saka iyon inilapit kay Lore

