Chapter 8

1464 Words
Chapter 8: “Hold My Hand”   HINDI na muling umimik si Mira kaya naman ipinagpatuloy na ni Cem ang pagkain niya. Nang lumingon siya sa katabi ay tapos na itong  kumain at nakaligpit na ng lunch box nito. Minadali tuloy niya ang pag-ubos ng baon niya dahil may gusto siyang ipakita sa babae. May laman pa ang kanyang bibig nang iligpit niya ang kanyang kinainan at inilagay iyon sa ilalim ng desk niya. Kinuha niya ang water bottle sa kanyang bag at uminom ng tubig dahil muntik na siyang mabilaukan sa ginawa niya. Nang mawala na ang laman sa kanyang bibig ay tumayo na siya at humarap sa katabi. “Puwede ka bang sumama sa akin?” tanong niya sa babae na tila naman nabigla sa inakto niya. “H-Ha? S-Saan?” gulat na tanong nito. “I want to show you something na sigurado akong magugustuhan mo.” Ngumiti siya sa babae habang hinihintay ang sagot nito. Yumuko pa ito na tila nag-iisip pang mabuti kung sasama ito sa kanya o hindi. Hindi na niya nahintay pa ang pagsagot nito at nagsalita nang muli, “Let’s go baka maabutan na tayo ng bell.” Naglakad na siya papunta sa pintuan ng classroom. Hindi sumagot ang babae pero napangiti siya nang tumayo na ito sa upuan at sumunod sa kanya. He wants to bring Mira to his favorite place in this school—at their building’s rooftop. Napatigil si Cem sa kanyang paglalakad nang maramdaman ang paghinto ng babae sa pagsunod sa kanya. Nandoon na sila sa may bandang dulo ng third floor kung nasaan ang hagdan papunta sa may rooftop. Bumaling siya sa kanyang likuran at tiningnan si Mira. Nakayuko lang ang babae at magkahawak ang dalawang kamay na tila ba kinakabahan ng mga sandaling iyon. Napansin niya ang pagpapawis nito at ang bahagyang panginginig sa kanyang mga kamay. Nag-aalala siyang lumapit sa babae. “A-Are you okay?” tanong niya pero nanatili lang itong nakayuko. Huminga ito nang malalim na para bang kinakalma ang sarili nito. Doon lang niya na-realize ang posibilidad na may fear ito sa heights o sa mga close spaces katulad na lang ng lugar kung nasaan sila naroroon. Napapikit siya at napailing sa sarili dahil hindi man lang niya iyon naisip agad. “I-I’m sorry. Hindi ko man lang tinanong sa iyo kung… kung okay lang ba na pumunta tayo sa may rooftop.” Umiling lang si Mira pero nanatili pa rin itong nakayuko at hindi tumitingin sa kanya. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Gusto pa man niya sanang ipakita ang magandang view na matatanaw mula roon sa rooftop pero mukhang hindi na iyon matutuloy pa. Napatingin siya sa kanilang paligid at nag-iisip ng gagawin. Maya-maya ay inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa kaharap na babae. “If you are scared then you can hold my hand,” he offered to her. Umangat ang tingin nito at tumingin sa kanya. Tila ba nagtatanong ang mga mata nito sa kanya kung tutuloy ba sila sa pag-akyat ng rooftop. Ngumiti siya sa babae para maibsan ang nararamdaman nitong kaba ng mga sandaling iyon. “Hindi na tayo aakyat sa rooftop. Nakaisip na ako ng paraan para makita mo pa rin iyong magandang view mula rito.” Ngumuso siya at itinuro sa pamamagitan no’n ang kamay niyang nakalahad rito. He’s indicating that he’s waiting for her to accept her hand. Tumingin lang muli sa kanya ang babae. Dahan-dahan naman nitong inilagay ang kaliwang kamay nito sa ibabaw ng palad niya at hinawakan niya iyon. Nakaramdam siya ng kung ano sa kanyang katawan nang magdampi ang kanilang mga kamay. Her hand is soft. It’s also cold, but it makes him warm at the same time. Halatang kinakabahan pa ang babae pero ngumiti siyang muli at marahang pinisil ang kamay nito. Ayaw niyang ipahalata rito na dahil sa paghawak-kamay nilang dalawa ay nakaramdam din siya ng kaba sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Iwinaksi na niya iyon sa kanyang isipan at iginiya ito sa may likod ng hagdan kung nasaan sila. Naalala kasi niya na mayroon doong malaking bintana kung saan matatanaw rin ang magandang view sa labas. Nang makarating doon ay itinuro niya iyon kay Mira. “Here. Through this window ay matatanaw mo ang likod ng school natin,” saad niya sa babae. Lumapit naman ito roon at sumilip din sa may malaking bintanang iyon. Nakita niya ang pagkamangha sa mukha ng babae nang makita nito ang tinutukoy niyang tanawin. The wide-open field full of tall and green grasses, flowers, and trees outside is refreshing and energizing to see. Mas makikita ang buong kapaligiran na iyon kung nandoon sila sa rooftop pero habang hindi pa nito kaya ang umakyat doon sa itaas ay dito na lang muna niya dinala ang dalaga. “Isn’t it beautiful?” tanong niya rito. Tumangu-tango ang babae. “Oo nga. A-Ang ganda,” sagot nito. Napangiti siya. Doon lang niya na-realize na magkahawak pa rin pala ang mga kamay nilang dalawa. Napalunok tuloy siya dahil naramdaman na naman niya ang pagkabog ng kanyang puso. Nahihiya naman siyang bawiin ang kamay niya rito dahil mukhang gumaan ang pakiramdam ni Mira nang hawakan niya ito. Tila dininig naman ang nasa isip niya nang maramdaman ang pagbitiw ni Mira sa kanyang kamay. Lumapit ito sa may bintana at mangha pa ring inilibot ang mga tingin sa nakikitang magandang tanawin mula roon. “I’m glad you like it.” “Yes. T-Thank you for bringing me here and… and showing it to me,” ani nito. “This is what I’m doing if I want my mind to relax and to stop thinking about many things. Tinitingnan ko ang magandang tanawin na iyan mula sa may rooftop ng building na ito. Kasabay noon ay humihinga na rin ako ng malamig na simoy ng hangin mula roon.” Napalingon ito sa kanya. “We can go there if you like it sa susunod,” dugtong niya. Ilang minuto silang nag-stay roon hanggang sa tumama ang sikat ng araw sa bintanang iyon at masilawan si Mira. “Uminit na,” saad niya pero nanatili pa rin itong nakatingin sa labas ng bintana habang tinatakpan ang nakasisilaw na sikat ng araw na tumatama sa mukha nito. She’s still admiring the beauty of nature she can see outside. Lumapit siya sa babae hanggang sa ilang distansiya na lang ang layo nila sa isa’t-isa. He extends his hand towards her and covers her face so the sunlight won’t hit her directly. He wants her to enjoy her time looking at it. Tumingin na rin siya sa may labas at nakigaya rito. Bumaling naman sa kanya si Mira at doon lang niya napansin na magkalapit na pala ang mga mukha nila. Nagkatinginan tuloy silang dalawa at tila ba may kung anong atraksiyon ang nagpapanatili sa kanilang mga mata na magkatitigan nang matagal. They stared at each other’s eyes until they heard the bell rang as a sign that lunch break is already finished. Sabay silang napaiwas ng tingin dahil doon. “Balik na tayo.” “Balik na tayo sa classroom.” Halos sabay nilang sabi sa isa’t-isa. Nagkatinginan tuloy silang muli. Unang nagbawi ng tingin si Mira at napayuko sa hiya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo. “L-Let’s go,” aya niya rito at muling inilahad ang kanyang kamay sa babae. Hindi sa gusto niyang hawakan kamay nito pero iniisip niyang baka makaramdam ulit ito ng takot. Saglit itong tumingin sa kanyang nakalahad na kamay at maya-maya ay tinanggap rin. “Uhm…” Nauna na siyang maglakad sa babae dahil sigurado siyang nahihiya ito sa awkward nilang sitwasyon kanina pero nanatiling nakahawak ang kamay niya rito. Hindi na ito ganoong kalamig kagaya nang hawakan niya iyon kanina. It became warm just like his hand. “T-Thank you nga pala,” saad nito na nakapagpahinto sa kanya sa paglalakad. Lumingon siya rito at ngumiti nang malawak. “It’s nothing. Masaya ako na nagustuhan mo iyon. We can go there every time you like,” tugon niya. “I will go with you anytime.” “T-Thank you, Cem.” Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa kakaibang pakiramdam doon. No’n lang ata niya narinig na banggitin ng babae ang pangalan niya at tila ba ikinatuwa iyon ng puso niya. Ano na ba’ng nangyayari sa akin? tanong niya sa sarili. Mabuti na lang at agad siyang tumalikod sa babae. Hindi na nito nakita ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi sa sobrang hiya at kaba. What are you doing to me, Mira?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD