Mil's POV
Sosyalin ang bago kong kwarto. Malaki ang kama at may sarili pa akong banyo.
"Hindi na ko magtataka kung bakit sobrang mahal ng tuition fee," I whispered while shaking my head.
Bago ako mag-enroll sa Champese university, aware ako sa rules na dapat ay tumira ang mga estudyante sa inilaang boarding house ng school. Now I feel guilty for using my parent's money for my own greed. Mukhang kailangan kong mas lalo pang magsipag sa pag-aaral. Pero bago ko isipin ang pag-aaral, hindi ba't mas dapat ko munang alalahanin kung paano ko sasabihin sa kanila na puro lalaki ang kasama ko sa boarding house?
"Knock knock?"
May kumakatok. Nineniyerbos kong itinungo ang paningin sa pintuan kung saan nanggaling ang mahinang tunog. Habang nakatitig sa pintuan, biglang sumariwa sa akin ang mukha ng mga lalaking makakasama ko rito: Una ay 'yung may hawak ng gitara na pamilyar sa akin. Pangalawa naman ay 'yung may hawak na libro na sa hinala ko ay ang lalaki na mala-eskandalosang bi-nreak ng jowa sa kalsada. Pangatlo ay ang lalaki na nakilala ko roon sa bar.Pang-apat ay ang... ang...
Ah! 'Yung sira ulo na may-ari ng magandang kotse! Tama! Siya 'yun! Pero ang pinaka kinagugulat ko ay ang makitang muli ang lalaki na sumagip sa akin sa fountain.
Hindi ako naniniwala sa destiny kaya nag-aalinlangan ako kung ikakatuwa ko ba na na-meet ko na sila bago pa man kami magkita kita rito as boardmates.
Matapos huminga ng malalim ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malambot na kama at naglakad papalapit sa pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang matangkad na lalaking may mapupungay na mata. "Hi," he greeted me with a smile. Rounded sleepy eyes, pointed nose and heart-shape lips. Tama ako. Siya nga 'yung broken hearted guy na binigyan ko ng payong ng Avon. "Natatandaan mo ba ko?" Tanong niya habang tinuturo ang sarili. Maigi niya kong tinititigan habang hinihintay ang matatanggap na sagot.
'Magkukunwari ba ko na kilala ko siya o hindi? Iniwanan ko pa naman siya matapos sabihin na namimigay ako ng payong. Akala ko kasi hindi na kami magkikita kaya okey lang na magpaka-weirdo.'
"Ako 'yung binigyan mo ng payong," walang alinlangan niyang pagpapakilala. So, he looks cool about it.
Mahina akong tumawa at sumagot ng, "Ah oo. Natatandaan ko na." Then I bit my lower lip. Hinipo ko braso at umiba ng tingin.
"Kim nga pala ang pangalan ko," pagpapatuloy niya kaya muli ko siyang tinitigan. "Mil ang pangalan mo 'di ba? Nang makita namin ni Vince ang pangalan mo sa list, akala namin lalaki ka." Matamis na ngumingiti'y napakamot siya ng batok.
He sounds very friendly. Wala pang limang minuto pero napagaan na niya agad ang loob ko. "Dahil sa pangalan ko, nagkamali ang management kaya nailagay ako rito. Nabayaran na 'yung tuiton fee ko at wala ng bakanteng room sa ibang boarding house. Kaya pasensiya na kung sakaling hindi kayo komportable."
Agad niyang iwinagayway ang mga kamay sa hangin. "Naku naku. Okay lang. It's fine with me naman eh. Sa tingin ko, okay lang kay Orij 'to. I am not sure if Vince is fine with this but..." Tumigil siya panandalian bago nagpatuloy, " 'Yung dalawang lalaki kasi na kasabay mong pumasok, bago lang din sila rito."
'Ang tinutukoy niya ay 'yung may sakit sa puso at 'yung nasupalpal ng brief kanina.'
"But if ever you need something, don't hesitate to ask me," pagbabago niya ng topic. Ngumiti kami sa isa't isa at parehong tumango.
"Okay. Thank you," tugon ko.
"Ahmm sige ha. Mukhang mag-aayos ka pa ng gamit," he chuckled while pointing those boxes inside my new room. "Alis na k-"
"Kim!" Bago pa man siya makaalis ay may biglang sumulpot at umakbay sa kaniya. "Ang bilis mong pumorma sa babae ah," pagbibiro nito.
This gentle guy named Kim suddenly blushed. "A-Anong bang sinasabi mo? Baliw. Wine-welcome ko lang siya."
Nakangisi ang masiyahing lalaki na ito nang ihagis ang mga mata sa aking gawi. "Hey. Wag ka masyadong magiging malapit sa lalaki na 'to," babala niya, sabay itinuro si Kim na nakakulong sa kaniyang braso. "Marupok 'to. Kapag pinagpakitaan mo ng kabaitan, naku sinasabi ko sayo, mapo-fall agad ang loko," he added.
Sumimangot si Kim at saka siya itinulak palayo. "Tumigil ka na Orij. Hindi nakakatawa." Nakita kong kinurot ni Kim sa tagiliran ang nang-aasar sa kaniya.
"Aray aray!" The silly guy winced. Pero matapos kurutin ang katabi ay ngumiti lang sa akin si Kim na parang walang nangyari.
"Huwag mo siyang intindihin. Baliw ang isang 'to," paliwanag ni Kim taglay ang 'di makatotohanang tawa
Actually, sa kanilang lima, itong lalaking may kulay asul na buhok ang gusto kong iwasan. Not because I hate him but I can't help but to feel embarrass after that fountain incident. Kaya nagmadali na kong nagpa-alam. "Sige ha. Mag-aayos na ko ng-"
This Orij placed his feet between the closing door. "Stop! Stop! Stop!" Pareho kami ni Kim na nagulat sa iginawi niya. "You greeted Kim in a nice way pero pagdating sa akin, sasaraduhan mo ko ng pinto? Hindi 'ata makatarungan 'yan," reklamo niya na naniningkit ang mata sa akin.
Imbes na ako, si Kim ang dumepensa. "Magkakilala kasi kami. Minsan na kaming nagkita noon."
Orij brushed his bangs, grinning. "Nandito 'rin ako dahil kilala ko siya." Then he looked at me. "Right? Kilala mo ko 'diba? Don't deny it." Matamis siyang ngumiti. Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Kim.
"Magkakilala kayo?" Kim asked.
Bilang sagot ay tumawa si Orij ng malakas. Namimilipit ito at halos mapapaupo na. "Sa tuwing naaalala ko 'yung dance step mo..." Then he gave me thumbs up. "Napapasaya mo ko dude."
Sabi ko na nga ba! Isa pang dahilan kung bakit ako nahihiya ay dahil iniisip ko na baka napanood niya ang pagsayaw ko sa harap ng cotton candy shop!
"Gusto ko sanang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin noon," pag-iiba ko ng usapan. "At humingi narin ng tawad dahil bigla nalang akong umalis ng panahon na iyon."
"Ano ba talagang nangyari?" pag-uusisa ni Kim. Umiling si Orij at tinapik ang balikat niya. "Wag mo ng alamin, mahabang istorya." Breathing for a second, he continued while looking back at me. "No worries. Pumunta talaga ako rito para sabihing natutuwa akong makita ka uli. Sinong mag-aakala na magiging mag-boardmates pala tayo? Amazing~"
Friendly naman pala siya. "Oo nga, nagulat rin ako," I chuckled.
"Teka. Hindi pa ko nagpapakilala. Ako nga pala si Or-" Nawala ang ngiti niya at sinapo ang bagang. "Ahhh," he winced in pain. "Sumasakit ang ngipin ko."
"Last week mo pa dinadaing yan ha. Tapos kumain kapa ng maraming cotton candy. Tsk tsk." Kim shook his head anc continued, "Magpatingin ka na sa dentista."
"Argh," ungol ni Orij na hindi nagustuhan ang suhestiyon ni Kim.
"Nakalimutan ko na may trauma ka nga pala sa dentista," ang sabi ni Kim bago siya tawanan nito.
Bago ako pumunta rito, nag-decide ako na mag-stay low. Pero kung magiging kaibigan ko ang dalawang ito, hindi na rin masama. Mukha naman silang mabait, matino at medyo may pagka-baliw.
Natapos akong mag-ayos ng gamit ng mga alas kwatro na ng hapon. To have some breathing, lumabas ako at naglibot libot around the boarding house. Ang nauna kong naisip na puntahan ay ang kusina. Nagugutom na kasi ako. Habang naglalakad ay nadaanan ko ang isang kwarto na nakabukas ng kaunti ang pinto. Sisilipin ko palang sana kung kaninong kwarto 'to ay may biglang lumabas mula rito. "Ay kabayo!" I gasped in surprised.
"Sinong nagbigay ng permiso na silipin mo ang kwarto ko?" ang masungit niyang tanong. He was that guy before. 'Yung gwapong tsinito na nag-park sa harap ng no parking sign. "Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Alis," pagtaboy niya sa akin. Nagsimula akong maglakad palayo.
'Sandali nga lang. Anong karapatan niya para ipagtabuyan ako? Why should I let him treat me this way?'