“ARE YOU sure hindi ka pa manganganak? Baka bigla na lang lumabas ang baby?” tensyonadong wika niya kay Lorelle. Nasa backseat sila ng kotse at si Martina naman ay nasa harap na nagbibigay ng instruction sa driver. Hindi malaman ni Zach ang gagawin. Naroong yakapin ito at hagurin ang balakang. He wanted to touch her belly pero parang takot na takot naman siyang gawin iyon. The thought of her giving birth scare the living daylights out of him. “Aaahhhh!” daing ni Lorelle. She held his hand. Iyon ang halos mapiga ni Lorelle pero hinayaan lang niya. In fact, kung puwede lang siguro na akuin niya ang lahat ng kirot na nararamdaman nito sa mga sandaling iyon ay ginawa na niya. Bawat himaymay ng laman niya ay nagsusumigaw na siya ang ama ng batang nagbabadya nang lumabas. At bagaman gusto n

