Chapter 5: “Taking A Step At A Time”
HINDI pa nakasasagot si Miracle kay December nang biglang umingay ang hallway, tanda na pabalik na sa classroom ang mga kaklase nila. Sabay silang napatingin ng babae roon at bago pa man makapasok ang mga ito sa loob ay naglakad na si Mira papunta sa kanyang upuan. Sumunod lang siya rito at umupo na rin sa tabi nito.
He purposely chose that chair, just to sit beside the girl. Hindi niya alam kung bakit nang makita niya itong muli ay may kakaiba siyang naramdaman sa kanyang puso. Siguro dahil magkatulad silang dalawa.
They were both scarred souls who are trying to live their lives in this cruel world.
Napatingin siya sa kanyang katabi. Ngayon lang niya napagtuunan nang pansin ang itsura nito. She has short brown hair and her face is small. And her eyes are so beautiful. It’s like a mirror—a reflection where he can see what she’s been thinking.
She’s cute in short, sagot ng kanyang utak. Hindi niya namalayan na napangiti na naman siya habang nakatingin dito at ang babae ay nanatili lang na nakayuko sa kanyang tabi.
Maya-maya ay dumating na ang mga kaibigan niya at pinuntahan siya sa kanyang upuan.
“Cem! Binilhan pala kita ng bread at milk para may makain ka,” ani Angge na iniangat ang dala-dalang pagkain at ipinakita sa kanya. “Hindi mo kasi inubos ang pagkain mo at sigurado ako na magugutom ka mamaya sa klase.”
Napangiti siya rito. “Thank you.”
Maalalahanin talaga si Angge. Para sa kanya ay ito ang pinaka-caring sa kanilang grupo. Lagi siya nitong inaalala at tinutulungan kapag kailangan niya. Kabisado na rin nito ang ugali niya. Alam na alam nito na magugutom siya mamaya sa klase.
“Alalang-alala iyan si Angge sa iyo. Bigla ka kasing umalis nang hindi inuubos ang kinakain mo,” saad ni JR.
“Oo nga. Bakit ka ba kasi biglang bumalik dito sa classroom?” usisa ni Steven. “Ano ba iyong sinasabi mo na kailangan mong gawin?”
“Uhm, may kinailangan lang akong ayusin kanina at okay na ngayon,” sagot niya.
Ang tinutukoy niya ay ang paghingi niya nang paumahin kay Miracle kanina pero hindi na niya iyon in-explain pa sa kanila. Ayaw niya na usisain pa siya ng mga kaibigan tungkol sa babae dahil baka lalo lamang maging mailap ito sa kanila.
Hangga’t maaari kasi ay iniiwasan niya na mailagay sa awkward na sitwasyon si Mira, gayong alam na niya na hindi ito sanay nang may kumakausap rito o mabigyan ito ng atensiyon ng maraming tao. Habang hindi pa ito open to talk with them, he wants to give the girl the space she wants.
And he is willing to wait for her to slowly open her heart for them by taking one step at a time.
---
BUMALIK lang ang tatlong kaibigan ni December sa kanilang mga upuan nang dumating na ang kanilang guro kaya natahimik na rin ang paligid ni Mira.
Napasilip tuloy siya sa lalaki na nasa kanyang kanan. Sinusubukan niya na hindi mahalata nito ang pagtingin niya. Pinagmasdan niya ito. Kahit na seryoso itong nakikinig sa kanilang guro ay nandoon pa rin ang positive vibes na mararamdaman sa lalaki.
Hindi na nito kailangan pang ngumiti para pagandahin ang mood ng sinumang makakikita rito. Just by looking at him, she can feel at ease. Iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Miracle nang bumaling ang mga tingin ng lalaki sa kanya. Nagtama tuloy ang kanilang mga mata na hindi niya napaghandaan. Ngumiti lang sa kanya ang lalaki. The smile that warms her. Dagli siyang nag-iwas ng tingin mula rito at yumuko.
She can feel both of her cheeks burning up because of the embarrassment. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Her heart starts to beat rapidly.
Ano ang gagawin ko? Nahuli siya ng lalaki na nakatingin at pinagmamasdan ito.
Pinilit niyang iwaksi sa isipan ang pagkapahiya at kinuha na lang ang kanyang aklat sa bag niya. Binuksan niya iyon at itinuon ang atensiyon sa harapan para makinig. Para makalimutan niya na ang nangyari.
“Class, I want you to open your books at page twelve,” ani ng kanilang guro. Her teacher saved her in that awkward moment and she is thankful. “Iyong tatawagin ko ang magbabasa, okay?” dugtong nito at kinuha ang mga papel na nasa ibabaw ng table nito kung nasaan nakasulat ang mga pangalan ng buong klase.
Kinakabahan si Mira dahil baka isa siya sa matawag. Ang pagsasalita pa naman ang weakness niya. Magpakilala nga lang kanina sa buong klase ay hirap na hirap siyang gawin. Iyon pa kayang magbasa ng buong paragraph.
“Okay, let’s have Mir—”
Hindi natuloy ang sasabihin ng kanilang guro nang biglang magtaas ng kamay si December at magsalita. “Ma’am, can I read it?” tanong nito.
“Oh. Okay, sure.”
Tumayo na ang lalaki at saka kinuha ang kanyang book sa ibabaw ng desk nito at nagsimula nang magbasa.
Mira can’t help but feel that December did it for her. Napailing-iling tuloy siya. She’s trying to convince herself that it’s not for her. Baka iniisip lang din nito ang ibang mga kaklase nila na nahihiyang magsalita sa harapan ng buong klase katulad niya.
Hindi niya ugaling mag-feeling kaya inalis niya iyon sa kanyang isipan. Nakinig na lang siya sa lalaki habang nagbabasa ito. Nakatingin ang lahat dito pero hindi man lang ito kakikitaan ng kaba o hiya sa mukha. He’s confident and cool.
Even his voice is so refreshing. Ang sarap pakinggan no’n ng paulit-ulit.
Bumalik sa kanyang ala-ala ang naging usapan ng mga kaibigan nito at hindi niya maalis sa kanyang sarili na isiping siya ang dahilan kung bakit hindi nito tinapos ang pagkain at bumalik agad ang lalaki sa kanilang classroom. Nakaramdam tuloy siya ng guilt dahil doon.
Dahil lamang sa hindi niya pagsagot ng note nito ay tila ba inisip iyon ng lalaki. She can still remember those exact words he said earlier when he was apologizing to her. Damang-dama niya ang sinseridad mula rito.
Humingi ito nang paumnahin sa isang bagay na hindi naman nito kailangang ihingi ng tawad. It’s her fault after all. Siya itong in-ignore ang kabaitan ng lalaki pero ito pa rin ang unang lumapit sa kanya.
He is really generous, bulong ng kanyang utak.
Noon lang napansin ni Mira na natigil siya sa kanyang pag-iisip ng kung ano-ano. Simula nga nang magkausap sila ng lalaki kanina ay hindi na masyadong magulo ang utak niya. Hindi pa rin kasi mawala sa kanya ang pag-iisip nang matindi. Pero tila ba nagawa siyang tulungan ng lalaki na pakalmahin ang isip niya.
Kinuha ni Mira ang isang pad na papel sa kanyang bag. Nagsulat siya roon ng gusto niyang sabihin dito. Nang matapos na magbasa at magkaupo na ang lalaki ay inilagay niya sa ibabaw ng desk ng kanyang katabi ang papel.
Nagulat man ay kinuha iyon ni December at binasa ang note niya.
Thank you for staying with me here in the classroom earlier.
Hindi man siya nakatingin sa lalaki ay nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagngiti nito. Maya-maya ay lumingon ito sa direksiyon niya at ibinalik na ang note na may sagot na nito sa kanya.
Thank you for allowing me to talk with you.
Kahit pa nahihiya at kinakabahan pa rin siya ng bahagya kapag kaharap si December; she somehow feels comfortable around him. And it’s been too long since she felt like that.
Once again, she felt comforted. She felt understood by him, just like how he did before.