Chapter 6

2256 Words
Chapter 6: “It’s Okay To Feel That Way”   NANG makauwi si Mira ay sinalubong siya ng kanyang ina sa sala na nakasuot pa ng apron. Nagulat siya dahil hindi pa naman oras ng pag-uwi nito ng mga sandaling iyon pero nandoon na ito sa kanilang bahay. “Welcome home, anak!” masayang bati nito sa kanya at niyakap siya. Kamukha niya raw ang mama niya. Parehas silang maikli ang buhok at may maliit na mukha. At kahit na may edad na ang babae ay maganda at sexy pa rin ito. “Hi, Mama! Ang aga mo po ata na umuwi ngayon? May okasyon po ba?” takang tanong niya at ginantihan din ito nang mahigpit na yakap. “Nag-undertime ako dahil gusto kong i-celebrate natin ang pagbabalik mo sa pagpasok sa school,” sagot nito at iginiya siya sa kanilang kusina para ipakita ang surpresa nito sa kanya. “Tanan! Pinaghanda kita ng favorite mong Carbonara at Mango Cake!” “Wow!” Napangiti siya nang makita ang mga pagkaing inihanda nito. May roasted chicken at avocado shake pa sila na tila ba isang special dinner date iyon para sa kanilang dalawa. “Thank you, Mama!” Masigla niyang niyakap muli ito. The best talaga ang kanyang ina sa pag-aalaga sa kanya. Even though she didn’t have a father beside her, God gave her the best mom she could ever ask. “Anything for my baby girl!” Yumakap rin ito sa kanya at hinalikan pa siya kanyang noo. Silang dalawa lang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay simula nang ipinanganak siya nito. Iniwan at hindi pinanagutan ito ng long-time boyfriend nito nang malamang ipinagbubuntis siya ng kanyang ina noon. Nag-vanish ang walang kuwentang lalaki nang parang isang bula sa buhay ng kanyang ina nang malaman na magiging dalawa na sila. Pero kahit ganoon ay hindi naramdaman ni Mira na may kulang sa kanya. Her mother makes sure that she will feel all the love and support she needed as she grew up. Malaki ang pagpapasalamat niya rito dahil kahit na isa itong single mom ay hindi siya nito pinabayaan. Busog na busog siya sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya mula noon hanggang ngayon. Hindi rin siya nito sinukuan sa mga panahong siya mismo ay sumuko na sa kanyang buhay. Isa rin ito sa main reasons kung bakit hindi niya itinuloy ang pagtatangkang tapusin na ang paghihirap niya noon. Alam niya na hindi kakayanin ng mama niya kapag nawala siya lalo na sa ganoong klaseng paraan. And Cem made her realized it back then. She makes sure that her mom will not worry too much about her again. Ayaw na niyang makita itong umiiyak sa araw-araw dahil wala siyang ganang kumain at pinili na lang na magkulong sa kuwarto noon for a year since Naya died. Kaya nga simula noon ay pinilit niya na labanan at maka-survive sa nararanasan niyang depression. It was a hard fight pero napaglaban niya. Para sa kanyang mama, para kay Naya, para sa taong sumagip sa kanya na si Cem, at para na rin sa kanyang sarili. “Magpalit ka na muna roon ng damit para naman makakain na tayo. Ihahanda ko lang ang mga plato natin,” ani ng mama niya. Tumango naman siya rito at umakyat na sa kanyang kuwarto na nasa second floor ng kanilang bahay para magpalit ng damit. Sa isang two-storey small house sila nakatira pero dahil sa dalawa lamang sila na naninirahan doon ay malaki na iyon para sa kanila. Mayroon iyong dalawang kuwarto at veranda sa itaas. Mayroon ding maliit na garahe sa ibaba. Pundar yon ng kanyang ina sa pagtatrabaho as an Accounting Manager sa isang Construction Company. Despite being a career woman, she still manages to be a full-time mother to her and that’s what Mira admires about her mom. She’s a real-life superwoman for her. Nang makapagpalit na siya ng kanyang damit ay agad siyang bumaba para bumalik sa kusina. Nakaupo na roon ang kanyang mama na naghihintay sa kanya. “Let’s go na,” aya ng kanyang ina. Umupo naman siya agad sa tabi nito. “First, let’s pray for the food.” Mira just nodded and started praying. Nang matapos na sila sa pagpapasalamat para sa mga pagkaing nasa kanilang harapan ay pinaglagay na siya ng kanyang ina ng kanin sa plato niya. “You have to eat a lot dahil sigurado akong napagod ka sa school kanina. Marami naman itong inuluto ko para sa iyo.” “Hindi naman po ako gaanong napagod, Ma,” sagot niya habang kinukuha naman ng ulam ang ina para ibigay rito. “Uhm. So… how’s the first day of your school? Did you like it there?” tanong nito. Halata sa mama niya na unti-unti nitong tinatanong ang nararamdaman niya sa pagpasok sa school. Sigurado siya na nag-aalala ito kung inatake siya ng anxiety kanina. The last time she went to a school was two years ago when she saw her best friend’s lifeless body from their school building’s rooftop. That incident also caused her to have a fear of heights. The scariest moment of her life that she wanted to forget, but she couldn’t. “Okay naman, Ma. Nakaya ko po ang umakyat sa school building namin without having an anxiety attack. I managed to calm myself down po,” sagot niya at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. “That’s good to hear, anak. Hindi na ako masyadong mag-aalala pa sa iyo every time na papasok ka.” “Ma, huwag na po kayo mag-alala sa akin. Mas okay na po ako ngayon kaya magiging maayos po ako,” paniniyak niya rito kahit na iba ang sinasabi ng kanyang utak. From time to time ay nakakaramdam pa rin siya ng sobrang kalungkutan kapag naaalala niya si Naya pero hindi na katulad noon. Hindi na kagaya ng dati na halos hilingin na lang niya sa Diyos na mawala na lang siya sa mundo para matigil na ang sakit na nararamdaman niya. Noon kasi ay talagang wala siyang will na magpatuloy o gawin muli ang mga bagay na gusto niyang gawin. She lost interest in everything and wanted to shut herself from anyone, even her loved ones. But she could say that she’s better now than before. Kahit na hindi pa rin nawawala ang matinding pag-iisip niya ay alam niya na nalabanan na niya iyon ngayon nang paunti-unti. “How about your classmates?” tanong nitong muli. “Hmm… mababait ba sila?” Matagal bago siya sumagot. Ayaw man niya na pag-alalahin ang ina pero nangako siya rito na sasabihin niya ang tunay niyang nararamdaman dito kung kinakailangan. They never hide anything from each other. Open sila sa mga ideya, opinyon, at feelings nila. “Mukha naman pong mababait sila,” sagot niya, “pero hindi pa rin po ako komportable sa maraming tao kaya tahimik lang po ako.” “Noon pa man talaga ay tahimik ka na pero siguro kapag nagtagal-tagal ay masasanay ka na rin sa kanila. I hope you can find some friends there.” Napatigil siya sa narinig. Gusto rin naman niyang mawala na ang fear at ma-overcome ang anxiety niya nang tuluyan sa pamamagitan ng pagharap no’n. Ang hindi palang talaga niya kaya sa ngayon ay ang i-open up muli ang sarili na makipagkaibigan sa iba. She’s still afraid of that. “But it’s okay if you haven’t found one yet or you still don’t want to…” Napatingin siya sa kanyang ina nang sabihin nito iyon. Iniabot nito ang kamay niyang nasa ibabaw ng table at marahang pinisil iyon. “Huwag mo pilitin ang sarili mo.” “Ma…” Kitang-kita niya ang concern sa mga mata ng ina. “I’m sorry for bringing it up.” Umiling-iling siya. “Okay lang po, Ma.” Ngumiti ito sa kanya. “Bilisan mo na riyan at kakainin po itong special Carbonara ko at Mango Cake.” Ngumiti rin siya sa ina at tumango rito. “Ang sarap po talaga ng roasted chicken ninyo, hindi pa rin nakasasawa.” “Sus! Binola mo pa ako.” Nagtawanan silang dalawa. --- NAGHAHANDA na si Mira para matulog nang bigla ay napatingin siya sa kanyang drawer. Binuksan niya iyon at nakita ang isang kahon kung saan nakalagay ang mga importanteng bagay na iniingatan niya. Binuksan niya ang kahon at bumungad sa kanya ang photo album nila ni Naya. Umupo siya sa gilid ng kanyang kama at ibinaba ang hawak na kahon para tingnan ang photo album na iyon. Ang unang page ay may nakalagay pang dedication from her best friend. To my dearest twin sister, This is for you. We may not be connected by blood, but our hearts bound us. I love you, Twinnie. Naalala pa niya noon na excited na excited itong ipakita ang photo album dahil ginawa nito iyon para sa kanya. Sa kanilang dalawa kasi ay ito rin ang artistic. Pinag-effort-an nitong lagyan ng design ang bawat photos nila roon with messages and captions about their memories. A smile escaped her lips when she saw their pictures together, but at the same time, tears started to form in her eyes. Bago pa man tuluyang maiyak ay isinara na niya ang photo album. Hindi pa pala niya kayang tingnan iyon lahat. She managed to stop herself from being too emotional and took a deep breath. Nagawi naman ang tingin niya sa isang maliit at mahabang lagayan nang ibinalik na niya ang photo album sa kahon. Kinuha niya iyon at binuksan. It’s the knife that December gave her before. Hindi niya alam na naitago pa pala niya iyon doon. It’s also memorable for her. Napatigil si Mira sa ginagawa nang marinig ang katok ng kanyang ina mula sa pinto ng kuwarto niya. “Anak, puwede bang pumasok?” Inayos ni Mira ang kahon at ibinalik iyon sa kanyang drawer. Pumunta siya sa may pintuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang may edad na babae na may dala-dalang gatas para sa kanya. “Thank you, Ma,” ani niya rito. “Welcome, anak. Matutulog ka na ba?” Umiling siya. “Puwede po ba na dito po muna kayo?” tanong niya. Napangiti naman ito. “Oh, sure! Para sa baby ko.” Pumasok na ito sa loob at humiga sa kama niya. Habang siya ay umupo sa may study table niya at ininom ang gatas na itinimpla nito. “Ma…” “Yes?” “Do you still remember when I told you about the guy who saved me before?” “Who?” balik na tanong nito. “The guy who gave you the knife?” Tumango lang siya at muling humigop sa kanyang iniinom. “Nakita ko po siya ulit,” ani niya. “Talaga?” gulat na gulat na tanong nito. Napabangon pa ang kanyang ina mula sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kanyang kama. Humarap siya rito at ngumiti. “Yes po. Doon din po siya nag-aaral at magkaklase pa po kami.” “Oh! That’s nice!” masiglang bulalas nito. “Nakilala ka ba niya? Nakausap mo ba siya?” sunud-sunod na tanong nito na parang isang teenager na excited sa chika. Tumango siya. “Nakilala po niya ako. He talked with me and saved me again… many times.” Bakas sa mukha ng kanyang ina ang saya. Sigurado siyang hindi siya titigilan nito hanggang sa hindi niya naikukuwento ang buong storya. Halos magkaugali sila ng kanyang ina pero ang pagiging madaldal at lively nito ang hindi niya nakuha. “What’s his name?” “December po.” “Ang ganda ng pangalan niya, anak.” “Bagay na bagay po iyon sa kanya,” tugon ko. “He’s pretty popular at school. Marami po siyang kaibigan. He’s cool and confident. He’s kind and generous, too.” Parang katulad ito ng best friend niya. Napatigil siya nang ma-realize ang mga sinabi niyang iyon sa kaharap. “I want to meet him.” “Ma!” “Bakit? Gusto ko lang naman makita kung ano ang itsura niya. Na-curious kasi ako kung sino ba ang lalaking crush ng anak ko,” asar nito. “Ma, naman! Wala po akong sinabi na crush ko siya.” “Miracle and December!” saad nito na tumingala pa sa taas. “Bagay na bagay kayo.” “Ma!” Tawang-tawa na tumayo ang kanyang ina mula sa kanyang higaan at lumapit sa kinauupuan niya. “I’m happy to know that there’s someone whom you want to talk with, Mira.” “H-Hindi ko rin po iyon sinabi…” “But I can feel it,” sagot nito at ginulo ang buhok niya. “I can feel it the way you talk about him. You are happy and it’s okay.” Napatigil siya. Naramdaman din kaya ng kanyang ina na pinipigilan niya ang sarili na maging masaya sa presensiya ng lalaki? “It’s okay to feel that way,” dugtong nito bago siya halikan sa kanyang ulo. “Good night, baby. Matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas.” “G-Good night, Ma.” Is it really okay to feel this way towards him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD