Lagpas alas-dose na ng mag-break si Mae sa trabaho. Buong umaga siyang wala sa sarili at ni isang piraso ng tinapay ay hindi pa siya kumakain. Wala din siyang ganang magtrabaho. Padabog ang mga kilos niya at madalas ang pagtingin sa orasan, na para bang minamadali ang oras. Iniisip niya kung ano ang ginagawa ni Al at ni LingLing ngayon. Iniisip din niya ang naging usapan nila ni Al kanina. Iniisip niya kung siya ba ang OA o si Al. Iniisip niya kung tama bang makaramdam siya ng selos sa dalawa. Hindi sa ayaw ni Mae kay LingLing pero hindi niya maiwasang magselos dito. Nagseselos na siya dito mula pa noong umalis ito, dahil ito na lang lagi ang bukambibig ni Al, at lalo na ngayon, nang biglang sumulpot ito. Isa pa, sa paningin niya ay nagiging padalos-dalos si Al sa paggawa ng mga desisyon

