Papasok na sana si Doc. Ethan sa store ni Anastasia ng may mapansin siyang isang tao na kilalang-kilala niya. It was Gabriel Valderama—ang apo ng mga Valderama na isa sa mga mahigpit na kaaway ng pamilya Villarin. "Gabriel Valderama, what si he doing here?" Kunot-noong tanong niya. Mabuti na lamang at kaagad niya itong nakita dahil kung hindi may possibility na magpang-abot silang dalawa at baka kung ano pa ang mangyari. He used to know Gabriel very well. Galit na galit ito kay Augustus—at pati silang mga kaibigan niya ay damay-damay na din sa galit niya kay Augustus. Nanatili lamang siya sa isang tabi at nakatanaw sa bawat galaw ni Gabriel. Napapatiim bagang pa siya na pinagmamasdan sila ni Anastasia na masayang nag-uusap—lalo na noong dumating si baby Gidie na masayang nagpakarga

