"Sinong nagbigay ng permiso na silipin mo ang kwarto ko?" ang masungit niyang tanong. He was that guy before. 'Yung gwapong tsinito na nag-park sa harap ng no parking sign. "Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Alis," pagtaboy niya sa akin. Nagsimula akong maglakad palayo.
'Sandali nga lang. Anong karapatan niya para ipagtabuyan ako? Why should I let him treat me this way?'
Binalikan ko siya taglay ang nanlilisik na mga mata. "Hey. Sa pagkakatanda ko pareho lang tayong nagbayad ng tuition fee para makatira sa boarding house na ito. And FYI, hindi ko sinasadyang mapasilip sa kwarto mo. Nakabukas kaya ang pinto!"
Tinaasan niya ko ng kilay at nginitian - isang ngiti ng panghahamak. "Pumayag akong tumira sa boarding house sa kondisyon na dapat, lalaki lang ang makakasama ko sa bahay. Having you around is pissing me off. So to help me, can you please just get lost? Next time, don't ever stop in front of my room. Don't look at me, don't talk to me and don't even touch my room's door. Nakakaintindi ka naman ng English diba?" Binawi niya ang ngiti kasabay ng malakas na pagsara ng pinto.
'Woah. Naramdaman ko ang sintido ko sa ulo na malapit ng pumutok!'
Gusto ko sanang sipain ang pintuan niya pero wag nalang. Ako rin naman ang magiging luge. Walang kasalanan ang pinto at masasaktan lang ang paa ko. I took a deep breath. Gritting my teeth, I just decided to went to the kitchen.
"Nagsisisi ako na nagwapuhan ako sa sira ulo na 'yon," bulong ko matapos buksan ang refrigerator at silipin kung may makakain ba. May mga snacks naman pero itlog lang ang p'wedeng lutuin. "Mag-go-grocery ako mamaya." Sinara ko ang refrigerator at-
"Hi."
Bumuka ang labi ko pero walang sigaw na lumabas, nalunok ko 'ata ang sariling boses. Mag-isa lamang ako bago ko buksan ang ref ngunit nang isara ko na ito, biglang sumulpot sa gilid ang lalaking na-meet ko sa night bar. Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko gamit ang mapupula niyang labi. He has deer-like eyes and his eyelashes are so long. Makapal ang kilay at mas maputi pa siya kaysa sa akin. Noong nag-kita kami sa night bar, aminado naman akong gwapo siya; mala-vampire look lang ang datingan. Pero mas gwapo siya ngayon kahit pa itim na t-shirt lang ang suot, at basa pa ang buhok. Bagong ligo 'ata.
"Based on your reaction, I can see that you remembered me," pahayag niya.
"Oo. Ikaw 'yung may sakit sa puso sa night bar. Kamusta? Dapat kasi hindi ka na nagpupunta sa ganoong lugar kung may sakit ka sa puso."
Panandalian siyang natulala. Kinurap kurap niya ang mga mata bago mahinang tumawa. His voice is kinda husky. "Hanggang ngayon ba iniisip mo na totoong may sakit ako sa puso?" Lumapit siya sa akin, mga isang siko ang layo. "Nagsinungaling lang ako that time."
Kumatok ang salitang 'panganib' sa likuran ng utak ko. Agad akong napaatras papalayo anupat napasandal ang likuran sa ref.
This guy leaned his hands on the ref, beside my ears and locking me in between. Pangarap ko noon na maranasan ang ganitong eksena, pero hindi ko akalain na 'yung kilig na inaasahan ko ay malayo sa realidad. Right now, my hands are trembling as well as my insides. Unti-unti kong inangat ang paningin upang tignan siya na 'di hamak na mas matangkad kaysa sa akin.
"May tinatakasan kasi ako kaya ginamit kita," he said with a grin. I-nginuso niya ang mapulang labi at nagpatuloy, "Pero may plano talaga akong landiin ka." Inilabas niya ang dila at dinilaan ang gilid ng kaniyang labi.
Ikinuyom ko ang mga kamay sa inis. Naalala ko kasi ang kabaitan na ipinakita ko sa kaniya noon, not knowing na sira ulo pala talaga siya. "Lumayo ka nga. Kung hindi sisipain ko ang..."
Pinangunahan niya ko ng sasabihin, "Itlog ko?" Ngumisi siya sabay iniipit ang legs ko gamit ang tuhod niya. "Tignan natin kung kaya mong makawala sa akin at sipain ako. Pero kung 'di mo kayang gamitin ang paa mo, why not using your hand?" Nakita ko ang pagtaas taas ng kaniyang mga kilay.
'm******s!'
Itinaas ko ang kamay para sampalin siya pero napigilan niya ako. "Not now. Wala pa nga akong ginagawa," pagtawa niya. Kinagat niya ang pang-ilalim na labi at ramdam kong binibisita niya ng tingin ang leeg ko. "Saka mo na ko sampalin kapag kinagat ko na ang leeg mo." He winked at me then walked out.
'Yung lakas naipon ko kahapon, tuluyang naglaho. Nanghina ang tuhod ko kung kaya't kinailangan ko pang sumandal sa kung saan para makatayo ng tuwid.
'This is not good. Kailangan kong layuan ang tao na 'yon hangga't nasa iisang bubong kami.'
"Excuse me." Someone knocked out of my senses. Nang magising ang diwa, napagtanto kong may ibang lalaki nang nakatayo sa harapan ko. Siya 'yung pamilyar na may hawak ng gitara kanina. Matingkad ang kulay ng buhok niya, one side bangs. He has cat-like eyes with double lids, pointed nose, small face, and well-line lips. In-short, he is a pretty boy in pink hair.
'San ko nga ba siya nakita?'
"Nakaharang ka. May kukuhanin ako sa ref," ang sabi niya in monotonous voice.
It took me seconds bago ma-realize na nakikiusap siyang tumabi ako. "Ah sorry." Pagkapunta ko sa gilid ay siya namang pagbukas niya ng ref. "Banana ice cream," he said. Isinara niya ang ref at pinakita sa akin ang hawak na cup ng ice cream. "Kapag nakakita ka ng banana ice cream sa ref, akin 'yun."
'Paala-ala ba ang sinabi niya o babala?'
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
"Usually, madamot ako sa pagshe-share ng ice cream ko. Pero kung gusto mo, kumuha ka lang sa ref." Iniba niya ang tingin at umakma ng aalis.
"Sandali! Anong pangalan mo?" pahabol kong tanong. I think it's a courtesy to ask since he said something nice.
Lumingon siyang pabalik sa akin. Wearing a poker face reaction, he disclosed, "Vince."
"Ahh V-Vince. Ako naman si..."
"Mil. Narinig ko na ang pangalan mo kanina. No need to introduce again."
Nagtitigan kami ng ilang segundo matapos bumisita ang katahimikan. Bakit parang nakikipag-usap ako sa robot?
"Oo nga pala," I chuckled. "May tanong nga pala ako. Nagkita na ba tayo?"
"Yup."
"Sabi ko na nga ba eh! Pamilyar kasi ang mukha mo."
"Nakita kitang umiiyak."
"Ha?"
Tumalikod siyang bigla at iniwan akong mag-isa. Umiiyak? Ako? Kailan? Saan?!
----------
Third Person's POV
Kasisilip palang ng araw mula sa gawing silangan ay naglalakad na si Kim papunta ng kusina. Kinukusot niya ang inaantok na mata habang bumababa ng hagdanan. Ngayon kasi ang araw kung kailan siya ang naka-schedule na maghanda ng breakfast. Ngunit napatigil siya nang makita sa kusina ang isang lalaki na kapareho niyang magulo pa ang buhok.
"Wow. This is freaking nice," Soju gasped while looking at the kitchen table. May nakahanda na kasing pagkain rito. Kinuha niya ang isang hotdog at kinain. Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay pasimpleng itong lumingon habang ngumunguya.
Nagpabalik-balik ng tingin si Kim sa pagkain at kay Soju. Hindi niya lubos maisip kung ang naghanda ba ng pagkain ay ang lalaki na nasa kaniyang harapan.
As the morning goes by, isa-isa ng bumaba papuntang kusina ang limang lalaki. Pare-pareho silang nakaupo sa haharap ng iisang mesa; kapwa nagtitinginan at nagpapakiramdaman.
Sa totoo lang, madali lang namang magkapalagayan ng loob ang mga lalaki. Subalit sa pag-uugali ng ilan sa kanila, mukhang mahihirapan silang magkasundo.
"Kapag umaga, sabay-sabay kaming kumakain ng breakfast," ang malumanay na paliwanag ni Kim habang nakangiti.
"Ahh ganun ba?" nakangiting tugon ni Soju. "Kim ang pangalan mo right?" Tumingin siya kay Orij at sinabing, "Ikaw naman si Orij."
"Ako nga," Orij chuckled and gave a peace sign.
"Ikaw naman si Pork and Vince?" pagbibiro ni Soju na ikinasama ng tingin ni Vince. "Joke," Soju chuckled. At sa huli, inilipat nila ang tingin sa bukod tanging lalaki na hindi pa nagpapakilala. "Ikaw, hindi pa kita narinig na nagpakilala."
The guy who already styled his hair early in the morning lifted his eyes onto them.
'I can sense that he is not a friendly type,' ang reklamo ni Kim sa isipan.
'Pipi ba siya? Bakit ayaw niyang magsalita?' Orij said inside his mind.
'Somehow, feeling ko hindi kami magkakasundo ng isang 'to' Soju noticed inwardly.
'Isang mayabang na babaero at isang anti-social. Ayos. Ano kayang mangyayari sa aming lima? Oh. I was wrong. May kasama pa nga pala kaming babae,' ang nasa isipan naman ni Vince.
"Kailangan ko pa ba talagang magpakilala? Wala naman akong balak makipag-close," ang sabi ng lalaki na kanina pa nila hinihintay na magsalita.
Mukhang... sa unang araw pa lamang ay nangangamoy gulo na sa loob ng boarding house.