ANASTASIA'S POV: "Nay, Tay, na-nandito na po kayo? B-babalik na po ba kayo Nanay?" Naluluhang sambit ko. Sino ba naman ang hindi maiiyak, gayong nasa tabi ko na muli ang mahal kong mga magulang. "Anak huwag kang umiyak, magpakatatag ka Anastasia, hindi mo man kami nakikita at nakakasama—nandito lang kami ni Tatay." Lalo akong napahagulgol sa iyak lalo na ng yakapin ako ni Nanay. Sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil tawag-tawag ko pa ang kanilang pangalan ng ako'y buhat-buhat ni Rome upang dalhin ng hospital. "Akala ko hindi ko na kayo makikita pa Tatay, Nanay, miss na miss na namin kayo ni Vincent." Umiiyak na turan ko habang todo ako kung makakapit sa kanilang dalawa. "Namiss ka din namin anak' salamat at hindi mo pinapabayaan ang kapatid mo. Tasia' ang lahat ng paghihirap mo ay m

