Chapter 28: “Unexpected Encounter” ILANG ARAW nang hindi nagkakasabay sila Mira, Cem, Angge, JR, at Steven sa pag-uwi dahil naging busy ang apat sa kanilang training. Pare-parehas kasing mga varsity ang apat. Ang tatlong lalaki ay kabilang sa basketball at si Angge naman ay sa volleyball. Since one month na lang at mag-uumpisa na ang foundation week ay halos hindi na nagkakatagpo ang mga schedule nila. Nagkakasama na lang sila kapag pupunta sila sa bahay nila Angge para ipagpatuloy ang paggawa ng kanilang research paper. “Mira!” Napatingin siya sa tumawag sa kaniya. Pababa na siya ng second floor para umuwi dahil in-inform siya ni Angge na hindi ito makakasabay sa kaniya dahil nasa training pa ito gayundin sila Cem kaya nag-decide na siyang mauna sa kanila. “Oh. Steven… T-Tapos na

