Nagkakasiyahan sila Alicia at mga staff niya sa loob ng dressing room. Katatapos lang ng isang guesting niya at nais niya munang magpahinga kasama ang staff at mga kaibigan niya. Naglalaro sila ng uno cards habang nagpapalipas ng oras. Madalas nila itong ginagawa lalo na sa oras ng pahinga at breaks sa mga guestings at concerts. Kung minsan naglalaro din sila ng ibang board games na si Alicia mismo ang bumibili. Mabait at kapatid ang turing ni Alicia sa mga tao niya. Mula sa make-up artists hanggang sa mga bodyguards, tinatrato niya silang parang mga tunay na kapamilya.
Hindi lang mabait at mapagkumbaba si Alicia. At bukod sa kanyang napakagandang boses ay hindi rin matatawaran ang kanyang kagandahan. Halos hindi siya nagme-make-up kapag lumalabas. Sapat na ang natural niyang ganda para maging presentable sa harap ng mga tao. Madalas din siyang kinukuhang model ng mga sabon at whitening products dahil sa napakaganda niyang kutis. Mahinhin siya manamit pero napapanahon. Inihalintulad nga siya ng isang sikat na fashion magazine sa isang living goddess at diwata. Kitang-kita rin ang kanyang kasikatan sa social media at mapakarami talagang nagmamahal sa kanya saan mang panig ng mundo.
Habang nagtatawanan at nag-eenjoy sa laro ay isang malakas na kalabog ang bumulabog sa dressing room ni Alicia. Ibinagsak kasi ng galit na galit niyang madrasta ang pintuan nang pumasok ito. Pinagsisigawan nito at pinalabas ang lahat ng staff at mga kaibigan niya. Pero hindi na nabigla si Alicia. Napaghandaan na niya ang eksenang ito. Hindi pa man nagsasalita ang itinuring na ina, alam na niya kung bakit ito galit na galit.
“Ling! Ano ‘tong narinig kong hindi ka na magre-renew ng kontrata?!”
“Ma, calm down. Nakakahiya sa mga tao sa labas.”
“Wala akong pakialam! Paano ako hihinahon kung ganito ang pinaggagagawa mo?! Nakakahiya kay Mr. Park at sa anak niya!”
Tumayo si Alicia sa pagkakaupo at inalalayan ang ina na umupo sa sofa. Kumuha rin siya ng maiinom mula sa ref at inalok ito sa ina na wala namang pag-aatubiling tumanggi at tinabig lang ito.
“Ma, gusto ko ng umuwi sa Quezon,” sabi ni Alicia habang inilalapag sa mesa ang inumin na kinuha.
Tinignan ng matalim ng babae ang anak-anakan. “Nasisiraan ka na ba ng ulo? Are you crazy?! Hindi ako nagpakahirap iakyat ka rito sa kinalalagyan mo para bumalik ka lang sa maduming probinsyang ‘yon!”
Huminga ng malalim si Alicia. Kumuha ng lakas ng loob para masabi ang nadarama sa galit na madrasta. “I understand, but I’m tired, ma. Gusto ko munang magpahinga.”
“Then, magpahinga ka! Pero pirmahan mo ang kontrata!” pasigaw na sagot ng ina.
“I’m sorry, ma. But my decision is final. I won’t sign the new contract,” marahang sagot ni Alicia. Lalong kumulo ang dugo ng babae sa narinig. Pakiramdam niya ang walang respeto ang dalaga sa kanya. Tumayo ito. Talagang halos umusok ang ilong nito sa galit at dalawang beses nitong sinampal ang anak-anakan. Halos bumakat sa maputing mukha ni Alicia ang mga palad ng ina at hindi na niya napigilang umiyak. Hindi lang dahil sa sakit kundi dahil tila hindi siya naiintindihan ng babaeng itinuring niyang tunay na ina. Pero kailanman, hindi talaga siya pinakinggan nito.
“Bakit? Dahil sa sinabi mo noon na pangako mo sa hamapas-lupang kababata mo? Sisirain mo itong career mo for that?! Feeling mo tapos na ang obligasyon mo sa akin at sa ama mo?! ” talagang nagngingitngit sa galit ang babae. “I told you that you can go back there kasi wala kang tigil sa pag-iyak noon. Pero wala na akong balak na pabalikin ka sa nakakadiring lugar na ‘yon!”
Hindi sumagot si Alicia. Ayaw niyang mabastos ang madrasta kaya pinigil na lamang niya ang galit na nadarama at pinigil na lang niyang sumagot. Hindi naman na nagkulang si Alicia sa ama at sa step-mom niya. Nabilhan na niya sila ng bahay sa Korea at sa America at mayroon na silang mga ari-arian at lupa na nabili sa Pilipinas. Lahat ng ipinangako ni Alicia sa tunay niyang ina noong nabubuhay pa ito, para sa ama niya ay tinupad niya. Ang tanging nais lang niya sa ngayon ay kaunting oras para sa sarili niya at magawa ang ilan na ipinangako niya sa sarili niya.
“Tomorrow, pag-uusapan na natin ang kasal mo sa anak ni Mr. Park. Nag-usap na kami at date na lang ng kasal ang pag-uusapan natin. Hintayin mo ang text ko sa’yo.”
“Ma?! Anong kasal?” gulat na tanong ni Alicia. Hindi niya alam kung nagkamali lang siya ng dinig o nabingi siya dahil sa lakas ng sampal sa kanya kanina.
“You’ll marry Mr. Park’s son. Kapag kasal na kayo, magiging tagapagmana ka na ng record company nila. Then, wala ng problema. Magiging mayaman tayo,” madiing sagot ng babae.
“Ma, you can’t do this to me! Ni hindi ko kilala ‘yung anak ni Mr. Park.”
Pero hindi na sumagot pa ang babae sa pagtutol ni Alicia. Matapos nitong uminom ng tubig ay tinignan nito si Alicia sa mata na tila sinisindak. At pagkatapos ay lumabas ito ng dressing room at muling ibinalibag ang pinto.
Naiwan si Alicia na umiiyak. Alam niya ang ibig sabihin ng tingin na ‘yon. Alam niyang hindi na mapipigilan pa ang gusto ng madrasta. Ayaw niyang suwayin ang step-mom niya pero hindi naman pwedeng hayaan niyang kontrolin nito ang buhay niya lalong-lalo na kung tungkol sa pagpapakasal. Isa pa, napapagod na siya sa pagiging makasarili at sakim nito sa pera.
Biglang nakaramdam ng p*******t ng ulo si Alicia kaya kaagad niyang kinuha ang kanyang gamot sa bag at agad na uminom ng dalawang tableta nito. Matapos huminga ng malalim at makaramdam ng kaunting ginhawa ay sumandal siya sa sofa at pumikit. Nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone.
“Hello, Agnes?” mabilis na sinagot ni Alicia ang tawag.
“Yeah. So, what happened?”
“As expected. Ma, got mad and then she told me that tomorrow we’ll settle the wedding with Mr. Park’s son.”
“Ah! That witch!” inis na sagot ng kausap niya. “Aw, sorry for that. So, do I have to send the chopper now?”
“Yes. Send it to the location I sent to you, please,” sagot ni Alicia.
“As you wish, my friend. I hope you’ll find happiness after this.”
At matapos ang maikling usapan ay tuluyan ng humiga si Alicia sa sofa. Iniisip ang balak na pagtakas mula sa madrasta at kung paano niya matupad ang pangakong iniwan sa minamahal na kababata.