Chapter 3

1905 Words
Chapter 3: “Her Saviour, Her Seatmate”   “I-IT’S nice t-to meet you, too…” Hindi alam ni Mira kung paanong lumabas iyon sa kanyang bibig nang maayos gayong hindi niya mapigilan ang kabang nararamdaman sa kanyang dibdib. At that moment, she can feel all of the eyes staring at her. She’s not used to be the center of attention kaya lalo lamang siyang kinabahan. Napayuko siya ng kanyang ulo at napakagat ng kanyang ibabang labi. She can feel her hands starting to sweat. “I’m glad you’re okay,” saad pa ng lalaki na ngumiti muli sa kanya. At dahil iyon sa iyo. You saved me from jumping off the hospital building a year ago. Iyon sana ang mga salitang gustong sabihin ni Mira dito pero wala siyang lakas ng loob para bigkasin kaya tumango na lamang siya sa kanyang kaharap. Ayaw na rin naman niyang pahabain pa ang pag-uusap nila kahit na gusto niya ang presensiya ng lalaki. Just like before, the guy is unexpectedly calming her heart though he makes her feel nervous at the same time. Mabuti na lang at ibinaling na ni December ang mga mata sa mga nakapaligid rito na para bang napansin nito na kinakabahan siya sa atensiyong kanyang nakukuha. Dahil doon ay naalis na rin ang mga matang nakatingin sa kanya kanina simula nang kausapin siya ng lalaki. Tila ba inaabangan din ng mga classmate nila ang pangangamusta nito sa kanila. At dahil napunta na muli sa lalaki ang atensiyon ng buong klase ay nagkaroon na si Mira ng chance para maglakad papunta sa vacant seat na nakita niya kanina. Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa palayo sa karamihan. “Bakit ba bigla ka na lang hindi pumasok, Cem?” tanong ng isa sa mga babaeng nakapaligid rito. “Oo nga. Ang akala namin ay hindi ka na makahahabol ng first sem, eh,” dugtong pa ng isa. Nagtataka si Mira sa kanyang narinig. Kung ganoon ay magkasabay rin kami na late nang pumasok this sem? tanong niya sa kanyang isipan habang inilalapag ang bag niya sa desk. She sits on the vacant chair at the back near the window para hindi siya gaanong mapansin. Ano kaya ang nangyari sa kanya? patuloy na tanong ng isip niya. Sakto naman ay sumagot ang lalaki sa tanong ng kaklase. “Family matters. May nangyari lang pero okay na ulit ngayon kaya naman nakabalik na ako,” masiglang sagot ni December. “Kayo? Kumusta naman?” Nakangiti pa rin ito sa kanila na tila ba wala itong pinagdaanan na problema hindi gaya ng sinabi nito. “Na-miss ka namin. Na-miss namin ang ngiti mo.” “Oo nga. Wala na kasing nagpapatawa sa amin.” “Wala na ring nagtuturo sa amin sa mga assignment.” Napatawa itong muli. “Huwag kayo mag-aalala. Magkakasama tayo hanggang sa matapos ang school year,” paninigurado nito sa kanila. He’s popular, ani niya sa kanyang isip. Almost all of them liked him. People around him seem to enjoy his company and he seems to enjoy talking with them, too. Like what she said, he’s likable. His presence alone makes the whole room refreshing and lively just by looking at him. He’s all that she’s not. They’re the opposite. Completely opposite. She didn’t plan to live a happy life because she still believed that it’s her fault why her best friend died. Nang mapagdesisyunan niya na hindi na ituloy ang pagtalon sa building ng hospital noon dahil kay December ay napagdesisyunan niya rin na ipagpatuloy ang buhay niya pero hindi na katulad ng dati. Hindi niya kayang ibalik ang dating siya no’ng nabubuhay pa si Naya. Hangga’t maari sana ay ayaw niyang mapukulan ng atensiyon ng karamihan o magkaroon pa ng bagong kaibigan sa ngayon. She wants to be alone in her own world because she thinks she deserved to be. She wants to stay unnoticeable hanggang sa tuluyan na niyang mapatawad ang kanyang sarili sa nangyari. Napabuntong-hininga siya sa isiping iyon at ibinaling ang mga tingin sa labas ng bintana. She looks up and stares at the blue sky above. It looks as if it’s sad, just like her at that moment. Naalala na naman niya ang kanyang twinnie. Sa mga panahon na nag-iisip siya ng kung ano-ano ay ang matalik na kaibigan ang palaging nagpapasaya sa kanya pero wala na ito ngayon para gawin iyon. Naya… I miss you na, Twinnie. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Pain starts to strike her heart. It’s been a year, but she still couldn’t forgive herself. She doesn’t know that she’s crying already, not until she feels the tears in her eyes running down her cheeks. Nagmamadali siyang yumuko sa kanyang desk to hide her face. She doesn’t want anyone to see her like that. Nanatili siyang nakayuko hanggang sa mapatigil niya ang sarili sa pagluha. She thought that she would be fine now pero nagkamali siya. Hindi pa rin pala siya okay kahit na sinasabi niya sa sarili niyang magiging maayos din ang lahat sa paglipas ng panahon. They said ‘time heals all the wounds’, but for her, it’s not. It does soften people’s pains and sufferings, but so does people’s joy and happiness. Time alone can’t heal emotional wounds. Maya-maya ay isang pilas ng papel ang nakita niya sa ibabaw ng kanyang desk. Marahan iyong inilagay ng katabi niya roon. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pag-ayos ng upo nito nang maibigay iyon sa kanya. Are you okay? Those are the words written on that small piece of paper from the person beside her. Just as she expected, may nakakita nga sa kanya na umiiyak ng mga sandaling iyon. Ayaw pa man din niya na mapansin ninuman pero heto’t siya rin ang may gawa kung bakit nandoon siya sa awkward na sitwasyong iyon. She took a deep breath before glancing at her seatmate, who gave that note. Kumabog ang puso niya sa gulat nang makita ito. S-Si December? Agad niyang binawi ang tingin sa lalaki at bumalik sa pagkakayukyok niya sa ibabaw ng kanyang desk. Bakit ito nasa tabi niya? Napalunok siya. She’s not aware that the guy is the one sitting beside her right now. And for the second time around, he witnessed her crying. Mabuti na lang at hindi ito nakatingin sa kanya ngayon sa halip ay nasa kabilang direksiyon ang mga mata nito. She wiped her tears using her hand pagkatapos ay kinuha niya ang ballpen sa kanyang bag upang sagutin ang tanong nito. I’m okay. Thank you. Isinulat ni Mira iyon doon sa papel at dahan-dahang inilagay sa desk ng katabi nang hindi tumitingin sa lalaki. Sakto naman ang pagdating ng kanilang teacher ng oras na iyon para sa una nilang klase kaya inayos na ni Mira ang sarili at ang kanyang pagkakaupo sa silya. “Good morning, class!” bati ng kanilang guro. “Good morning, ma’am!” sabay-sabay na bati ng mga kaklase niya. “Bago tayo magsimula ng lesson natin for today. Magpapakilala akong muli sa inyo, I’m Ma’am Lesly. I will be your teacher for Filipino subject. And I just want everyone to welcome your classmates, December Gutierrez and Miracle San Diego. You may both stand and introduce yourselves to everyone,” ani nito. Kinabahan naman si Mira nang marinig na binanggit ng kanilang guro ang pangalan niya. This is one of the scariest moments of her school life, that introduce yourself thing. She is an introvert. Hindi siya sanay sa maraming tao lalo na ang magsalita sa harap nila. Hindi niya alam ang kanyang gagawin ng mga sandaling iyon. Inuutusan niyang tumayo ang kanyang mga paa pero hindi iyon sumusunod sa kanya. Nagsisimula na ring mamawis ang kanyang mga palad lalo na’t nasa kanilang dalawa ni December ang atensiyon ng lahat. Maya-maya ay tumayo na ang lalaking nasa tabi niya at nagsimula nang magpakilala. “Hi, I’m December Gutierrez. You can call me Cem for short. My name obviously came from the month of December. Hmm… I’m seventeen years old. I love watching anime. I hope to get along with you all.” He smiles before he sits back on his chair. Nagpalakpakan naman ang lahat matapos magsalita nito. Napakagat si Mira sa kanyang ibabang labi. Ibig sabihin lang kasi noon ay siya na ang susunod na magpapakilala. “Okay, next? Miracle San Diego?” Napalunok siya nang marinig muli ang kanyang pangalan. Kinurot muna niya ang kanyang hita para mawala ang kabang kanyang nararamdaman. Everyone is looking at her right now and waiting for her to introduce herself. Knowing that, lalo siyang kinabahan. Noon kasi ay nasa tabi niya si Naya na nagpapalakas ng loob niya sa tuwing may ganoong pagkakataon na kailangan niyang magsalita sa maraming tao. Her best friend would always help her to calm herself. Bigla namang may inilagay si December sa kanyang desk. Isang pirasong papel ulit iyon. Don’t look at the people staring at you. Focus your eyes at the front, take a deep breath, and start to speak slowly. You can do it. :) Matapos mabasa ang isinulat ng lalaking katabi ay tila ba nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib. She stands up and tries to do what he said on the note. Hindi siya tumingin sa mga naroon bagkus ay ibinaling niya ang kanyang mga mata sa blackboard. Huminga siya nang malalim at saka nagsalita. “H-Hello. I’m Miracle San Diego. I-I’m seventeen years old. It’s nice to m-meet you all.” Pagkatapos noon ay yumuko siya at saka bumalik sa kanyang pagkakaupo. Nagpalakpakan muli ang mga kaklase nila at nagsimula na ang teacher nila na magturo. Sa wakas ay nalagpasan niya iyon sa tulong ng lalaki. As if he is someone sent to help her in those times… just like what Naya did before to her. Lumingon si Mira sa katabi para pasalamatan sana ito pero nakatuon na ang pansin nito sa harapan at nakikinig. Kinuha niya ang papel na galing dito at nagsulat din doon. Thank you for saving me before. And thank you for saving me again now. Nahihiya man ay kinapalan na niya ang kanyang mukha. She really wanted to say thank you to him since she saw him earlier pero hindi niya kang bigkasin iyon. Mabuti na lang at magagawa na niya iyon sa pamamagitan ng note. She glances at him and puts the note above his desk. Hindi na niya tiningnan ang reaksiyon ng lalaki. Ibinaling niya agad ang atensiyon sa harapan at kunwari ay nakikinig na. Hanggang sa magsalita ito. “You’re welcome, Mira,” he said softly. Napatingin tuloy siya sa lalaki at sumalubong sa kanya ang ngiti nito. His smile soothes her. Just like a how a cozy breeze does. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kakaiba sa kanyang puso. Those are just three words pero libu-libong paru-paro ang naramdaman niya sa kanyang katawan. Okay lang ba na maramdaman niya iyon? Okay lang ba na makaramdam siya ng ganoong saya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD