VIII

2796 Words

Hindi mapigilang pagmasdan ni Al ang napakagandang mukha ng babaeng minamahal habang ito’y natutulog. Napakapayapa ng mukha nito. Hindi niya alam kung anong klaseng pasasalamat sa Diyos ang gagawin niya dahil sa pagkakataong kagaya nito na ibinibigay sa kanya. Itinuturing niya itong isang biyaya. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nadarama ngayon dahil kasama at kapiling na niyang muli ang pag-ibig na kay tagal niyang hinanap at inakalang hindi na muling matatagpuan. Kahit na mataas na ang araw at nasisikatan na sila nito ay hindi pa rin nagigising si LingLing. Marahil ay dahil sa gabi na sila nakatulog kagabi. Magdamag kasi silang nagkuwentuhan at nag-usap habang inuunti-unti ni LingLing na ibalik ang ala-ala niya. Na itinigil din nila agad dahil sa muling pagsakit ng ulo ng dalaga, kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD