"Enna, what happened?" Humahangos na dumating si Doc. Ethan ng ibalita ni Enna na nawawala si baby Gidie. "Doc, naku doc. whoahh! Hihimatayin na talaga ako doc." Panay ang buga ni Enna sa hangin sabay napapapaypay pa sa kanyang mukha gamit ang palad niya. "Then where is he? Natawagan mo na ba si Anastasia? God! Saan nagpunta ang anak ko?" Nag-aalalang tanong niya. "Hmm? Anak?" Napapailing na lamang si Enna, "Isa rin ito eh' kung makaangkin ng anak, wagas! Walang ipinagkaiba kay Gabriel. Ishhh.. Parang bata lang eh, pinag-aagawan pa!" Pabulong na bigkas ni Enna. "Ah, eh, Doc, mabuti naman at dumating ka. Hindi ko na talaga alam ang gagawin, my gosh! Hihimatayin na talaga ako nito, doc, saluhin mo ako! " Nagkunwanri pa itong matutumba na, iyong tipong talagang nanghihina at nahihilo

