“PARE, MARE,” kaswal na lapit ni Zach sa mag-asawang Eve at Ryan. Nakaalis na ang mga bisita at siya na lang ang kusang nagpaiwan. Sa buong panahon na naghihintay siya na maubos ang mga bisita ay hindi siya mapakali. Parang may nagdidigmaan s kalooban niya. Pilit na pilit siyang umaktong kaswal sa harap ng iba. “Zach. Tara doon sa komedor, magkape tayo. I’m glad na hindi ka nagmamadaling makauwi. Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkumustahan. Bitin iyong pagkikita natin dati sa Rockwell,” ani Ryan at bumaling sa asawa. “Hon, sumunod ka sa amin doon, ha? Estimahin natin nang husto ang kumpare nating ito. At nang malaman tuloy natin kung bakit hindi pa nag-aasawa hanggang ngayon.” “Daig ka namin,” biro ni Eve. “Look, dalawa na ang angels namin.” Tipid lang siyang napangiti. Mayamaya la

