Nang makauwi na si Vince sa boarding house, pansamantala siyang napaisip kung sa boarding house nga ba talaga siya pumunta o sa theater club room. Kahindik-hindik na tanawin kasi ang kaniyang nadatanan sa pag-uwi! Nakita niyang naka-piluka si Kim at Orij ng buhok na pang-babae. Higit sa lahat, naka-make up pa ang mga ito at naka-damit pambabae! Sa sobrang gulat, muntik-muntikan mabato ni Vince ang kaniyang cellphone na hawak sa pagmumukha ng dalawa.
Buti na lamang ay nakapagpigil siya ay napasambit na lamang ng, "Anong kagag*han ‘to?” Marahas niyang tanong habang nakatayo malapit sa entrada.
Ang kauna-unahang sumagot sa kaniya ay si Orij. “Hi Vince! Magkukunwarian kaming babae ni Kim. Ang ganda ba namin?” Nagpa-pungay ng mata si Orij at nginuso nguso ang labi na may pulang lipstick.
Tahasan na iniling ni Vince ang ulo, 'di mawari ang ngisi na para bang sukang-suka sa nasasaksihan. Bihira siya magpakita ng emosyon. Pero kung ganito ba naman ang makikita mo, kahit siguro robot baka matutunang mawalan ng pasensiya.
"Hindi," Vince answered. "Mukha kayong kabayong dinamitan. Malayo pa ang Halloween ha. Anong trip niyo?”
Mukhang problemado at hiyang hiya, sumagot si Kim, “Hiniram ko sa theater club ang costume at piluka na ‘to. Argh, na-we-weirduhan ako.”
“May kutob ako na galing nga sa theater club ‘yan dahil nasa theater club ka. Pero ang tanong ko, para saan nga ito?” Vince pointed out.
Bilang sagot ay sabay na tinignan ni Kim at Orij si Mil, na siya namang panay ligpit sa paligid habang bitbit ang cellphone. “Vince andyan ka na pala!” Natatarantang bati ni Mil. Namumutla ito at hindi mapakali. “P-Pwede bang magtago ka muna?” she begged.
To guess what the hell is really happening, Vince began to put his brain into work.
‘Let’s see. #1, Pinagtatago niya ko. #2, nakadamit pang-babae ang dalawang higante. #3, natataranta si Mil. #4, siguro ay may darating na bisita. #5, at ang bisita ni Mil ay maaaring mga magulang niya. #6, baka naman hindi alam ng magulang niya na mga lalaki ang kasama niya sa boarding house,' his guesses are all right.
“Okay. I got it,” Vince said with a nod. Pagkatapos ay naglakad siya papaakyat ng hagdanan.
“Teka teka! Bakit si Vince hindi magkukunwaring babae! Unfair!” reklamo ni Orij.
“Hayaan mo na Orij. Dalawang piluka lang ang nahiram ko,” paliwanag ni Kim.
At kahit pilitin naman pilitin niya sila, wala pa sa 0.001 porsyento na mapapa 'oo' nila si Vince. 'Over my dead body,' ika-nga.
Pumunta si Vince sa 2nd floor. May puwesto roon na pwede niyang pagtaguan habang pinapanood ang nangyayari sa 1st floor. Ayaw niya sanang ubusin ang oras sa kalokohan ng tatlo pero mukhang exciting ang mangyayari kaya naisip niyang paglaanan ito ng panahon.
“Orij! Kim! Andyan na sila!” babala ni Mil matapos silipin ang bintana. Nagmadali naman ang dalawa na umupo sa sofa at magkunwaring mga bakla… no. MAGKUWANRING MGA BABAE.
“Hanggang saan kaya hahantong ang kalokohan na ‘to?” bulong ni Vince sa sarili sabay silip sa wrist watch. Kung papalarin sila sa acting skills ng dalawa, baka magtagumpay ang plano. Pero tinitiyak ni Vince na magiging malas ang lahat kapag umuwi na sila Greypi at Soju.
"Tiyak na magkakaroon disaster kapag nangyari ‘yon," Vince added while nodding his head.
------------------
Mil’s POV
Tuluyang nabalangko ang utak ko nang marinig kong dadalaw ang mga magulang ko rito sa boarding house. Ang tanging naisip ko nalang ay ang huwag mabuking na mga lalaki ang kasama ko iisang bahay. Bagama’t magagandang lalaki si Kim at Orij, kahit sino mahahalata na lalaki talaga sila. Kaya naman pinag-suot ko sila ng choker sa leeg para hindi makita ang mga Adam’s apple nila.
“K-Kamusta po?” nakangiting bati ko kina papa at mama nang makaupo na sila sa sofa. Sa kaba ay halos manlamig ang buo kong katawan.
Iginala nila papa at mama ang mga mata sa paligid. Parang lumaglag ang puso ko ng dumako ito sa direksyon ni Kim at Orij na kapwa nakaupo sa kabilang sofa. Kim is wearing pink shirt and hello kitty pajamas. Ang piluka niya ay itim na mahaba. Actually, ang ganda niya tignan as a girl. Wag lang siyang tatayo dahil sobra ang tangkad niya para sa babae.
Sa kabilang banda naman, malala ang ‘istura ni Orij. Kung hindi lang akong kinakabahan baka kanina pa ko mamatay-matay sa tawa. Masyado kasing manly ang mukha ni Orij para gawing babae. He is wearing a purple t-shirt and yellow pajamas. Tapos ang piluka niya ay bob cut hair na kulay dark-brown. Kahit ang weird ng ‘itsura niya, at least magaling siyang magboses babae, hindi kinakabahan at marunong um-acting. Unlike Kim na hindi alam kung di-dikwatro ba o bubukaka ng upo.
“Hello po! Nice to meet you. Kami po ang kasama ni Mil sa boarding house,” bati ni Orij gamit ang matinis na boses. May piltik pa ang mga kamay nito habang naka-dikwatro.
“Babae ba siya o bading?” narinig kong bulong ni mama kay papa.
“Ano ka ba honey? Babae ‘yan. Sa panahon natin, minsan mukha ng bading ‘yung mga babae dahil sa kapal ng make up,” sagot ni papa.
‘Mabuti nalang kinapalan ko ang make-up ni Orij.’
“Hello sa inyo. Nakakatuwa naman na mga babae pala ang kasama ni Mil dito,” bati ni mama sa dalawa. Bahagya namang nagkatinginan ang dalawa sabay tumawa ng mahinhin.
“Pero ma, pa, biglaan ang dalaw niyo. Sana man lang, nagpa-abiso kayo ng mas maaga,” pag-iiba ko ng usapan.
“May pinuntahan kami ng mama mo na malapit dito. Kaya naisip namin na dalawin ka dahil nami-miss ka narin namin,” ang sagot ni papa.
‘Akala ko, dahil malayo ang boarding house sa bahay, hindi darating ang panahon na dadalaw sila dito. Tsk.’
Ngumiti ako at sinabing, “Ang sweet naman po.” Pasimple akong tumingin sa relo. “Kaso ma, pa, medyo gabi narin oh. Mahaba haba pa ang biyahe.”
“Pinapaalis mo na ba kami nak?” Pagtatampo ni mama.
“Hindi po sa g-ganon,” I stuttered. “Nag-aalala lang po ako.”
“Anong pangalan mo iha?” pag-iiba ng usapan ni mama sabay hawak sa kamay ni Kim. Ito namang si Kim ay natigilan at namutla. Ilang beses siyang tumingin sa akin.
‘Kinakabahan ako sa isasagot niya!’
“K-Kimberly po,” nauutal at mahinang sagot ni Kim.
“Ako naman po si Orange Tea Caramel,” masayang pag-singit ni Orij na may pagtaas pa ng kamay. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buhok ng kili-kili niya! Mabilis kong binaba ang braso niya bago pa ito makita nila mama.
“Orateeca po ang tawag n-namin s-sa k-kaniya,” palusot ko habang hawak ang kamay ni Orij. Then he looked at me weirdly.
“Silang dalawa lang ang kasama mo rito?” tanong ni papa.
“L-Lima po sila,” I answered. “Kaso, busy po ang tatlo kaya bihira silang mag-stay sa bahay.”
“Mil, dapat gayahin mo sila Kimberly at Orateeca. Dalaga ka na kaya dapat palagi ka ring nag-aayos. Paano ka magkaka-boyfriend niyan kung mananatili kang ganyan?” Mom nagged. With that, panatag na ko na kumbisido sila mama na babae sila.
“Kahit naman po hindi siya nag-aayos, nagagandahan ako sa kaniya bilang lalaki,” ang sinabi ni Orij na nagpatigil ng pagtibok ng puso namin ni Kim. Marahan siyang tinignan ng mga magulang ko at doon niya siguro na-realize na may mali sa sinabi niya. “What I m-mean, f-feeling ko s-sa paningin ng l-lalaki c-cute naman siya kaya may magkakagusto r-rin po sa k-kaniya. Ha-ha-ha,” palusot ni Orij.
“Ah ganun ba,” mom and dad chuckled. Sabay sabay kaming tatlo na napabuntong hininga.
‘Pero aaminin ko na medyo nagulat at na-touch ako sa sinabi ni Orij kanina.’
“Osige nak. Alam namin na busy rin kayo at kailangan niyong ng sapat na tulog. Mauna na kami,” paalam ni mama na tumayo na.
“P-Pasensiya na po, hindi namin kayo napaghandaan ng miryenda,” paghingi ng tawad ni Kim.
“Okay lang,” sabi ni papa. “Hindi rin naman kami magtatagal. Ah nga pala, nilagay ko sa kusina ‘yung prutas na binili ko. Share it with the others, okay?”
“Opo pa. Salamat sa pagdalaw. Ingat po kayo sa pag-uw…”
“Nandito na ko! Oh? Anong meron?”
-----------
“Nandito na ko!” sigaw ni Soju na kadarating lang boarding house. Subalit ng makita ang mga magulang ni Mil pati na ang mag histura nila Orij at Kim ay kusa siyang napahinto sa paglalakad; sa gulat ay animo’y nakakita siya ng multo. “Oh? Anong meron?” he inquired.
Si Mil na promotor ng pangyayari ay nanlambot anupat hindi na ito nakaimik pa. Ilang beses na sumenyas si Orij mula sa likuran pero hindi ito maintindihan ni Soju. Si Kim naman ay namutla habang sinusuri ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Mil.
“Sino siya?” tanong ng papa ni Mil bago itinuro ang direksyon ni Soju.
Upon seeing Orij and Kim’s state, Soju burst out of laughing. Ni hindi na nga siya makahinga dahil sa sobrang pagtawa. “Hahaha! Anong nangyari sa in-” Di pa nakakayari sa sasabihin ay sinunggaban na siya ni Kim at tinakpan ang bibig.
“Honey! Nakapababaw talaga ng kaligayahan m-mo!” Ang sabi ni Kim sabay pumalupot sa braso ni Soju. Si Vince na nanonood mula sa taas ay nandiri sa nakita anupat muntik-muntikan ng masuka.
Tinanggal ni Soju ang pagkakatakip ng bibig. He looked at Kim with wide eyes, before it subsided. Medyo kinukutuban na siya sa pangyayari.
“S-Siya nga pala po ang b-boyfriend ko,” pagpapakilala ni Kim sa mga magulang ni Mil.
Sabay namang napatango ang mga magulang niya. “Ahhh, boyfriend. Akala ko nak, kasama mo siya sa boarding house. Kinabahan ako,” ang sabi ng nanay niya.
Gripping the situation, Soju smiled at them as he wrapped his arm around Kim’s shoulder. Ang weird sa couple na ‘to, mas matangkad pa ang babae kaysa sa lalaki. “Nice to meet you po. Ako po si Soju, ang baby ng cute giant bebe na ‘to,” pagpapakilala ni Soju sabay kurot sa pisngi ni Kim.
Ang nandidiring si Vince ay napapikit nalang. Si Orij naman ay napanganga. Gustong gusto na niyang tumawa pero pinipigilan niya ang sarili. Samantalang nabigyan naman ng pag-asa si Mil.
Subalit hindi pa man humuhupa ang sitwasyon ay may dumating na namang balakid.
“Oh sh-” singhap ni Greypi na muntik ng mapamura dahil sa kahindik-hindik na tanawin. Unlike Soju, alam nilang hindi mapapakiusapan ang tao na ‘to na sumakay sa gimik nila. Kaya bago pa man siya makapagdagdag ng salita ay agad na tumakbo si Orij papunta rito.
“Baby!” sigaw ni Orij sabay yakap kay Greypi na medyo mas matangkad kaysa sa kaniya. “Miss na miss na kita baby ko, bakit ngayon ka lang dumating?” Orij even pouted in front of him.
Greypi went red not because he is flattered. Bumuka ang bibig niya pero walang salita ang lumalabas. He is trembling while clenching his fists.
“Siya naman po ang boyfriend ko,” pagpapakilala ni Orij. Ngunit sa kaloob-looban niya ay natatakot siya sa maaaring gawin ni Greypi matapos ang palabas na ito.
“Mil, hindi ka ba naiinggit sa mga kasama mo? Lahat sila may boyfriend na,” panunukso ng mama ni Mil sa anak na tulala at hindi na ‘ata humihinga.
“Papatayin kita,” bulong ni Greypi na umagaw ng atensyon ng lahat. He glared down at Orij and said this while gritting his teeth, “Papatayin ki-”
Para tuluyang mapatahimik si Greypi ay ginawa na ni Orij ang natitirang weapon. Orij kissed his cheek!
‘Oh my gosh!’ sigaw ni Mil sa sarili.
‘Orij is doomed,’ Kim said to himself.
‘This is fun,’ Soju cheered inwardly.
‘Sigurado akong magkakaroon ng murder scene mamaya,’ Vince guessed.
‘Amen,’ Orij prayed for himself.
Dahil sa panandaliang pagkatulala ni Greypi ay nakaalis ng matiwasay ang mga magulang ni Mil. At nang makalabas na ito ng tuluyan…
“Papatayin kita!” sigaw ni Greypi na umalingawngaw sa paligid. Dali-dali namang tumakbo si Orij papalayo dito.
“Teka lang bro! Magpapaliwanag ako!” sigaw ni Orij. Tinanggal pa niya ang piluka at binato sa mukha ni Greypi na humahabol sa kaniya. Pero imbes na masapo ni Greypi ay saktong na-shoot ang piluka sa ulo niya na mas lalong nagpatindi ng kaniyang galit.
“Orij!” Greypi shouted again as he runs without removing the wig from his head.
“Hindi ko rin ginustong halikan ka!” reklamo ni Orij na panay punas sa labi habang tumatakbo. Ginawa pa nga niyang shield si Vince na nanahimik sa sulok.
Kahit pa medyo magulo ang pangyayari, nakatulong din siguro ito para mapalapit ang anim sa isa’t isa.