Chapter 7

2200 Words
Chapter 7: “No One Really Wants To Be Alone”   THE NEXT day ay muling inihatid si Mira ng kanyang ina sa school bago ito pumasok sa trabaho. Ayaw pa rin nitong payagan siya na mag-bus na lang papasok ng school. “Ma, baka ma-late na po kayo,” ani niya sa katabi. “That’s okay. Importante ang trabaho ko pero mas importante ka pa rin sa akin. Nag-inform naman ako sa head ko na male-late ako.” “Thanks po, Ma, sa lahat ng sacrifices mo para sa akin.” Nakita niya ang pagngiti nito. “Siyempre, anak kita. Ang mahalaga sa akin ay maging maayos ang kalagayan mo kasi mahal kita.” “Same, Ma. Mahal na mahal din po kita,” sagot niya rito. Hindi siya magsasawang sabihin dito kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng ginagawa nito para sa kanya at kung gaano niya ito kamahal. “Tama na nga at baka magka-iyakan pa tayo rito,” saad nito. Napatawa tuloy siya. “Dito na lang po ako sa labas ng gate, Ma.” “Ayaw mo ba na ihatid pa kita sa loob?” Umiling siya. “Hindi na po kailangan. Kaya ko na po.” Kagaya nang sinabi niya ay inihinto nga nito ang kanilang sasakyan sa gilid ng school malapit sa gate. Agad naman niyang kinuha ang kanyang bag sa likurang upuan at inayos ang kanyang damit. “Call me if you need me, okay?” Tumango siya. “Yes, Ma. Thank you po. Mag-iingat ka po sa pagpasok.” Lumapit siya sa babae at niyakap ito. Yumakap din ito sa kanya. Humalik siya sa pisngi nito bago niya binuksan ang pinto at bumaba sa sasakyan. “Bye, Ma.” “Bye!” paalam nito na kumaway pa sa kanya habang nakasilip sa may bintana. Kumaway rin siya sa babae bago tumalikod at nagsimula nang maglakad papunta sa gate. Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang may lumapit sa kanya. “Good morning, Mira!” masiglang bati ni December na ngiting-ngiti sa kanya. Hindi siya agad nakapagreak dahil sa gulat nang makita ito. His smile is so bright, just like how bright the sun shines that morning. He literally gives off a positive vibe that can improve someone’s mood when you look at him. Nabalik na lang si Mira sa kanyang diwa nang biglang bumusina ang Mama niya. Ang akala niya ay nakaalis na ito pero tila na-witness pa nito ang pagtulala niya sa harapan ni Cem. “Bye, Ma!” sigaw niya rito at kumaway na sa babae pero tila wala pa itong balak na umalis dahil ibinaba pa nitong muli ang bintana ng sasakyan. “Oh. Is that your mom?” tanong nito sabay turo sa kanyang likuran. Tumango lang siya at nahihiyang yumuko. Nahihiya siya sa iisipin nito na para siyang bata na inihahatid pa sa school ng kanyang ina. “She’s a great mom,” saad nito. “H-Ha?” Ngumiti lang sa kanya si Cem at lumapit sa may sasakyan. Napasunod tuloy siya sa lalaki. “Magandang umaga po,” bati ni Cem sa kanyang ina na bahagya pang iniyuko ang kanyang ulo para makita ito ng babae. “Ako po pala si Cem, Classmate po ako ni Mira.” “Good morning, Hijo. It’s nice to meet you,” masayang bati ng Mama niya. “It’s nice to meet you rin po. Mag-iingat po kayo.” “Thank you, Hijo. Ikaw muna ang bahala kay Mira, ha? Mahiyain kasi ang anak ko,” saad nito. “Ma…” reklamo niya rito pero kumindat lang ang babae sa kanya. “I’ll go ahead na. Galingan ninyong dalawa sa klase.” Ngumiti ang lalaki na nasa tabi niya. “Sige po, Ma’am. Huwag na po kayo mag-aalala kay Mira, tutulungan ko po siya sa abot ng makakaya ko.” “Thank you. Ciao!” paalam ng may edad na babae na may ngiti sa labi. Pinaandar na nito ang sasakyan at umalis na. Naiwan na tuloy silang dalawa roon sa labas ng gate at hindi malaman ni Mira ang sasabihin sa katabi. “Your mother is so cool,” basag ni Cem sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. “Let’s go inside.” Ngumiti ito sa kanya bago naglakad papasok sa gate. Hindi na siya nagsalita at sumunod na lang sa lalaki. Mabagal lang ang paglalakad nito na para bang sumasabay ito sa kanya. Mas binagalan din ni Mira ang lakad niya para hindi sila magsabay nito. Nahihiya pa rin siya rito. Nahihiya rin siya na makita ng mga estudiyante na nandoon na kasama siya ito. Lalo na at kilala ang lalaki roon. “Cem!” Sabay silang napatingin ng lalaki sa tumawag dito. Iyon ang babaeng kaibigan nito. Kung hindi siya nagkakamali ay Angge ang pangalan no’n. Kasama nito ang dalawa pang kaibigang lalaki na mga classmate rin nila. Dahil sa hiya ay awtomatikong napalayo si Mira sa katabi. Napahawak siya nang mahigpit sa kanyang bag. Balak na niyang mauna rito dahil nandiyan na ang mga kasama ng lalaki pero iniisip niya kung kailangan ba niyang magpaalam pa rito o hindi na. Nang malapit na ang tatlo sa kinaroroonan nilang dalawa ay agad siyang naglakad palayo kay December. Hindi naman siguro siya hahanapin nito kaya napagdesisyunan na niyang umalis na roon. Huminga muna siya nang malalim bago umakyat ng building nila. Hindi naman iyon ganoon kataas pero nararamdaman pa rin niya ang kaba sa kanyang dibdib. You will be fine, Mira. You will be fine, pag-cheer niya sa kanyang sarili sabay tapik sa kanyang balikat at inihakbang na ang mga paa paakyat ng hagdan. --- HINDI namalayan ni December ang pag-alis ni Mira sa kanyang tabi. Nalaman na lamang niya na wala na ito roon nang hindi na niya makita ang babae sa paligid. Nakita siguro nito ang mga kaibigan niya kaya nagpatiuna na sa classroom nila. “Ang aga mo ata ngayon, Cem,” si Angge. “Uhm. Maaga ba ako? Ito naman ang usual na oras ng pagpasok ko,” sagot niya. “Ikaw ang maagang pumasok ngayon, Angge,” saad ni JR. “Parang excited ka nang pumasok.” “Tama. Excited kasi siyang makita si Cem,” asar ni Steven. “Tumigil nga kayong dalawa! Pag-untugin ko kaya kayo.” Umirap ito sa dalawang lalaki at nauna nang maglakad sa kanila. “Ang bilis mo namang maasar, oy!” habol ni Steven dito. “Nagtampo na ang muse natin,” ani ko. “Tampururot lang iyon,” si JR. Napangiti na lang siya. Kahit na mabilis mainis si Angge kapag inaasar nila ito ay mabilis din mawala iyon. Sanay na ito sa kalokohan ng dalawa nilang kaibigan. Nang makarating sila sa classroom ay agad na tumingin si Cem sa direskyon kung nasaan si Mira. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang matagpuan nga niya ang babae roon. “Good morning, Cem!” bati ng mga classmate nila sa kanya. “Good morning din sa inyo.” “Bakit ako hindi ninyo binati?” reklamo ni JR sa mga ito na kasunod niyang pumasok. “Hindi ka raw kasi si Cem,” sagot naman ni Angge at tinapik sa balikat si JR na parang sinasabi sa lalaki na, ‘better luck next time’. Nagtawanan naman ang mga nakarinig. Napailing-iling na lang siya sa asaran ng mga kaibigan niya. Lumakad na siya papunta sa kanyang upuan. Inilagay niya sa likuran ng kanyang silya ang bag niya at umupo roon. Maya-maya ay naglagay si Mira ng isang note sa kanyang desk. Nagulat man ay kinuha niya iyon doon at binasa. ‘Sorry. Nauna na ako rito sa classroom.’ Napangiti siya matapos mabasa iyon. Iniisip siguro nito na magtatampo ako dahil sa iniwan niya ako kanina. Kumuha siya ng ballpen sa kanyang bag at isinulat ang sagot niya rito. Pagkatapos ay ibinalik niya ang maliit na papel na iyon sa katabi. ‘Okay lang. I know you’re still shy and don’t want to be with many people. Good morning!’ Nakatingin lang siya sa babae hanggang sa lumingon ito sa kanya. Ngumiti naman siya rito pero agad itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Lalo tuloy siyang napangiti sa inakto ng katabi. Even to me, she’s still shy, he thought. And she’s cute like that. Napailing-iling siya sa nasabi ng kanyang isipan. Binawi na rin niya tuloy ang kanyang tingin dito dahil naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Itinuon niya na lang ang atensiyon sa harapan hanggang sa dumating na ang teacher nila. LAST subject na at magla-lunch break na sila. Napatingin si Cem sa katabi na matiim pa ring nakikinig sa kanilang guro. Usually kasi ay wala nang gana ang mga estudiyante na makinig kapag last subject na pero ang babae ay nakatuon pa rin ang mga mata sa harapan. Hindi niya namalayan na nagpaalam na pala ang guro nila hanggang sa marinig niya ang boses ng mga kaibigan na palapit sa kinauupuan niya. “Tara na, Cem,” aya ni Steven. “Hmm… kayo na lang muna ang pumunta sa cafeteria,” sagot niya. “Ha? Bakit?” takang tanong ni Angge. Kinuha niya sa kanyang bag ang baong lunch box at ipinakita iyon sa tatlo. “Nagbaon ako ngayon kaya dito na lang muna ako sa classroom kakain,” sagot niya. “Puwede ka namang doon kumain, dalin mo na lang iyang lunch box mo,” suggest ni JR. “Sige na. Mauna na kayo roon at baka maubusan pa kayo ng food sa cafeteria.” “Sigurado kang dito ka na lang kakain?” tanong muli ni Angge. Tumango siya. “Oo. Sige na.” “Okay. Sige. Mauuna na kami.” Hinintay muna ni Cem na makaalis ang iba pa nilang mga classmate bago kausapin si Mira. As expected, silang dalawa lang ang natirang tao roon. At kung hindi niya naisipan na magbaon ng pagkain para samahan ito ay maiiwan na namang mag-isa ang babae. “Hmm… wala ka bang baon ngayon?” tanong niya sa katabi dahil napansin niyang hindi pa nito kinukuha ang lunch box nito. “Meron…” mahinang sagot nito sa kanya sabay kinuha ang lunch box nito sa loob ng bag at inilapag sa ibabaw ng desk nito. “Si mama mo ba ang naghanda niyan?” casual niyang tanong sa katabi na para bang magkaibigan na sila. Tumango lang ito. “She’s so sweet.” Hindi na sumagot ang babae kaya naman tumahimik na rin siya at nagsimula nang kumain. Siguro ay nahihiya ito dahil nandoon siya pero ayaw naman niyang mag-isa ito roon. He can’t stand it. That’s the purpose why he made his lunch box early in the morning. HINDI mapakali si Mira sa kanyang upuan hanggang sa hindi niya naitatanong ang nasa isip niya sa lalaki. Ayaw man niyang isipin na sinadya nitong magbaon din ng pagkain para samahan siya nito doon pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Nang maipon na ang lakas ng loob ay nagsalita na siya. “B-Bakit… bakit mo ako sinasamahan?” Tila nagulat ata ang katabi niya sa tanong niya dahil napatigil ito sa pagkain at lumingon sa kanya. Dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito ay napayuko lang siya at tinginan na lang ang lunch box na nasa ibabaw ng desk niya. “I-I mean… Hindi ako sigurado kung tama nga ba na sinasamahan mo ako o n-nagkamali lang ako ng nasa isip.” “That’s true,” confident na sagot nito sa kanya. “Gusto nga kitang samahan. Does this make you uncomfortable?” nag-aalang tanong nito. Lumingon ang lalaki sa direksyon niya. Hindi siya makapaniwala dahil walang-alinlangan ang sagot nito sa kanya. “B-Bakit?” balik niyang tanong dito. “Dahil mag-isa ka lang dito.” Napakunot ang kanyang noo. Iyon naman ang gusto niya. Ang mapag-isa. “I know… I know na gusto mo’ng mag-isa, malayo sa karamihan, but I still believe that no one really wants to be alone for a long time. Kaya… kaya gusto kitang samahan hangga’t maari.” Napatingin siya sa lalaki nang marinig ang mga huling sinabi nito sa kanya. Those words hit her directly in her heart. As if he’s reading what she’s thinking right now. It’s true. She wants to be alone, yet she’s afraid. She wants to be alone because she doesn’t want to be left behind again. But at the same time, she’s afraid that she will be like that for a long time. “I don’t want you to be alone, Mira,” he said sincerely. Hindi niya mabawi ang mga tingin mula rito. She can see in his eyes how serious he is at that moment. He was not lying when he said those words to her. No one really wants to be alone for a long time... Yeah. She’s no one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD