Chapter 2

2406 Words
Human World Nagsimula nang lumubog ang araw. Ako'y kasalukuyang naglalakad pauwi galing sa unibersidad. Nakakapagod ang araw na ito. Gusto ko nang mahiga sa malabot kong kama. Ano kaya ang ulam namin mamaya? Nagugutom na ako. Natigil ako sa pag-iisip ng may maramdaman kong nakasunod at nagmamasid sa akin. Pa linga-linga ako sa aking likod at gilid kung meron ngang nakasunod sa akin. "Guni guni ko lang siguro iyon." I tried to convince myself that it was nothing at dala lang ito ng pagod sa mahabang klase namin kanina. Nag unat-unat ako nang kamay habang naglalakad. Pero napapansin ko talagang may nakasunod sa akin. Hindi naman ako matatakutin but I find it weird? Huminto ulit ako sa paglalakad at tumalikod. "Sino ka? Pag pakita ka!" Ngunit walang sumagot. Bago pa man ako tuluyang magpatuloy sa paglalakad, isang malamig na hangin ang dumapi sa aking balat. Muntik na akong mapalundag sa takot dahil may isang lalaking naka suot ng itim na balabal at hindi pinapakita ang kanyang mukha sa harapan ko ngayon. "S-sino k-ka? Saan ka nanggaling?" halos nanginginig aking aking boses habang tinatanong ang lalaking nasa harapan ko. "Paumanhin kung nabigla kita, Celes." What? He knows my name?! "Sino ka? Bakit alam mo ang pangalan ko?!" "You'll know it soon. I'm just here to see you." Magtatanong pa sana ako ng biglang naglaho ang lalaki sa harap ko. Nag laho ito na parang bula? Kumurap lang ako, nawala na? Weird. "Siguro nga'y pagod lang ako. Kung ano ano nalang nakikita ko. Buti nalang walang taong nakakita sakin at aka isipin pa nila na nasisiraan na ako ng bait." bulong ko sa sarili ko. Binilisan ko na ang aking paglalakad dahil dumidilm na at baka nag-aalala na sa akin sina Ina at Ama. Nakarating na ako sa bahay at agad naman akong sinalubong ng bati in Ina. "Mabuti at narito ka na, Celes. Mag palit ka na ng iyong damit at tayo'y kakain na." "Susunod ako, Ina." Habang nag aayos ako sa aking sarili upang bumaba na sa kusina kasama sina Ina, may napansin nanaman akong kakaiba. "Malamig ba? Bakit pakiramdam ko'y giniginaw ako? Maaga pa naman ah?" "Baka nasobrahan lang sa tubig." bulong ko sa aking sarili. I was about to reach for the doorknob nang biglang sumagi sa aking mga mata ang salamin ko na nariritp sa loob ng aking silid. Pakiramdam ko'y para akong tinatawag nito. I took a step in front of the big mirror. I looked closely for its details. Kakaiba. Pang karaniwan. Hindi ito tulad sa mga salamin na nakikita ko sa mall. Tatalikod na sana ako ng biglang may kumislap sa ibabaw ng salamin. Meron itong disenyo ba parang... "D-dragon?" utal ko. Kung kanina'y kumikislap lang ito, ngayon ay nagliwanag ito ng sandali ko itong hawakan. "What's with this mirror? Bakit tila'y kinikilabutan ako?" Tanong ko sa aking sarili na parang naghihintay ako ng sasagot sa akin. Hahawakan ko pa sana ulit ang salamin ng biglang kumatok si Ina sa aking silid. "Anak? Celes? Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag ngunit hindi ka sumasagot." "O-okay lang ako, Ina. Nakatulog po ako." Pagsisinungaling ko. "Oh sige, bilisan mo na riyan at bumaba ka na. Kanina pa kami naghihintay ng iyong Ama sa kusina. Sumunod ka kaagad, Celes." "Opo , Ina." Bago pa man ako tumalikod at lumabas sa aking silid ay tinignan ko ulit ang salamin na nasa harap ko ngayon. "Celes..." Nagsitayuan nanaman ang mga balahibo ko nang may marinig akong bulong galing sa salamin. Ngunit pinipiliy ko sa aking sarili na guni guni ko lang iyon dala ng pagod ko sa buong araw na klase. "Ina, yung salamin ko sa kwarto, saan niyo nabili iyon?" Tanong ko kay Ina at nagkatitigan lang sila ni Ama. "Bakit, Anak?" Tanong ni Ama. "Di ko po alam kung guni guni ko lang iyon pero nakita ko pong kumikislap ang disenyo sa salamin. Nang hawakan ko po ito, bigla nalang nagliwanag." Mahaba kong paliwanag. "Anak, malapit na ang iyong ika labing walong kaarawan." Pag-iiba ng usapan ni Ina. "Oo nga, Anak. Anong balak mo?" Tanong ni Ama. "Siguro po ay katulad din ng dati. Yung simple lang." Hindi na ako nag tanong pa tungkol sa salamin na nasa silid ko kaya kumain nalang ako hanggang sa matapos. Umakyat na ako sa silid upang magpahinga. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang kumatok si Ina. "Anak? Celes? Gising ka pa ba?" "Opo, Ina." "Papasok ako anak" Tatanungin ko na sana ulit si Ina tungkol sa salamin at parang nababasa niya ang akin mata kaya siya na ang nagsimula. "Anak, ang salamin na iyan ay hindi galing sa mundong ito." Panimula ni Ina. "Dahil ito'y galing sa ibang mundo." Pagpapatuloy ni Ama na nakapasok na pala sa silid ko. "Anong di galing sa mundong ito?" Tanong ko. "Mahabang istorya, Celes. Malalaman mo rin ang lahat sa takdang panahon." Sagot ni Ina "Matulog ka na, Celes. Maaga ka pa bukas at baka mahulo ka sa iyong klase." Wika ni Ama "Good night, Celes. Mahal ka namin ng iyong Ama." Humalik nang sabay sina Ina at Ama sa aking noo. "Good night po at mahal ko din kayo." Patapos na ang huli naming klase at kasalakuyan ako ngayong nakatanaw sa bintana. "Oy, Celes! Lalim ng iniisip natin ah." Pag pupukaw ng aking ulirat ni Alice. Si Alice ay matalik kong kaibigan simula pagkabata. In short, my childhood bestfriend. "Ano ba Alicia Natalie Gomez! Ginugulat mo naman ako." I rolled my eyes to her. "Hahahaha! Ang lalim kasi ng inisip mo Celesthy Montenegro. Ano bang inisip mo? In love ka ba?" Tanong nito habang tumatawa. "No! I'm not. Baka ikaw." "Oyyy ayaw aminin hahahahahaha. Sige, hindi kita pipilitin dahil alam kong malalaman ko rin kung sinong lalaki ang bumihag s puso mong parang bato hahahahahahhahaha." Tugon nito sa akin na tumatawa. Tumunog na ang bell at hudyat ng tapos na ang klase. "Anong oras na? Tumunog nanaman ang bell na di sumisipot si Sir Arellano." "Ayaw mo na nun, Celes? Wala tayong klase? Hahahahahaha." "Ikaw talaga, Alice. Lagi ka nalang ganyan." "Ano ka ba, Celes. Kanina pako uwing uwi. Gusto ko na matulog hays." "Oh sya, tara na nga, umuwi na tayo at nang makatulog kana." At sabay kaming nagtawanan ni Alice papalabas ng silid. "Bye, Celes! Kita nalang tayo bukas!" "Bukas? Hindi ba't Sabado bukas?" "Hala! Nakalimutan mo na bang kaarawan mo bukas, Celes? Oh my god!" Maarte nitong sabi. Tila nakalimutan ko talaga na kaarawan ko bukas. "Ah eh, Oo nga pala. Sige punta ka bukas sa bahay ha? Magtatampo ako kung wala ka." "Don't worry. I'll be there. Bye bye." "Bye bye." Kaway ko pabalik kay Alice. Nagising ako sa sinag ng araw na sumisilip na sa aking bintana. Anong oras na ba? Umaga na pala. Nakatulog nanaman akong hindi naghahapunan kagabi hays. "Maligayang kaarawan, Anak!" Bati sakin ni Ina at Ama. Hindi ko napansin na nakapasok pala sila sa silid ko. Naiwan ko nanamang naka bukas. "Blow your candle, Anak." Sabi ni Ama na may hawak na cake. "Mag wish ka muna, Celes." Wika ni Ina. Pumikit ako at binulong ko ang aking mga hiling sa aking isipin at kasabay nito ay hinipan ko na ang kandila. "Mag ayos ka na, Anak. Nasa baba si Alice at kanina ka pa hinihintay." "Opo. Susunod nalang po ako. Paki sabi po kay Alice na naliligo na ako hahahahahhaaha." Bakit kasi ang aga nanaman ni Alice? Binuksan ko ang aking cellphone para tignan kung anong oras naba. "Hala? Alas onse na pala?! Nakooo talagang nagsasalubong na ang kilay nito ni Alice hahahahahhahaha." Nag kumahog na ako sa pag-aayos para hindi na mainip si Alice kakahintay sa akin. I stood in front of my mirror and I look how my dress was. It's beautiful. Simple but elegant. "You looked beautiful in your dress, Celes" Isang tinig nanaman ang aking narinig. Boses lalaki at kaboses nito yung nakasalubong ko noong isang araw! "Where are you?! Magpakita ka!" "I'm sorry my dear but you can't see me. Ako lang ang nakakakita sayo ngayon." Tinignan ko ng mabuti ang salamin at kumikislap nanaman ang disenyo nitong dragon. Magsasalita pa sana ako ng tawagin na ako ni Ina. "Celes? Hindi ka pa ba tapos anak? Bilisan mo na riyan." "Opo, Ina. Saglit kang at bababa na rin po ako." Tatalikod na sana ako para kunin ang cellphone ko nang biglang nagsalita ulit ang tinig na naririnig ko. "Maligayang Kaarawan, mahal kong Celes." Lumingon ako ulit at binuksan ko na ang pinto upang lumabas. Halos sa loob ng byahe namin ni Alice ay hindi ako nagsasalita. Hanggang ngayon ay inisiip ko parin kung guni guni ko pa ba iyon o hindi na. "Hay nako, Celesthy. Snap the crap girl! You looked like you're daydreaming hahahhahahaha. Kanina pa kitang nakikitang tulala. Ni hindi ka nagsasalita simula noong umalis tayo sa inyo." "Hindi ko alam Alice kung guni guni ko lang ba iyon pero may naririnig talaga akong tinig ng isang lalaki. Para ako nitong tinatawag." "In love kana talaga siguro. Wag mo nalang muna isipin niya. Kaarawan mo ngayon di ba? Hindi ba't dapat ay masaya ka ngayon? Stop thinking about that. It will ruin your day." "Yeah, saan na ba tayo? Malapit na ba tayo?" "Malapit na tayo. Bilisan na natin para maka uwi na tayo pagkatapos nating mamili." "Happy 18th birthday, anak!" masiglang bati sakin ni Ina at Ama. "Nasa hustong gulang kana, Celes. Hindi kana bata." sabay pisil sa aking pisnge ni Ama. "Amaa, nakakahiya. Hindi na po ako bata." At sabay kaming nagtawanan lahat. Natapos na ang maliit naming salo-salo. Kasalakuyan kami ngayo'y nagliligpit at nag-aayos ng mga kubyertos. "Ina, may gusto sana akong itanong." Halos magkatitigan sina Ama at Ina. Napapansin ko na ito. Sa tuwing may gusto akong itanong sa kanila, para silang may iniiwasan? Siguro nga'y meron akong dapat na malaman. Since I was already 18 years old, I deserve to onow the truth kung meron man akong dapat malaman. "Siguro nga'y ito na ang tamang oras para sabihin sa iyo ang totoo." "Anong totoo?" natataranta kong tanong. "Anak--" Bago pa man maituloy ang sasabihin ni Ina ay may biglang kumalabog sa likuran ng aming bahay. "Theresa!" biglang sigaw ni Ama habang tumatakbo papalapit sa amin. "Anong nangyayari?!" tanong ni Ina. "Nilulusob na tayo ng mga kalaban! Dapat na nating patawirin si Celes sa totoo nitong mundo!" Hindi ko maintindihan sina Ina at Ama. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan! I was clueless. What is happening? "Celes, anak. Kailangan mo ng tumawid sa salamin na ito," paliwanag ng aking ina. "Ha? Pero salamin yan ina. Paano ako makakatawid jan? At anong nangyayari? Hindi ko maintindihan.." "Kailangan na siguro nating sabihin ang totoo kay Celes," biglang sabi ni ama. Anong totoo? May hindi ba ako nalalaman? Ano ba ang nangyayari? Kinakabahan ako sa mga posibleng masabi ni Ina. Halos marinig ko na ang sariling t***k ng puso ko. "Anong totoo, Ina? May dapat ba akong malaman?" tanong ko. "Celes, anak. Wag ka sanang mabibigla..." mas lalong bumilis ang pag t***k ng puso ko. "Anak, hindi ka namin tunay na anak. Ikaw ay isang anak ng maharlika sa isang kaharian.." halos matumba ako sa narinig ko. Nagpatuloy si ina sa kanyang sasabihin. "Sanggol ka palang noong idinala ka rito ng mga totoo mong mga magulang. Ibinilin ka nila samin ng ama mo dahil mapanganib sa mundo nyo sa mga oras na iyon. Isa ka sa mga taga pangalaga ng sinaunang dragon, Celes," paliwanag ni ina. A Dragon? Anong dragon? Kalokohan ito. Nahihibang na yata sina ama at ina dahil madaling araw na. Hindi ako umimik dahil hindi ma proseso sa utak ko ang mga paliwanag ni ina. "Celesthy, listen to your mother. She will tell you everything bago ka tumawid sa salamin," tugon ni ama. "Anak, do you still remember when we celebrate your eighteenth birthday? Diba may nasabi ka samin ng iyong ama na nakakarinig ka ng kung ano ano? Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kailangan mo nang bumalik sa totoo mong mundo," "Hindi ko alam kung maniniwala ka ba sa amin, Celes pero kailangan mo ng tumawid sa salamin. Hinihintay kana ng mga totoo mong mga magulang. Hinihintay nila ang pag dating ng isa sa itinakda ng propesiya..." dagdag ni ina. "Anong itinakda ng propesiya? Hindi ko na talaga maintindihan," halos mapiyok na ako sa pagkakasabi. Pero bago pa man tuluyang magsalita si Ina, isang malakas na pag sabog ang narinig naming tatlo at mas lalong nag kumahog na sila ina at ama na paalisin ako. "Theresa! Bilisan mo na! Kailangan na nating maitawid si Celes bago pa tayo maabutan ng mga kalaban!" sigaw ni Ama mula sa sala namin. "Anak, magtiwala ka sa amin ng ama mo. Para ito sa ikabubuti mo. Hindi ka tunay na Montenegro. Hindi Celesthy and tunay mong pangalan. Isa kang maharlika, isa kang anak ng Dyosa at Bampira. Ikaw ang nag iisang anak ni Reyna Cynera at Haring Theodore. Isa kang Verionne, Celes. You're a half goddess and a half vampire. Kaya ka pinadala sa mundo ng mga tao para proteksyunan ka dahil hindi kayo pwedeng mag sama ng isa pang itinakda dahil mas mararamdaman ng mga kalaban ang inyong presensya," mahabang paliwang ni ina. Pero bago pa man ako mag salita, bigla nalang akong itinulak ni Ina sa harap ng salamin. Huli na bago ko mapagtanto na nakikipaglaban na pala si Ama sa labas. "Inaaaa!" maluha luhang sigaw ko. "Wag kang mag alala sa amin, Celes. Magkikita rin tayo ulit. Palagi mong tatandaan ang mga bilin namin ng inyong Ama. Mahal na mahal kita, Celes. Mahal ka namin ng iyong Ama," maluhang sabi ni Ina. "Inaaa, a-ayokong iwan kayo ni Ama." "Anak, kailangan mo. Hinihintay ka nila. Hinihintay ka ng totoo mong mundo." "I-ina.. p-pero..." "Theresa! Bilisan mo na!" sigaw ni Ama habang nakikipaglaban. "Sinanay ka nami ng iyong Ama para mapaghandaan mo ang pagbabalik mo sa iyong totoong mundo." "I-ina... hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwanan kayo sa ganitong sitwasyon." tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. "Hanggang sa muli, Celes." Itinulak na ako ni Ina sa harapan ng salamin. Nanlalabo na ang panigin ko. Pero bago pa man ako mawalan ng malay, nakikita ko na si Ina na nakikipaglaban na rin kagaya ni Ama. At yun ang huling sandali bago paman tuluyang maglaho ang kanilang mga pigura sa paningin ko at tuluyan na ngang pumikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD