Kim’s POV
Maybe I am desperate to experience true love. In my early 20’s ay marami na kong naranasang heartbreaks. Lahat ng mga babaeng nakikipag-break sa akin ay iisa lang ang dahilan: “Masyado ka kasing mabait.”
‘Bakit? Anong lalaki ba gusto nila? ‘Yung gag*?’
Noong naging girlfriend ko si Sharmaine, akala ko pang habang buhay na ang relasyon namin. But like my past relationship, she ended it in miserable way. Lumuhod ako sakaniya, nagmaka-awa na wag akong iwan pero wala eh. Siguro nga hindi ako kamahal-mahal.
Bumuhos ang malakas na patak ng ulan at nanatili akong nakaluhod sa puwesto na minsang pinagpiyestahan ng mga manonood. Sobra akong nahihiya at naaawa sa sarili kaya nawalan na ko ng lakas para tumayo at tumakas mula sa mga mata na mapang-hamak. Hanggang sa may bigla nalang nagpayong sa akin.
I lifted my head to see who is this good Samaritan. Chinita siya, maputi, malusog ang pisngi at maamo ang mukha. “N-Namimigay ako ng payong. Sayo na ‘to,” ang palusot niya na hindi ko binili.
Ang sabi ng mga kaibigan ko na sila Vince at Orij, dakila raw akong marupok; tipong mapagpakitaan lang ng kabaitan ay napo-fall na ko. Sa tingin ko, tama sila. Kasi kabe-break ko palang kay Sharmaine pero heto ang puso ko, tumitibok sa babaeng hindi ko naman kakilala.
‘Wala na nga ‘atang papantay sa katangahan ko.’
Ibinigay ng babaeng ito ang payong sa kamay ko, pagkatapos ay tumakbo siya paalis. Nang tignan ko ang payong na ibinigay niya sa akin ay nakita ko ang tatak ng ‘Avon.’ Natawa nalang ako at napailing. “So namimigay pala ng payong ang Avon?” I murmured.
Seeing that girl again is one of a million chances. That’s what I thought. Kaya nang kumatok siyang muli sa buhay ko, naisip ko na baka nagtagpo kami bilang sagot sa panalangin ko.
“Anong ideal type mo?” ang malakas na basa ni Mil sa tanong na nabunot niya mula sa garapon.
Ang totoo niyan, ako ang nag-gawa ng tanong na ito. I took the 16% small chance na siya ang makabunot and it really happened.
Napangiti ako sa gilid. Desido na ko na i-pursue siya this time. Subalit…
“Wala akong ideal type eh,” sagot ni Mil sabay nagkamot ng batok. “Pero may hinihintay akong lalaki.”
My smile faded away. Base sa sagot niya, halatang mayroon na siyang ibang nagugustuhan. So I said to myself: ‘why should I fall in love with someone who likes another guy? Masasaktan lang ako.’
Kaya naman, I promised to myself to stop this one-sided crush na muntik muntikan ng lumaki.
----
Third Person’s POV
Naglalakad pababa ng hagdanan si Kim; naghihikab at nagkakamot ng magulong buhok. Pagkarating niya sa kusina ay nakita niya ang bago niyang ka-boardmate na anti-social.
“Good morning,” masayang bati ni Kim sa lalaking umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo. Tinignan siya nito pabalik sa sandaling panahon. Inaasahan ni Kim na makakatanggap siya ng bati mula rito pero wala siyang natangggap. Greypi diverted his eyes back to his newspaper without words.
“Nga pala, nagsasa-ayos kami ng schedule ng maghahanda ng breakfast,” pa-alaala ni Kim.
“Ayokong maghanda ng breakfast para sa ibang tao,” sagot ni Greypi sabay lipat ng pahina sa dyaryo.
Ang ngiti ni Kim ay napalitan ng pagtaas ng kaniyang isang kilay. Kahit anong bait niya, hindi niya maitago ang pagka-asar sa lalaking di hamak na mas bata sa kaniya.
“Hayaan mo siya. Hindi ko kailangan ng tarant*do na maghahanda ng pagkain ko,” ang sabi ni Vince na kararating palang sa kusina.
Ibinaba ni Greypi ang dyaryo at tumingin kay Vince na tumawag sa kaniya ng ‘tarant*do’. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” nang-gagalaiting responde ni Greypi.
Nginisian siya ni Vince, bago malutong na inulit ang salitang, “TA-RAN-T*-DO.”
Agad na hinawakan ni Kim ang balikat ni Vince. Bumulong ito ng, “Vince, wag mo na siyang patulan.”
“Ang aga aga nagbabangayan kayo,” reklamo ni Soju na dumating. He is half naked with only a batman boxer. Napa-iling tuloy si Greypi sa nakita.
“Hoy. Kinuha mo ang ice cream ko ‘no?” Vince tends his eyes to Soju – ang salarin ng kaniyang missing ice cream.
“Sayo ba ‘yon?” Soju chuckled. “Sorry. Papalitan ko nalang.”
“Next time don’t touch my things,” Vince bickered.
“Malay ko ba. Dapat nilalagyan mo kasi ng pangalan.”
Nanatiling tahimik si Kim. Gusto niyang pagalitan si Soju dahil sinabihan na niya itong wag gagalawin ang ice cream ni Vince pero hindi ito nakinig. Subalit kapag binuking niya ito ay baka mas lalong mag-alburoto si Vince. Nakakatakot pa naman magalit ang mga tahimik na nasa loo bang kulo.
“Araw araw ‘ata ganito sila kaingay, parang mga ipis,” bulong ni Greypi na narinig naman ng tatlo. Bumalik ang tingin nila sa lalaking may hawak na dyaryo.
“I-Ipis?” naiinis na pag-uulit ni Kim.
“Kami? Ako?” Soju even pointed his handsome face.
Bahagyang ngumiti si Vince. Pagkatapos ay nilapitan niya ang lalaking tumawag sa kanilang ipis. “Oopps,” he murmured, bago tinabig ang sandwich pabagsak sa pantalon ni Greypi.
“F*ck!” Greypi stood up. Pinagpag niya ang pantalon na nadumihan dahil sa nabagsak na tinapay.
“Sorry ha, ganito talaga kaming mga ipis. Nakakatabig ng di sinasadya,” nakangising pang-aasar ni Vince.
“You sh*t,” singhap ni Greypi na kinuwelyuhan ang kaniyang kaharap.
“Aba aba, ayos ‘to ah,” natutuwang reaksyon ni soju sa napapanood. Si Kim naman ay agad na pinaghiwalay ang dalawang nag-kakainitan. “Tumigil na nga kayo. Simpleng bagay pinapalaki. Elementary kids ba kayo?”
“Hayaan mo sila,” panunulsol ni Soju. “Bigyan mo ng kustilyo para magsaksakan.” Sabay siyang tinitigan ni Greypi at Vince. “Shut up,” they said in unison. Nagkatinginan pa nga sila sa gulat na pareho sila ng salitang sinabi para kay Soju.
“Woah. Pagkatapos niyong mag-away, ako naman ang idadamay niyo?” Soju clapped his hands. Mas lalo lang niyang dinadagdagan ng gasolina ang apoy.
Orji came to the scene. Nakasara pa ang isang mata nito na tinutungo ang kusina. Katulad ni Soju, tanging spongebob boxer lamang ang suot nito. Pero sa case niya, hindi niya sinasadyang ito lamang ang isuot. Nawala siguro sa isipan niya na may kasama na silang babae sa bahay. “Anong meron?” tanong niya.
“Good morning boxer buddy,” bati ni Soju na nag-alok ng high five.
Orij gave him high five kahit na naguguluhan. Nagising na lamang ng tuluyan ang isipan niya ng dumating si Mil.
“Good mor-” bati sana ni Mil pero naantala siya ng kahindik hindik na tanawin. “Waaaaaaaah!” she screamed after seeing Soju and Orij on their boxers.
“Oh sh-!” Dali daling nagtago si Orij sa likuran ni Soju- ni Soju na naka-boxer lang din.
---
Mil’s POV
“M-Mil, ano. Ahmmm,” nauutal na sambit ni Orij habang sinusundam kaming maglakad ni Kim papuntang school.
Today is the first day of school. At nakakalungkot, nagsimula ang araw ko sa nakakagulantang na pangyayari kanina.
“S-Sorry. Nawala sa isip ko na kasama ka namin sa boarding house,” paghingi ng tawad ni Orij. Tumingin ako sa kaniya; sa maliit ngunit bilugan niyang mga mata, sa matagos niyang ilong at sa kaniyang magandang ngiti.
Naalala ko ang paglalaro namin kagabi. Natapos ang laro sa score na: Orij- 1 point, Vince- 2 points, Soju- 6 points, Kim- 3 points at ako – 8 points. Ibig sabihin, ako ang talo at si Orij ang panalo. Isang tanong lang naman ang hindi nasagot ni Orij. Ito ay ang – “Can you tell us about your ex?” na nagmula kay Soju. After reading the question, Orij pursed his lips. Napatingin rin sa kaniya ng may halong pag-aalala si Kim at Vince na waring may alam sa malungkot na nakaraan ni Orij.
Kaya naman ngayong nasa harapan ko siya at humihingi ng tawad, wala akong magawa kung hindi tanggapin ito. “Okay lang Orij. Alam ko naman na hindi mo sinasadya.”
“Yehey! Hindi ko na uulitin. Promise!” Binigyan pa niya ko ng thumbs up.
“Kawawa naman si Mil. Baka magkaroon siya ng PTSD dahil sayo,” panunukso ni Kim na patawa-tawa sa gilid namin.
“Ano yung PTSD?” tanong ni Orij.
Ibinuka ni Kim ang labi pero natigilan siya. Ilang ulit siyang kumurap at sinabing, “B-Basta. Tungkol sa trauma ‘yon. Yung letter ‘T’ sa PTSD ay acronym para sa ‘Trauma’.”
“Sus. Di mo lang alam ‘yung meaning,” pang-aasar ni Orij.
“Alam ko!” Tumingin si Kim sa akin na parang nahihiya. “Nakalimutan ko lang. Nasa dulo na ng dila ko.”
“Weh? Patingan nga ng dila.”
Inilabas naman ni Kim ang dila niya. Pero ilang sandal pa ay iniurong din niya ito dahil na-realize niyang pinagti-tiripan lang siya ni Orij. “Bwisit ka talaga,” he complained.
Having these two around lifted my mood. Kung kapareho lang nila ‘yung tatlo pang lalaki sa boarding house, wala na sana akong problema. Speaking of, biglang may pumaradang magarang kotse sa tabi namin kaya napahinto kami. Nang bumaba ang car’s window ay nakita ko na ang demonyo.
“Maglalakad lang kayo papuntang school? How cheap,” ang pangungutya ni Mr. Period.
Nameywang si Orij at sumigaw, “Anong chip? Hindi kami pagkain!”
Kinalabit ni Kim si Orij sabay binulungan, “Orij. Cheap. C-h-e-a-p. Hindi chips.”
Napanganga si Orij bago tinawanan ang sarili. “Ahhh. Cheap pala. Lol, akala ko chip.” Subalit nawala ang ngiti niya ng maintindihan ang nais sabihin ni Mr. Period. “Ano?! Anong cheap ka dyan!” He pointed the demon’s face.
Dahil alam kong walang patutunguhan ang pagpatol sa gwapong diyablo, ay ako na ang umawat. “Hayaan niyo na siya. Walang kwentang makipagbangayan sa tulad niya.”
“Sayang. Isasabay ko pa naman sana kayo.” The demon shrugged his shoulder.
Si Kim na madaling mauto ay napangiti ng marinig ang alok niya. “Talaga? Sige sasabay na kami.” Pero pinigilan siya ni Orij. “No. Hindi tayo sasakay sa kotse niya Kim. Hindi tayo sasakay sa kotse ng cheap na katulad niya. C-H-E-I… Ay mali. C-H-I…” naguguluhan na pag-iisip ni Orij sa spelling. Napasapo nalang tuloy ako ng noo dahil sa hiya.
“C-H-E-A-P,” pagtuturo ni Kim.
“Tama!” Orij nodded. “C-H-E-A-P! CHEAP!” naiinis na sambit ni Orij bago tumitig ng masama kay Mr. Period.
“Okay. Sa bagay, kakalinis ko ng kotse. Kapag sumakay kayo, madudumihan,” ang sagot ng demonyo.
Teka teka teka. Sinasabi niya bang marumi kami? Seriously. Anong problema ng sira ulo na to?! Kulang ba siya sa pagmamahal at aruga?!
When the car’s window was about to close, I placed my hand in between. “Sandali,” pagpigil ko. Binukas niyang muli ang bintana at tumingin.
“Anong kailangan mo? Nilinaw ko sayo na wag mong hahawakan ang gamit ko,” sabi niya bago kumuha ng tissue sa gilid at pinunasan ang parte ng bintana na namarkahan ko ng finger prints.
‘So this is how I lost my patience.’
“Sinasabi mo ba marumi kami?” I asked, gritting my teeth.
“Wala akong sinabi na marumi kayo. Pero kung ganoon ang pagkakaintindi mo, wala akong magagawa,” pamimilosopo niya. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Orij, Kim and him found my smile very weird. Nagtataka siyang sinubaybayan ang mga sumunod kong ginawa.
The three watch me get something from my bag. Inilabas ko ang pabango, and I sprayed it right into his face.
“Ohhhh!” he shouted and coughed. “Ugh ugh ugh!”
“Mil!” sigaw nila Orij at Kim na nagulat sa ginawa ko.
“Ugh ugh! I-ikaw!” Galit na galit si Mr. Period na tinuro ang mukha ko.
“Sorry ha. Allergic rin kasi ako sa mabaho. ‘Yung katulad mo na may mabahong ugali!” I shouted.
The war between me and that Mr. Period, begins.