I tour myself around the university. Bukas pa magsisimula ang pasok pero dahil hindi ako komportable sa boarding house na tinitirhan ko ay mas pinili ko nalang lumabas at mag-libot libot.
“Hoy Greypi, anong ginagawa mo dito? Bukas pa ang pasok ha.”
Lumingon sa likuran upang malaman kung sino ang kumausap sa akin mula sa malayo. Then I saw Bryan. Pinsan ko siya sa mother-side at professor siya ng university na ito. Nang makalapit siya sa akin ay tinapik niya ko sa balikat. “Excited ka ‘atang pumasok bro.”
Tinitigan ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. “Kumain ka ba ng cheese curls kuya? Take your hands off.”
Natatawa niyang tinanggal ang kamay mula sa akin. “This clean freak. Sorry na. Pinunasan ko naman ng tissue.”
“Kahit na. Magmamantsa parin sa polo ko,” reklamo ko.
Tinaas niya ang dalawang kamay at sinabing, “White flag.” Sa tinagal-tagal na naming magkasama, malamang na sanay na siyang pakisamahan ang clean freak na katulad ko.
Sabay kaming naglakad sa paligid habang pinag-titiisan kong makinig sa mga kwento niyang wala namang kabuluhan. He is really such a chatterbox. Hindi ko nga alam kung paano siya natatagalan ng asawa niya.
“Anyway, ang balita ko sa U.S ka dapat mag-aaral ha. Bakit nagbago ang isip mo?” tanong ni kuya Bryan na nagpahinto sa akin.
“Dad is sick. Kaya kinakailangan kong i-check ang company from time to time,” paliwanag ko. “Isa pa, may dahilan din ako kung bakit mas pinili kong mag-aral dito.”
“Teka.” Huminto si kuya Bryan sa paglalakad, gayundin ako. He looked at me with cheshire grin, waring hindi pa nagsisimula ay natatawa na siya sa sasabihin. “Are you still into that childhood girl na nakilala mo dati?”
Bagama’t bihirang ngumiti ay hindi ko naiwasang magpakawala nito mula sa aking mga labi. He is right. The main reason why I studied here is to meet that little girl from my childhood memories.
“Ano nga bang pangalan niya? Malay mo matulungan kitang mahanap kung estudyante din siya dito,” suhestiyon ni kuya Bryan.
“Mil,” I answered.
Nang malaman ko na Mil ang pangalan ng babae na kasama ko sa boarding house, nagbaka-sakali ako na siya na ang batang babae na iyon. Pero magkaiba sila ng surname. Kung sa mukha naman pagbabasehan, hindi ako sigurado. I was too young that I slightly forgot her face. At ang unang pagkikita namin ng Mil na iyon ay hindi naging maganda. So I am really hoping na hindi siya ‘yon. If she ended up being the same girl, then my first love will get ruin like f*ck.
----
Third Person’s POV
Napaka-bukas palad ni Kim para ipaghanda ng spaghetti ang mga newcomers sa kanilang boarding house. Ganito talaga siyang uri ng tao; ‘yung lalaki na hangga’t maaari, gusto na mapayapa ang lahat ng nakapaligid sa kaniya. Kung babae nga lang siya, baka nanalong siyang Ms. Universe na nagtataguyod ng ‘World Peace’.
“Orij, tawagin mo na si Mil. Sabihin mo luto na ang spaghetti,” pagsuyo ni Kim na kasalukuyang naghahango ng pasta.
Ito namang si Orij na panay lunok, parang patay gutom, ay sumagot ng, “Kumatok na ko sa pintuan niya kanina eh. Sabi niya bababa na siya maya-maya. May nililinis pa raw kasi siya.” Tinuro niya ang pasta saka humiling, “Kim, nagugutom na ko. P’wede na ba kong kumain?”
“Okay na ba ‘yung ngipin mo?” Kim asked worriedly. Inilapag niya ang isang kaldero ng sauce sa gitna ng lamesa at sinundan siya sa puwesto ni Orij.
“Napagtingin na ko sa dentista. Pinastahan niya ang ngipin ko,” nakangiting paliwanag ni Orij.
Sa tuwa ay tinapik ni Kim ang ulo nito. “Very good.”
“Para kayong mag-ina,” natatawang komento ni Soju na kararating pa lamang sa kusina nang walang suot na t-shirt. He is half naked, revealing his six pack abs. Meron din namang abs si Orij at Kim, nagkataon lang na mas maganda ang katawan ni Soju kumpara sa kanila.
Napahawak si Kim sa tiyan, kinapa kapa ang abs bago nagreklamo. “Soju. May babae tayong kasama sa bahay. Mag-suot ka ng t-shirt.”
“Lagot ka kay mama,” ang sabi naman ni Orij na pasimple ng nag-papapak ng pasta. Orij called Kim ‘mama’ since he knows that Kim is a king of nagging. Sa sobrang bait nito, gusto niya na lahat ng bagay ay nasa tama. Iyon ang dahilan kung bakit hinihiwalayan siya ng mga nagiging jowa niya kahit pa may taglay itong kagwapuhan. ‘Dating a super duper good guy is very boring’ ika-nga nila.
Kung may ubod ng bait dito, mayroon din namang ubod ng gag* na nangangalang Soju. “Pabor nga kay Mil ‘to eh. Maglaway siya sa katawan ko,” ang sabi ni Soju na may pakagat-kagat sa labi pang nalalaman bago binuksan ang ref.
Nagkatinginan si Orij at Kim. Malamang na may iisang ideya ang pumasok sa isip nila, tulad ng: ‘May sira-ulo tayong kasama sa bahay.’
“Uy!” Soju gasped. “May ice cream dito. Penge~”
“Dude back off,” paala-ala ni Orij. “Kay Vince ‘yang ice cream. Magagalit ‘yun kapag kumuha ka.”
Sinara ni Soju ang ref at tumingin sa kanilang dalawa. “You mean pork and Vince? Siya yung parang robot kung magsalita diba?”
“Parang robot siyang magsalita pero kapag nagalit siya daig niya pa si Volte’s Five. Imbes na ice cream, kumain ka nalang ng niluto kong spaghetti.”
Sinulyapan ng tingin ni Soju ang spaghetti pasta at sauce na nakalapag sa lamesa. “Ngayon ko lang napansin, ang dami mong niluto. Sinong may birthday?”
“Walang may birthday,” Kim chuckled. “Niluto ko ‘to para inyo. Let’s say it’s a welcome party.”
Saktong pagkasabi ng ‘welcome party’ ay dumating na si Mil mula sa 2nd floor, at si Vince naman na nanggaling sa labas ay may bitbit na gitara.
----
Mil’s POV
Pagkatapos kumain ng spaghetti ni Kim na lasang Jolli spaghetti ay nagkayayaan silang maglaro ng baraha. Pusey dos ang lalaruin kaya hindi na ko sumali. Apat na tao lang kasi ang pwede sa laro na iyon. Isa pa, nahihiya ako kay Kim na nagluto kaya nag-prisenta nalang ako maghugas ng plato.
“Mil,” Orij came into the kitchen and called me. “Mamaya mo na hugasan ‘yan. Makilaro ka muna sa amin.”
I shook my head. Natutuwa ako na friendly ang ilan sa kanila pero hindi ako panatag na makasama ang Soju na ‘yon kahit sa unting pagkakataon. Matinding pagtitimpi na nga ang ginawa ko kanina matapos niya kong tabihan habang kumakain ng spaghetti. Nakakapikon!
“Hindi na. ‘Di ba pang apat na player lang ang Pusey dos?” pag-tanggi ko. “We aren’t going to play Pusey dos,” sagot naman ni Orij na biglang humawak sa kamay ko. I am not use in this kind of skinship kaya napasinghap ako sa gulat. “Come on,” he said then pulled me out of the kitchen.
Magkahawak kamay kaming tumungo sa sala at bago pa man mahalata ng iba ang mga kamay namin ay agad na kong bumitaw. It wasn’t a big deal to Orij though. Nakangiti lang niyang inanunsyo na, “Dinala ko na si Mil. Tara laro na.”
‘Ano bang lalaruin namin? Hindi na kami mga bata.’
“Okay.” Tumayo si Kim at kumuha ng garapon. “Hinanda ko ang game na ito para mas magkakilala tayo. Sasang-ayon siguro kayo na para maging maayos ang pag-sasamahan natin, kailangan na mas makilala natin ang isa’t isa. Diba?”
“Opo~” sagot ni Orij na katulad ng pagsagot ng isang kinder-garten sa teacher niya. Tumawa si Soju na waring hindi makapaniwala sa gagawin namin, samantalang wala namang ka-rea-reaksyon si Vince. He is just sitting in the couch in silent.
“Sa ngayon, papakiusapan ko kayo na magsulat ng mga tanong sa isang papel. You can write as much as you want. Tapos, itutupi niyo ang papel at ihuhulog dito sa garapon. Bubunot ang bawat isa sa atin hanggang sa maubos ang papel. Kailangan niyong sagutin ang tanong na mabubunot niyo. Kapag nag-pass kayo, magkakaroon kayo ng 1 point. Kung sino ang may pinakamaraming points, siya ang talo sa laro. Game?” Kim explained
Ngayon alam ko na kung bakit hinihiwalayan ng babae si Kim. Daig niya pa kasi ang mga babae sa pag-iisip ng mga ganito ka-arteng pakulo.
Nang matapos kaming magsulat ng mga tanong ay inihulog na namin ito garapon. Paikot kaming nakaupo sa carpet: nasa kanan ko si Kim, nasan kanan ni Kim si Vince, nasa kanan ni Vince si Soju, at nasa kanan naman ni Soju si Orij. Mabuting lineup ‘to dahil ayokong makatabi ang m******s.
“At dahil ako ang nagpasimuno, ako ang unang bubunot,” masayang sabi ni Kim na kumuha ng papel sa garapon. Then he reads the question out loud, “Nasubukan mo na bang magluto ng kalamay?”
Lahat kami ay napahinto sa tanong na natanggap niya, bukod tangi kay Orij na nakangiti sa kaliwa ko.
“Hoy Orij, ikaw ba ang naggawa ng tanong na ito?” Hinala ni Kim.
Walang alinlangang sumagot si Orij ng, “Oo. Wala na kasi akong maisip na itanong.”
“Ano bang klase ng tanong ‘to?” reklamo ni Kim.
“Pffft-” Soju laughed, as well as I. Hindi sumagi sa isip ko ang tanong may kinalaman sa kalamay. Hanep~
“Kapag hindi ka sumagot, makakakuha ka ng one point,” babala ni Vince na bihira ko marinig na magsalita.
Speaking of Vince, naalala ko ‘yung sinabi niya na nagkita na raw kami ng panahon na umiiyak ako. Sayang! Dapat pala nilagay ko sa tanong kung kailan, saan, at paano niya ko nakitang umiyak. Kaso, paano kung hindi si Vince ang makabunot ng tanong? Di bale na nga lang.
“Oo na oo na. Sasagot na. Nakapagluto na ko ng kalamay dati. Nasunog nga lang,” ang sagot ni Kim.
With smile in my lips, I watched Vince gets a question paper. Hindi niya binasa ng malakas ang tanong bagkus ay tinitigan niya ng masama si Soju. “Why?” Soju asked.
Kinuha ni Kim ang papel ni Vince at siya na mismo ang nagbasa. “Virgin ka pa ba?” His ears turned red.
Walang hiya! Hindi talaga normal ang Soju na ‘to!
Tinakpan ni Orij ang tenga ko kahit pa narinig ko naman na ang tanong. “Sh*t. Pre, bawal ang ganyang tanong. May babae oh,” narinig kong reklamo ni Orij.
Soju replied something but I didn’t hear it dahil nga nakatakip ang tenga ko. But I can saw him glancing over me with a smirk. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Vince.
“Oo virgin ako,” ang nabasa ko sa bibig ni Vince. Orij took off his hands from my ears after Vince answered the question.
“Oh sh*t. Totoo pre? Woah,” di makapaniwalang tugon ni Soju na animo’y tuwang tuwa sa ganitong topic. “Gusto mo ma-experience? Marami akong kilala na magagandang babae.”
Sinipa ni Vince ang garapon papunta kay Soju anupat tumama ito sa binti. The impact was slightly hard. “Bumunot ka nalang, pwede ba?” walang emosyong utos ni Vince na nagpawala ng ngiti ni Soju.
Ramdam ko ang kidlat sa mga titig nilang dalawa. ‘Malaki ang porsyento na hindi magkakasundo ang dalawang ‘to.’
Soju picked up a question with annoyed smile on his face. Badtrip siguro siya sa ginawang pag-sipa ni Vince ng garapon papunta sa kaniya. Buti nga sayong sira ulo ka.
“What is your favorite color?” pagbabasa ni Soju sa nakuhang tanong. “Blue,” maikli niyang sagot bago tumingin sa akin. “Sayo galing ang boring na tanong na ‘to no?” he inquired.
Pano niya nalaman?!
Umiba ako ng tingin at nagkunwarian na walang narinig.
Ang sumunod na bumunot ay si Orij. Pagkatapos niyang basahin ang tanong ay natawa siya ng malakas. “Pambihira ka Vince!” he laughed the showed the question on the paper. “Alam kong sa music lang umiikot ang buhay mo, pero anong klaseng tanong ‘to?!”
Sinilip ko ang tanong na nakasulat: “What are the guitar chords of the song ‘New York’ by Frank Sinatra?”
Hinawi lang ni Vince ang buhok, saka inayos ang upo. He is really handsome, though, may pagka-weirdo nga lang.
“Kapag hindi mo sinagot ‘yan, magkaka-points ka,” babala ni Vince.
“G am em d c,” sagot ni Orij.
Umiling si Vince. “Mali ka.”
“Mali man o hindi, at least sumagot ako,” reklamo ni Orij.
“Nope. Kailangan tama ang sagot mo.” Vince lifted the corner of his lips. Feeling ko wala naman talaga siyang interes sa laro. Gusto lang niya na may matalo sa amin.
“Ay, kainis naman,” Orij grunted with a pout. “This kind of question is unfair.”
Habang nagbabangayan sila kung valid ba ang tanong o hindi ay kinalabit ako ni Kim. “Mil, ikaw na.” Inilapit niya ang garapon sa akin. Kumuha ako ng papel at dahan dahan itong binuksan. The four stopped to look at me as they wait for the question for me.
“Anong ideal type mo?” ang malakas na basa ko sa tanong. I slowly glance over these eyes around. ‘Sino kayang nagsulat ng tanong na ito?’
“That’s a pretty interesting question you got there lad,” pag-tuligsa ni Soju. “So what’s your answer? Ano bang ideal type mo?”
‘Mukhang hindi si Soju ang may gawa nito kasi nagulat rin siya sa nakuha ko. Kung ganon, sino kina Vince, Kim at Orij na kapwang nakatingin sa akin ang sumulat nito?’
Napaisip ako sa tanong. All this time, I was only interested in reading books and writing stories. In-love ako sa mga characters na nababasa o ginagawa ko. Kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang ideal type ko. Wala parin kasi akong planong magka-boyfriend. Unless if that boy came back.
“Wala akong ideal type eh,” sagot ko sabay kamot sa batok. “Pero may hinihintay akong lalaki.”
Sa gitna ng biglaang katahimikan ay umugong ang pagbukas ng pinto. Pumasok sa loob ang lalaki na matangkad, naka-brushed up hair style at may fox-like eyes. Sa limang lalaki makakasama ko, siya ang hindi ko pa nalalaman ang pangalan. But if I’ll give him a nickname, I’ll call him, ‘Mr. Period.’ Sa sobrang sungit, daig pa niya ang mga babae kapag may period kami.
Pasimpleng tumingin sa amin si Mr. Period bago tumungo sa hagdanan na parang walang nakita.
Ang sabi nila, matatagpuan mo raw ang lalaking nakatadhana sayo sa pagkakataong hindi mo inaasahan. Sa mga panahon na ito, hindi man lang sumagi sa isip ko na ‘yung lalaking matagal ko ng hinihintay ay nasa harapan ko na pala. Kung una palang ay tinanong ko na ang pangalan niya, edi sana hindi kami nagkaroon ng panget na simula. Right Greypi?