Pinili ni Gabriel na lumayo mula sa magulong siyudad ng Metro Manila, at para lumayo na din sa magulo at marahas na mundo na kanyang kinalakihan. Pinili niyang magpunta at magsimula ng panibagong buhay sa isang probinsya, malayo sa Maynila, malayo sa pamilya niya. Mula sa nabili niyang lupa sa Tuguegarao pinili niyang manirahan ng mag-isa. Noon pa man ay ito na ang pinangarap niyang gawing maging tahanan sana nila ni Aliyah, ngunit nawala ang lahat ng mga pangarap na iyon kasabay ng pagkawala ng babaeng mahal niya. Noong una, naging mahirap para sa kanya ang lahat—pero kinakaya niya para ipakita sa kanyang Ama na kayang-kaya niyang mabuhay ng wala sa piling nila. Noon pa man ay sadyang mahilig na siya sa mga manok panabong kaya naman naisipan niyang magpatayo ng farm mula sa nabili

