"Eh, nasaan ang anak ko?" Dito nag-umpisa na siyang kabahan. Makulit, at sobrang likot pa naman ni Gideon, kaya minsan ay todo ang pagbabantay nila sa anak. "A-ate, si Gideon ba hanap mo?" Tanong naman ni Vincent. "Oo Ading, nakita mo ba ang pamangkin mo?" tanong niya sa kapatid. "O-opo Ate. Do-doon po siya sa gate. Ka-ka-usap niya Ta-tay niya." Nagulat pa silang lahat sa sinabing iyon ni Vincent. "Tatay?!" Halos sabay-sabay pa nilang saad lahat. "Sinong Tatay?" Nagtatakang tanong ng kanyang mga kaibigan. Hindi na sumagot si Tasia' bagkus ay tumakbo ito papunta sa manukan at kaagad na tinungo ang kanilang tarangkahan. "Sasama kami!" sigaw pa nila. "Huwag na girl's, dito na lang kayo. Sigurado naman nandiyan lang si Gidie, hindi na kayo nasanay sa batang makulit na iyon." Wika naman

