Katatapos lamang nilang mag-usap ni Ethan sa telepono. Nasa loob siya ng kanyang opisina at nababagot na dahil magsa- sampong buwan na—wala pa ding development sa babaeng pinapahanap niya. "Damn! Hindi ako pwedeng mabigo! Iisang babae lang' iisang tao lang ang hinahanap ko bakit hirap na hirap ako?" Panay ang buga niya sa hangin habang lakad dito, lakad doon at pabalik-balik sa working table niya. Simula nawala ang kwintas niya at simula noong gabing iyon na nakuha niya ang kainosentihan ng babaeng nabili niya, hindi na natahimik pa ang isipan niya. "f**k! I have all the power, but why can't I find that one woman? Can you tell me why Phillip Dela Cuesta?" Naiiling-iling naman si Philip at natatawa na lamang sa hitsura ng kaibigan. Hanggang sa kapwa sila nagulat ng bigla na lamang b

