"Bye, little squeaky! Bye Nanay, magkikita pa tayo, pangako." Napalunok si Anastasia, muli siyang nakiramdam kung may nalalaman nga ang Augustus na ito tungkol sa kanya. "God, hindi pa ako handa na ipaliwanag kay Gideon ang lahat. Paano ko sasabihin sa kanya—na nandito na ang Tatay na hinahanap niya? God, anong gagawin ko?" Napapikit na usal niya sa kanyang sarili, ngunit ganoon na lamang siya napamulagat ng kanyang mga mata ng maramdaman niyang tila may mainit na dumampi sa kanyang pisngi. Ang marahas na lalakeng ito, ay bigla na lamang siyang hinalikan nito sa kanyang pisngi habang nakaharap ang si baby Gidie. Awang ang kanyang bibig, dahil hindi niya malaman kung ano ang kanyang mararamdaman. "Ang sabi ko, magpapaalam na ako Nanay." Mahinang bulong muli ni Augustus. Napalunok siya. N

