IV

1876 Words
Gabi na nang makarating si Alicia sa tinutuluyang hotel at halos hindi na niya maihakbang ang mga paa ng dahil sa pagod. Pinipilit na nga lang niyang ngumiti sa harap ng mga nakakasalubong na tao sa hotel at hindi rin niya tinatangihan ang mga humihingi ng autograph at nakikipag-selfie sa kanya. Halos araw-araw itong dinaranas ni Alicia. Mula pa noong nagsimula siya ng kanyang career 12 years ago hanggang ngayon. Nagkakaroon din naman siya ng free time para sa sarili pero hindi ganoon kahaba para makapagbakasyon siya at makapagpahinga. Grabe ang demand sa kanya, napakarami ng mga projects, concerts at music tours na kailangan niyang tapusin at puntahan. Minsan hindi na niya alam kung saan pa niya kinukuha ang lakas na ginagamit para malagpasan ang bawat araw. Ang tanging iniisip lang niya ang kanyang mga fans at ang pagmamahal n’ya sa pagkanta at musika. Isa pa, kinakaya ni Alicia lahat ng pagod para sa kanyang pamilya. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya kayang pagbigyan ng madrasta. Ayaw niyang pag-isipan ng masama ang itinuring na ina. Pero ibang-iba na ang ugali at mga ikinikilos nito kumpara sa noon. Masyado na rin itong nagiging ganid sa pera. Dating mabait at maalaga si Aling Lupe. Kaya pinagkatiwalaan ito ng ama ni Alicia na mag-alaga sa kanya noong namatay ang kanyang tunay na ina ng dahil sa kumplikasyon ng Alzheimer’s disease. Hanggang nakapagpalagayan ng loob ang ama niya at si Aling Lupe at nagpasyang magpakasal. Pero nang magsimulang kumita ng malaki si Alicia ay biglaan din nagbago ang ugali nito. Nalulong ito sa casino, at iba pang bisyo. Madalas din nitong inaalala ang iniisip at opinyon ni Alicia noon. Pero ngayon maging ang mga isusout n’ya sa concerts at mga isasagot sa presscon ay kinokontrol na nito. Bukod pa diyan, ngayon, gusto na rin nitong pakialaman pati ang pagpapakasal niya. Bahagyang nakaramdam ng hilo si Alicia, marahil dahl sa labis na iniisip. Papatulog na sana siya para makapagpahinga nang biglang tumunog ang cellphone niya. “Hello, Agnes.” “Alicia, sorry I called this late. You’re probably sleeping but I want you to know that I’m already here in the Philippines. The chopper is here.” “Thank you, Agnes. Uhm, how about the other favor I asked you?” nahihiya pang tanong ng dalaga. “Oh, Yes. I found out everything about your step-mom.”  Umayos ng upo si Alicia at inihanda ang tainga sa sasabihin ng kaibigan. Isa-isang sinabi ni Agnes ang mga impormasyong nakuha niya mula sa pag-iimbistiga sa madrasta ni Alicia. Mula sa malaking utang nito na nagkakahalagang 500,000 US dollars sa recording company na pinagtatrabahuan ni Alicia hanggang sa mga droga na binili nito online sa black market. Hindi pa kasama ang 3-milyong piso na ipinatalo nito sa casino at 4 na milyong piso na natalo sa online gambling. At ang pagkuha nito malaking loan sa isang malaking bangko sa America sa ilalim ng pangalan ni Alicia.  “No,” halos hindi makapagsalita si Alicia sa pagkabigla. Hindi niya akalain na ganito na pala ang ginagawa ng madrasta sa pera na pinaghihirapan niya. “Hindi niya…” “One more thing,” singit ni Agnes. “Oh my... there’s more?” “Yeah. Mr. Park knows your mom can’t pay her debt. So, he wants you to be the payment. That’s why your witch step-mom wants you to marry Mr. Parks son. And…” “And what?” dismayadong tanong ni Alicia. “And everything has been set already. The papers, gown, invitation. I even saw the papers. They already have your signature. I don’t know how, but yeah, it’s terrible. They are planning to have the wedding by next week. And according to Mr. Park, if you refuse, or in any event you didn’t come, he will ruin your career and life. He said that everything you have right now will vanish. Lingling, I want you to think of this carefully.” Napahimas ng ulo si Alicia ng dahil sa narinig. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot na may kasamang galit. Pakiramdam niya ay ginagamit lang siya ng madrasta para makuha ang mga kailangan nito. At ngayon, gusto pa siya nitong gawin pambayad utang. Siya pa ngayon ang inipit ng madrasta. Hindi mapigilang makadama ng galit at pagkadismaya ni Alicia. Hindi niya inakalang sa kabila ng mga kabutihang ipinakita niya ay ganito pa ang dadanasin niya sa kamay ng madrasta. Agad niyang inabot ang painkiller na nasa ibabaw ng drawer na nasa tabi ng kama at ininom ang isang tableta mula rito. Nitong mga nakaraang mga buwan madalas ang pag-atake ng migraine kay Alicia. Marahil dahil sa sobrang pagod at stress, pero kahit noon pa ay nararanasan na niya ito. Madalas lang niya itong hindi pinapansin dahil mabilis lang din itong nawawala. Pero nitong mga nakaraan ay parang lalong lumalala ang pagsakit ng ulo niya. Hindi talaga malaman ni Alicia kung ano ang dahilan nito. Maging ang mga doktor na pinuntahan niya ay hindi matukoy kung bakit madalas ang pagsakit ng kanyang ulo. At ngayon, dumagdag pa itong nalaman niya tungkol sa kanyang madrasta. “LingLing, are you okay?” nag-aalalang tanong ng kaibigan niya nang mapansing hindi na sumasagot ang dalaga. “Ye-Yeah. I’m fine.” “Okay. Just come here tomorrow before sunrise just like what you planned.” “Alright. Thank you very much Agnes.” Noong gabing iyon, nakatulog na lang si Alicia habang iniisip ang madrasta at tinitiis ang sakit ng ulo. Hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ng madrasta ang mga bagay na natuklasan ni Agnes. Muli siyang nakadama ng galit at pagkadismaya. Kaya naman dahil dito naging buo na ang loob niya. Aalis siya at tatakas mula sa manggagamit ng madrasta. At pupuntahan ang lalaking pinakamamahal niya.   Madilim pa nang makarating si Alicia sa lugar kung saan sila magkikita ni Agnes. Nagsuot na lamang siya ng facemask at sombrero upang hindi makilala ng mga taong makakasalubong at makakasalamuha niya sa labas . Habang nasa elevator ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Alicia ang mga nalaman tungkol sa madrasta. At habang iniisip niya ito ay lalong lumalalim ang galit at pagkadismayang nararamadaman niya para sa babaeng itinuring niyang tunay na ina. Pagbukas ng elevator ay agad niyang nakita si Agnes sa loob ng helicopter at kumakaway sa kanya.  “Yow! How did you get here?” bungad na tanong ni Agnes habang bumababa mula sa helicopter. “I took a taxi,” mabilis na sagot ni Alicia habang magkasulubong ang mga kilay. Taliwas sa madalas na masayang ekspresyon nito. “You’re angry, aren’t you?” “No…” Lumapit si Agnes sa kaibigan at ipinatong nito ang mga kamay sa magkabilang balikat ng kaibigan. “Yes, you are. I can see it on your face. Ling, are sure about this? You know what will happen when you continue this, right?” Tumango lang si Alicia at pagkatapos ay naglakad papunta sa helicopter. Bakas sa mukha ni Agnes ang pag-aalala sa kaibigan pero sa kabila noon ay gusto rin niya na maging masaya ito. At alam niya na ito lang ang tanging paraan para makatakas si Alicia sa maaaring maging masalimuot na hinaharap. Alam din ni Agnes ang tungkol sa pangakong iniwan ni Alicia sa isang kababata nito. At alam na alam niya kung gaano gustong makitang muli ng kaibigan ang unang pag-ibig niya. At alam na alam din niya kung gaano na kapagod ang kaibigan. “I’m sorry Agnes. I’m just disappointed and I feel betrayed,” biglang sabi ni Alicia bago pumasok sa loob ng helicopter. “I understand. No worries.”  Agad na sumunod si Agnes kay Alicia at  mabilis nilang inihanda ang helicopter. Sinigurado ni Agnes na ligtas na makakaalis si Alicia. Naglagay rin siya ng ilang pagkain at inumin sa loob nito. Alam niya kasing gutumin ang kaibigan kapag nagbibiyahe. Ilang sandali pa ay pinaandar na ni Alicia ang makina at inihanda na ang paglipad. “You still know how to operate this, right?” tanong ni Agnes nang matapos ang mga preperasyon. “Of course. You taught me well,” nakangiting sagot ni Alicia. “That’s right!” napangiti si Agnes sa narinig dahil kahit papaano ay lumiwanag ng bahagya ang mukha ng kaibigan. Isa sa pinakagustong gawin ni Alicia bukod sa pagkanta at musika ay ang pagpasyal habang sakay ng helicopter. Kaya naman ng nakaroon ng pagkakataon ay bumili ito ng sarili niyang helicopter.  Sa America, madalas na lumilibot si Alicia sakay ng helicopter niya para ma-relax at magkaroon ng oras para sa sarili niya. “You’re on your own now! I’ll be going back to America after this. I believe in your decision. Send me a message once you found him. Alright?!” pasigaw na sabi ni Agnes na pababa na ng helicopter. “Yeah! I’ll definitely do! Thank you so much Agnes!” malakas na sagot ni Alicia. “Take care!” sabi ni Agnes habang ikinakaway ang kamay na sinagot naman ni Alicia ng isang malaking ngiti. Pagkatapos nang ilang sandali ay nag take-off na ang helicopter. Wala pang kalahating oras at nakarating na si Alicia sa karagatan malapit sa Pitogo sa Quezon. Ilang bayan mula sa lugar kung saan siya lumaki. At tila bumalik ang mga ala-ala niya noong kabataan at para bang nawala ang nararamdamang sama ng loob nang makita ang pamilyar na lugar. Hindi niya maiwasang tumingin sa ibaba upang makita ang lugar na talaga namang malapit sa puso niya. Nakita na ni Alicia ang lugar na hinahanap. Isang lugar na malapit sa dagat at puno ng puno ng niyog at mga halaman. Ang niyugan nila Al. Bumilis ang t***k ng puso ni Alicia at hindi niya mapigilan ang pag ngiti dahil sa wakas, pagkalipas ng mahabang panahon ay makikita na niyang muli ang kaibigan. At sa wakas ay matutupad na nila ang naiwan nilang mga pangako sa isa’t isa. Nakahanap na si Alicia ng lalapagan sa may dalampasigan nang biglang na namang sumakit ang ulo niya. Agad niyang inilagay sa auto-pilot mode ang helicopter at kumuha sa gamot sa bag at agad na ininom ito. Pero tila hindi tumatalab ang gamot. Lalong sumakit ang ulo niya. Pakiramdam niya ay binibiyak ito at nagsimula na ring umikot ang paningin niya. Gusto na niyang ilapag ang helicopter sa pag-aalalang hindi na niya ito makontrol at tuluyang bumagsak. Kaya pinilit niyang kontrolin ito kahit napakasakit ng ulo. Pero mas lumala pa ang nararamdaman niya. Wala ng kasing sakit ang sakit na nararamdaman niya. Hindi na niya magawang kontrolin ang sinasakyan at tila papalayo na siya sa gusto niyang puntahan. Pinilit ni Alicia na labanan ang sakit ng ulo habang kinokontrol ang sinasakyan. Hindi na rin niya magawang tumawag ng tulong. Habang nilalabanan ang sakit ng ulo at pagkahilo ay sumabay na din ang takot na nararamadaman niya. Hanggang sa sumayad na sa tubig ang buntot ng helicopter. Nagawa pa ni Alicia na iahon ito pero pagkatapos ay tuluyan din itong bumagsak at lumubog sa gitna ng karagatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD