Para sa isang babae, ang aksidenteng makitang hubo’t hubad ng limang lalaki ay talaga namang… NAKAKA-TRAUMA.
“Sinusumpa ko, papatayin talaga kita!” ang ngawa ni Mil. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at umiiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod. Hindi niya maiwasang maluha dahil sa pagkahiya at sa pagkawindang sa nangyari kanina lamang.
Totoo na hindi naman talaga si Greypi ang bukod tanging may kasalanan sa nangyari. Sariling kapabayaan ni Mil na madulas at mahubadan ng bukod tanging suot na tuwalya. Ngunit, hindi parin maiwasan ni Mil na isisi ang lahat sa kaniya anupat mas lalong lumala ang pagkapoot niya rito.
Sa kabilang banda naman, si Greypi ay nakahiga sa kama at nakatalukbong. Pilit niyang tinatanggal sa isipan ang kagulat gulat na tanawing nasaksihan kanina lamang. Siya kasi ang uri ng lalaki na kahit marahas magsalita ay hindi pa nakapanood ng p**n ni minsan.
“Hindi ko naman kasalanan na nadulas siyang ha!” reklamo niya matapos tahasang bumangon mula sa pagkakahiga. Hinihingal pa ito at pulang-pula. Nang mai-kalma ang sarili ay hinilamusan niya ang mukha gamit ang kaniyang mga palad. “Sh*t,” utas nito. “Now how can I tell her that I am her childhood friend?”
Nang dahil sa insidenteng ito, nagdesisyon si Greypi na huwag munang sabihin kay Mil ang natuklasang katotohanan.
Ilang oras ang lumipas.
Nagutom si Mil kaya’t bumangon na ito. Halos kalahating araw rin kasi siyang nagkulong kaya’t natural lang na kumalam ang kaniyang sikmurang walang laman.
Marahan siyang binuksan ang pintuan at pinakiramdaman ang paligid. “Alas-dyis na ng gabi kaya malamang na nasa kaniya-kaniya na silang kwarto,” bulong ng dalaga sa sarili. Pagkatapos ay dahan dahan siyang lumabas. Patingkayad siyang naglakad upang hindi makalikha ng ingay.
“Nagugut-” Ang naputol na salita ni Orij nang lumabas siya mula sa kwarto na saktong dadaanan ni Mil. Napahinto ang dalawa sa paggalaw at nagkatinginan.
Si Orij na nakasuot ng puting sando at asul na short ay masayang ngumiti kay Mil. Alam niyang ang pagbubukas ng topic tungkol sa nangyari kanina ay hindi magandang ideya. “Mil, saan ka pupunta?”
Dahil sa ngiti at tanong niya, na-realize ni Mil na mas mabuti sigurong magkunwaring wala nalang nangyari. “Nagugutom kasi ako.”
“Ako rin!” ang pagsang-ayon ni Orij na may kasamang pag-taas ng kamay. “Plano ko sanang pumuntang convenience store at kumain ng ramen. Tara kain tayo. Libre ko.” At umakbay siya kay Mil.
Siguro nga ay nagiging komportable na si Mil kay Orij kaya’t sa tuwing aakbayan siya nito ay hinahayaan na lamang niya. Alam din naman kasi ng dalaga na talagang friendly lang si Orij.
“Hindi na. Magpi-prito nalang ako ng itlog,” pagtanggi ni Mil. Pero hindi ito pinahintulutan ni Orij at sapilitan siyang hinatak papalabas. “Magpasalamat ka nalang kapag may ganitong biyaya,” Orij chuckled as he pulled her.
Nang makarating sa pinaka malapit na convenience store ay masayang dinampot ni Orij ang dalawang instant cup ramen. Binayaran niya ito sa counter at saka nilagyan ng libreng mainit na tubig sa loob ng store. Doon na sila kumain sa loob dahil wala narin namang ibang customer.
“Orij, salamat dito ha,” ang sambit ni Mil bago humihigop ng mainit na sabaw.
“Sus, wala ‘yon. Simpleng bagay,” Orij spoke lovely with giggle.
“Oo nga pala, may itatanong ako,” pagsisimula ni Mil ng seryosong usapan. “Talaga bang mabait ka sa mga babae?” Biglang nasamid si Orij sa tanong niya kaya naman napahaplos si Mil at napatanong ng, “Okay ka lang? Tubig gusto mo?”
Umiling si Orij habang ilang beses na umubo. Nang makaraos sa pagkasamid ay natatawa siyang tumugon, “Bakit mo naman natanong ‘yan?”
“Noong unang pagkikita natin, niligtas mo ko sa fountain. Tapos, you warmly welcomed me in our boarding house. Palagi mo rin akong tinutulungan ng walang hinihinging kapalit. Katulad ngayon. Alam mong wala ako sa mood kaya dinala mo ko sa labas para kumain.”
Ang natatawang reaksyon ng kaniyang kausap ay napalitan ng matamis na ngiti. “Hindi ako mabait sa lahat ng babae,” sagot nito. “Kung tutuusin, mas malakas pa kong mang-asar kaysa kay Vince. Sadyang malakas lang ang impact ng una nating pagkikita kaya ganito ako makitungo sayo.”
“Noong niligtas mo ko sa fountain? Paanong impact?” This time, Mil chuckled.
Tuluyan ng naglaho ang ngiti sa mga labi ni Orij. “You reminded me of my ex-girlfriend.”
Biglang sumagi sa isipan ni Mil ang gabi kung kailan naglaro silang lima ng question and answer. Naalala niya na noong tanungin si Orij ng: “Can you tell us about your ex?” Hindi siya nakasagot noon. Sa halip ay nag-pass ito taglay ang malungkot na reaksyon. Naisip tuloy ni Mil na baka may masakit na ala-ala si Orij sa past lover niya.
‘Kung meron man, wala na siguro akong karapatan na mag-usisa pa,’ ang sabi ni Mil sa sarili.
Katulad ng palaging ginagawa ni Orij ay iniba ni Mil ang usapan. “Bilisan nating kumain. Mag-aalas-onse na oh.”
“Tama ka,” tugon ni Orij na napilitang ngumiti. At binilisan na nilang kumain. Habang nagmamadali ay may dumating na customer na nagpatigil sa kanilang dalawa.
“Oh? Eva,” ang bati ni Vince ng makita si Mil.
‘Eva?’ tanong ni Mil sa sarili. Panandalian siyang natigilan kung bakit siya tinawag ni Vince na Eva. Subalit nang maalala ang nakakahiyang nangyari sa kaniya ay naintindihan na niya ang dahilan.
“Pffft-” Di napigilang pagtawa ni Orij na may balak sanang pigilan si Vince pero hindi na niya nagawa. Si Mil naman na namula sa hiya ay nagtakip ng mukha. “Binabawi ko na nang sinabi kong mas malakas ako mang-asar kay Vince. Ibang level parin pala siya,” bulong ni Orij sa sarili.
“Kumakain kayo ng ramen ng kayong dalawa lang? Maduga,” reklamo ni Vince na naglakad papunta sa malaking fridge ng mga ice creams.
“Bibili ka rin ng ice cream para sa sarili mo eh,” Orij complained.
Nang makuha ang paboritong ice cream ay sumagot si Vince, “Kung gusto ni Eva ng ice cream, ililibre ko siya.” Tumingin siya kay Mil na kakababa palang ng mga kamay mula sa mukha, at saka siya ngumiti ng nakakaloko. “Gusto mo ng ice cream?”
“H-Hindi na,” pag-tanggi ni Mil na hanggang ngayon ay namumula.
“Hoy Vince, tigilan mo na nga siya sa pagtawag ng Eva,” pagbabawal ni Orij.
“Kunwari ka pa, natatawa ka rin naman,” seryosong sambit ni Vince na ngayo’y tumungo naman sa counter at binayaran ang ice cream.
Pinigil ni Orij ang tawa sa pamamagitan ng pagkagat ng madiin sa pang-ibabang labi. Sinilipan niya ng tingin si Mil na ngayo’y masama ang titig sa likuran ni Vince.
“Ano ba talagang nangyari kanina Mil?” tanong ni Vince. Somehow, Mil feels relieved that he finally called her real name. Binuksan nito ang ice cream cone at umupo sa tabi ni Orij.
Ayaw na sanang ungkatin ni Mil ang nakaraan pero mukha namang wala ng balak mang-asar ang dalawa. “Ewan ko. Katatapos ko lang kasi maligo t-tapos…” Hindi niya maipagpatuloy ang susunod na detalye kasi parang nakakaasiwang magkwento ng ganito sa mga lalaki kahit pa nakita na nila ang senaryo.
“Hindi mo na kailangang ikwento ng detelyado. Alam kong naaasiwa ka,” Vince said in serious tone. Licking his ice cream, he added, “Ang gusto ko lang malaman ay kung anong ginagawa ni %%y8…”
May dumaang motor na sobrang ingay kaya hindi narinig ni Mil ang binanggit na pangalan ni Vince. Pero kahit hindi narinig, alam niyang si Mr. Period ang tinutukoy nito.
“…sa tapat ng kwarto mo,” pagpapatuloy ni Vince. Si Orij na nasa gitna ay nagpapalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
“Hindi ako sigurado. Pero mukhang may sasabihin siya. Baka mang-aasar lang,” hinala ni Mil na bahagyang ngumuso.
Vince then shrugs his shoulder. “I don’t think so. Sa ugali niya, imposibleng magsayang siya ng oras para lang mang-asar. If it was Soju, maniniwala pa ko.”
“Oo nga no,” Orij agreed after some thinking. “Baka naman makikipagbati na siya sayo?”
“ ‘Yung sira ulong ‘yon makikipagbati?” Mil gasped. Halata sa mga mata nito ang galit na taglay para kay Greypi. “Imposible. Malaking IMPOSIBLE. Basta kung anuman ang dahilan niya, wala na kong pakielam.”
Kung alam lang sana ni Mil na magpapakilala si Greypi bilang kababata niya, malamang, ang malaking imposible ay magiging malaking PAG-SISISI.
----
Kim’s POV
Ang bilis ng araw. Kasisimula lang ng weekends noong nakaraan tapos ngayon Monday na at pauwi na ko sa boarding house. Parang kahapon lang noong nakita naming hubo si Mil at…
Ilang beses kong sinampal ang sarili. “Ano ka ba Kim? Hindi mo dapat iniisip ang bagay na ‘yon.”
Umiiling ay kinuha ko ang bike. While I am riding on my bicycle, my thoughts are bothered by that incident. Natatawa ako na naaawa para kay Mil. At the same time, I feel awkward. Kahit ano pang bait ko, lalaki parin ako kaya aaminin kong naapektuhan ang hormones ko.
Sakto naman, habang tinutungo daan pabalik sa boarding house ay nakita ko si Mil na naglalakad mag-isa. “Mil!” I called her. Tumigil siya sa paglalakad para tumingin sa akin. I stepped on the brake and stopped right beside her. “Uuwi ka na ba? Tara sabay ka na sakin,” pag-aya ko.
Hindi kaagad siya nakasagot. Siguro nahihiya parin siya sa amin, tutal, dalawang araw palang ang lumilipas matapos ang insidente. ‘Paano ko kaya mapaparamdam sa kaniya na hindi niya kailangang ma-i-lang sa akin?’
“Tungkol nga p-pala sa nangyari noong Sabado…” pasimula ko na agad niyang binara.
“Pwede bang huwag na nating pag-usapan ‘yan. Nawawala ako sa mood.”
Natameme ako sa sinabi niya. ‘Patay. Mas napalala pa ‘ata.’
“Pasensiya na. Sorry. Kasalanan ko,” I blurted.
“It’s okay.”
“No. Sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga nangyari.”
This time, Mil chuckled. “Weird. Palagi kang humihingi ng tawad sa mga bagay na hindi mo naman ginawa.”
‘Oo nga ‘no. Napansin ko rin na mahilig akong humingi ng tawad kahit sa mga bagay na walang kinalaman sa akin. Siguro iyon ang dahilan kung bakit nababanas sakin ang mga ex ko. I should change this attitude.’
“Pero mas cool ang mga tao mo na mapagpakumbaba. Bihira ‘yan,” Mil added with a smile.
Kasasabi ko lang na babaguhin ko ang attitude na ‘to. Pero dahil sa sinabi niya, she urged me to appreciate my own color. With that, I can’t help but to smile.
“Mabigat ako kaya bahala ka,” babala ni Mil bago umangkas sa likuran ng bike. M-Medyo mabigat nga siya.
“Kumapit ka ng mabuti,” paala-ala ko. Kumapit nga siya ng mabuti pero sa damit ko lang siya nakakapit. Then I stepped on my pedals.
‘Why do I feel sad about her holding my shirt? Gusto ko lang naman na kumapit siya sa balikat ko. Ahhhhh~ so iyon ang dahilan kung bakit ako nalulungkot. Kim naman. Hindi ka p*****t para ganito mag-isip. Kainis!’
“Hello Ma?” ang narinig ko na sabi ni Mil.
“Ha?” I asked. Lumingon ako panandalian habang nagba-bike at nakitang may kausap siya sa cellphone. Now she is only holding my shirt using one hand. ‘Delikado baka malaglag siya. Itigil ko nalang kaya?’
“ANO?!” sigaw ni Mil na nagpagulat sa akin anupat napilitan akong mag-preno. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakahinto ay aksidenteng napayakap si Mil sa akin mula sa likod.
‘What the hell. M-My heart is pounding too much. Ganitong scene ang nangyayari sa mga romance novels ha.’
Kinakabahan akong lumunok habang walang tigil sa pagkabog ang puso ko. Ang isang kamay ni Mil ay nakayakap parin sa akin kaya’t dahan dahan ko itong tinitigan. Subalit ang mala-romantic scene ay biglang napalitan ng action and thriller.
“Kim! Kim!” Sigaw ni Mil kasabay na sunod sunod na paghampas sa likuran ko.
“Aray! Bakit?” nagtataka kong tanong. Binalingan ko siya ng tingin at nakita ang nababalisa niyang mukha.
“Lagot na,” she mumbled. “Tumawag sila mama. Ang sabi nila, pupunta sila ngayon sa boarding house.”
“Ha? Bakit ka naman malalagot? Pwede namang tumanggap ng bisita sa boarding house natin.”
“Hindi iyon ang problema ko. Ano kasi… hindi alam ng mga magulang ko na puro lalaki ang kasama ko sa boarding house.”
“Ano?!”