Orij’s POV
Matapos niyang i-spray-an ng pabango ang mukha ni Greypi ay naglakad siya palayo. “M-Mil!” nag-aalalang sigaw ni Kim bago sumunod rito. “Hoy! H-Hoy! Bumalik ka rito!” nang-gagalaiting sigaw naman ni Greypi na panay punas sa mukha. “Huh, ganito pala ang gusto niya huh. Pagbibigyan ko siya,” he muttered before looking at me. At dahil natatawa ako ay asar-talo niyang sinara ang bintana at pinaandar ang kotse. Bago ito makalagpas ay bumisina pa ito ng malakas sa tapat ni Mil.
~Peet~
‘Napakaisip bata talaga.’
“Ay!” sigaw ni Mil na napalundag sa gulat. Wala siya nagawa kung hindi ambahan nalang ang likuran ng papaalis na kotse.
“Mil, ang bilis naman mag-init ng ulo mo,” pangaral ni Kim na nangangamba sa magiging resulta ng ginawa niya.
“Eh kasi namumuro na ang demonyo na ‘yon!” paliwanag ni Mil, pilit na ikinakalma ang sarili. Ramdam ko sa pamumula niya ang pagkahiya dahil sa inasal. Kaya naman inakbayan ko nalang siya. “Tama lang ang ginawa mo Mil. Kung pwede nga lang, sana pesticide ang ginamit mo,” panunulsol ko.
Bago pa man siya makasagot ay may humintong motor sa gilid namin. The guy took off his helmet and looked at us. “Mil, gusto mong sumabay?” Vince asked her while pointing the empty back seat. “Ako?” pag-tataka ni Mil habang itinuturo ang sarili. Kahit kami ni Kim ay nawindang sa paraan ng pagtrato ni Vince sa kaniya. ‘Kailan pa siya naging ganito ka-gentleman sa babae?’
“Kung gusto mong may makasabay, ako nalang ang isabay mo,” pagbibiro ko. I even tapped his back. Mabilis naman siyang tumanggi katulad ng dati, “Ayoko.”
Alam kong ayaw niya ng ideyang may nakakapit sa kaniya mula sa likuran. Kaya bakit niya inaaya si Mil na sumabay? Imposible naman na may interes siya rito. Kung meron man, hmmmm, I’m cool about it. Pero hindi komportable na may nag-de-date sa loob ng iisang boarding house.
“Hindi na Vince. Sasabay nalang ako sa kanila na maglakad,” ang sabi ni Mil. I ruffled her hair like how I treat a young kid. “Woah Mil. You’ve got some kind of loyalty there.” Samantalang si Vince naman ay nakatitig lang sa kaniya. Binasag ko ang katahimikan sa pagsasabing, “Walking is the best exercise Vince. Minsan try mo ring maglakad papuntang school. Kaya ka tumataba eh.”
“Hindi naman tumataba si Vince,” sabat ni Kim. Natahimik ako sa gilid at umubo. “Ahem.”
“Itali mong mabuti ang sintas ng rubber shoes mo,” Vince said while pointing Mil’s rubbershoes. Sabay-sabay kaming napayukong tatlo. “Bye,” Vince bid, wore his helmet and drove away.
Nagmadaling yumuko si Mil at Kim para itali ang sintas kaya naman nagka-untugan ang mga ito. “Ahh!” they winced. “Mil, ako na ang magtatali,” Kim offered while smiling. Muling tumayo si Mil saka tinitigan ang pagmamagandang loob ni Kim.
‘Damn. This scene is too cheesy. Tumatayo ang balahibo ko.’
“Mil, wag kang ma-i-inlove kay Kim. Ganyan siya sa lahat ng tao. Minsan na niyang ginawa sa akin ‘yan at may nag-akala noon na mga bading kami,” I informed.
Nagkatinginan kaming tatlo at natawa sa isa’t isa. After some minutes, we arrived at the campus. “Mauna na ko ha. Late na ko sa first class. Bye!” pamamaalam ni Kim. He ran while waving his hand on air.
“Pangalawang punta ko na rito sa campus pero nagagandahan parin ako,” pahayag ni Mil habang nililibot tanaw ang palligid.
Just like her, I looked around. 2nd year college na ako kaya’t halos isang taon narin akong namamalagi rito. Kaya’t masasabi ko na hindi na bago sa akin ang lugar na ito.
“Oo nga pala Orij, ano nga palang course mo?” tanong niya na gumising sa akin.
“Huh?” Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. “Business management. Ikaw?”
“Engineering,” sagot niya habang namimilog ang mata sa akin. “Woah. Hindi halata sayo na business management ang course mo.”
I scratched my nape while chuckling. “Hindi kasi ako mukhang seryoso no?” Walang alinlangan naman siyang tumango bilang sagot. “Compliment ba ‘yan o hindi?” I narrowed my eyes on her.
Ngumiti siya sa akin kasabay ng malumanay na pagkagat sa kaniyang labi. “Hindi, hehe.”
“Hoy ikaw ha. Marunong ka ng manukso. Matapos mong i-spray-an ‘yung demonyo, lumakas na ang loob mo,” panunukso ko. When I brought out the topic about that guy named Greypi ay sumimangot siya.
“Wag na nating pag-usapan si Mr. Period. Nasisira ang mood ko.”
“Mr. Period?”
‘Bakit Mr. Period? Hanggang ngayon ba ay hindi parin niya nalalaman ang pangalan ‘non?’
“Oo. Sa kasungitan, daig niya pa ang mga babae kapag may period.”
I laughed at her statement. “I see. Hindi mo pa alam ang totoong pangalan niya no?”
“Hindi pa. Pero wala akong balak na kilalanin siya.”
“His name sounds cool though. Kabaligtaran ng ugali,” komento ko.
Agad naman siyang napalingon sa akin taglay ang nagniningning niyang mata. “Talaga?” Look at this girl. Sabi niya hindi siya interesadong malaman pero halata namang curious siya.
I took a deep breath before sharing, “Yup. Patiuna na kasi naming nakita nila Kim at Vince ang list ng new boardmates namin. And that Mr. Period guy name is Gr-”
“Ahh!” Mil winced. Mayroon kasing bumangga mula sa likuran niya kaya muntik-muntikan na siyang mangungod. Mabuti na lamang at nasapo ko ang balikat niya. We both looked at that guy who bumped her and walked like nothing just happened. Speaking of the devil, si Greypi ang bumangga sa kaniya. “Hoy!” sigaw ni Mil sa kaniya.
Tumalikod si Greypi at saka dumila. He even smirked before walking away. ‘Ahh this sh*t. Mas isip bata pa siya kaysa sakin!’
“Ayos ka lang ba Mil?” I inquired. Nakita ko si Mil na gigil na gigil. Para siyang si Goku na kasalukuyang nagsu-super Sayan. ‘Hala siya’.
“PAPATAYIN KITA!” sigaw ni Mil. Pagkatapos ay malakas niyang sinipa ang empty coca cola can na nasa tabi ng basurahan. Sa sobrang lakas ng sipa niya, lumipad ang canned cola pati narin ang rubbershoes niya. “RUBBERSHOES KO!”
To my surprise, napunta sa kataasan ng puno ang rubbershoes niya. “Wow,” I gasped. PInalakpakan ko siya at pinawistan. “Witwiw. Nice kick.” At the same time ay may lumapit sa aming estudyante. “Hi, baka interesado kang sumali sa soccer club?” alok nito kay Mil kaya napatawa ako ng malakas.
----
Mil’s POV
May balak talaga akong magpakatinong estudyante lalo na’t first day ko ngayon. Pero sadyang hindi ako makapag-focus sa klase dahil sa malaking sapatos na suot ko.
“Pffft-” ang narinig kong pagtawa ng estudyanteng katabi ko sa upuan. “Miss, nagkamali ka ‘ata ng size ng sapatos na nabili?” bulong niya sa akin.
Napatingin ako sa sapatos ni Orij na pinahiram niya sa akin. Dahil malapit na kong ma-late, nag-prisenta si Orij na ipahiram sa akin ang sapatos niya. Sabi niya siya na raw ang kukuha ng rubbershoes ko sa itaas ng puno. At para daw hindi ako magmukhang weird na iisang rubbershoes lang ang suot, binigay niya ang sapatos niya at naglakad ng nakayapak.
I fetched a sigh. Lagi nalang akong nakakatanggap ng tulong mula sa kaniya. Nakakahiya na. Ano na kayang nangyari? Nakuha na kaya niya ang sapatos? Hindi naman siguro siya nalaglag ‘no?
“Sorry prof, late ako,” ang sabi ng lalaki na gumambala sa lesson ni professor. Nagsitilian ang mga babae, animo’y kinikilig sa kaniya-kaniyang upuan. ‘Siguro gwapo ‘yung lalaki.’
Masaya kong iniangat ang paningin, subalit nawala ang saya ko ng makita ang pagmumukha ni Soju na papalapit. ‘Siya lang pala. Tsss.’ Umupo si Soju doon sa medyo kalayuan kaya hindi niya ko nakita. Pagkaupong-pagkaupo ay kinindatan niya ‘yung magandang babae na katabi niya. ‘Kaya pala doon siya pumwesto kasi may magandang babae. Tsk tsk tsk.’
Iniling ko ang ulo at nagpasya na makinig ng taimtim sa lesson. After minutes of listening and taking down some notes, aksidente kong natanaw si Soju na nakadukdok at natutulog.
“Okay. That’s all for today. Don’t forget to sumbit your essay about this tomorrow okay? Class dismiss,” the professor announced then left the classroom. Nagsitayuan na ang lahat habang nililigpit ko naman ang mga gamit ko. Kung tungkol kay Soju, hanggang ngayon ay malalim parin siyang natutulog. Itatapon ko na sana ‘yung mga scratch papers ko sa bag, subalit, bigla akong nakaisip ng maitim na plano. Muli kong tinignan si Soju. At pagkatapos ay, “Shoot~” I murmured after throw the crumbled paper right into his face. ‘Sapul ang target! Yahoo!’
“Hmmmm,” Soju groaned. Bago pa man ako mahuli ay binilisan ko ang pagliligpit ng gamit at kumaripas na ng takbo papalabas.
Classes ended successfully. Naninibago pa ako sa college life pero masaya naman. Bagong teachers, bagong lessons, bagong classrooms, bagong canteen; I enjoyed everything. Pero hindi ako natutuwang naglalakad pauwi ng boarding house gamit ang malaking sapatos. Para akong nakasakay sa dalawang barko!
“Kung ako nahihirapan, pano pa si Orij?” I sighed.
Paano nga pala makakauwi si Orij gamit ang sapatos ko? Hindi hamak na mas maliit ang rubbershoes ko para sa kaniya. Wala kasi kaming number ng isa’t isa kaya hindi ko siya matawagan. Sobrang laki rin ng campus at kahit ano pang libot ko sa Business management department, hindi mag-krus ang landas namin.
When I almost arrived to our boarding house, I saw Soju outside. Nagtago ako sa dahilang na-alala ko ang kalokohang ginawa kanina. Isa pa, may kausap siyang babae kaya nag-aalangan akong magpakita. Baka mamaya niyan, girlfriend pala niya tapos makita na kasama ako ni Soju sa iisang bahay. Nakalugay pa naman ang buhok ko; pwedeng pwedeng sabunutan. I peeked at him and to the girl in front of him. Napansin ko na medyo may edad na ‘yung babaeng kausap niya. ‘What the…! Sugar mommy?!’
“Next time, don’t ever bother coming here. I don’t need you,” ang sabi ni Soju taglay ang malimlim na mga mata.
The next scene made me gasped. Anupat napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkagulat. Sinampal siya kasi ng babae na kaharap niya. The sound is too loud, I bet, masakit ‘yon. Na-guilty tuloy ako sa ginawa ko kanina.
“How could you say that to your mom?” ang sabi ng babae. Tumalikod ito at umalis. Pinag-igihan ko naman ang pagtatago sa likod ng trash bin.
‘Mom? Ibig sabihin ‘yung magandang babae na kausap niya kanina ay nanay niya?’
“Anong ginagawa mo?” ang tinig na pumaimbabaw. Unti-unti akong tumingala sa direksyon niya at nakita siyang nakatayo na sa harapan ko.
Soju…caught me.